Buong araw kaming magkasama ni Luke sa condo nya. Nakatulog ako sa pagod pero kapag nagigising ay bumabalik na ang lakas ay magsisimula ulit si Luke sa pag-angkin sa akin. Parang walang kapaguran ang hinayupak!
Kaya kinabukasan ng tanghali pa ako nakauwi. Hinatid nya naman ako.
Tapos si Leo naman ay tawag nang tawag sa akin simula pa noong ihatid nya ako sa condo ni Luke. May alam sya at walang sinabi sa akin! Tapos magpapa kwento pa sa akin. Hindi ako tinigilan hanggang hindi ako nagsasabi!
Lahat-lahat ay sinabi ko! Kahit 'yung mga ginawa namin ni Luke. Sya, eh! Lahat daw! Edi sinabi ko lahat! At kung kasama ko sya habang nagkukuwento, baka manakit ang katawan ko sa mga gagawin nyang panghahampas at pangungurot sa kilig! Mabuti talaga ay sa phone ko lang kausap.
Kahit na ilang linggo na ang lumipas ay hindi mawala-wala ang sayang nararamdaman ko. I’m engaged to Luke! Sinong hindi sasaya? Matagal ko na syang mahal at handa akong gawin ang lahat para sa pagmamahalan namin. Sigurado na kami sa isa't-isa.
Tumingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Nakagat ko ang labi para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Wala na yatang araw na hindi ko pinagmamasdan ang singsing nang ibigay 'to ni Luke. Napaka simple pero ang ganda.
Agad kong pinunasan ang luha ko. Ang bilis kong umiyak kahit pinagmamasdan ko lang ang singsing. Ang sarap sa pakiramdam.
Napalingon ako sa cellphone ko.
"Hi, good morning!" I greeted Kendra.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko gusto ang makipag-video call sa kanila. Mas gusto kong sa call lang. At alam na rin nila ang tungkol sa amin ni Luke. Na nag-propose na si Luke sa akin. Masaya sila. Sobrang saya at lalo silang na-excite umuwi dahil baka raw magpakasal agad kami ni Luke. Tinawanan ko iyon at sabi ko'y saka na kapag nakapag tapos na kami.
"Gabi dito!" singhal ni Kendra sa kabilang linya.
Tumawa ako. "Oh! Edi Good evening!"
"Whatever! Ano? Anong ganap diyan?!"
Ngumiti ako at sumandal aa headboard.
"Ayos lang. Diyan? Miss ko na kayo..."
"Miss ka na rin namin! Hayst! Nakaka-miss pala kapag wala ditong tanga," si Kendra.
Sininghalan ko sya. Kairita. Agang-aga mambubwisit. "Hindi ka naman juice, Kendra... Pero bakit napaka tang-ina mo?"
"Ako, tang-ina, ikaw tanga... Wow, bestfriend goals yarn?"
Iritado akong natawa. Sari-sari na talaga.
"Kairita ka, Kendra! Huwag mo nga akong kausapin! Wala ka nang sinabing matino!" iritado kong sabi.
Tumawa sya. "Basta ako matino! Tulog na si Hara kaya ako ang kausap mo."
"Share mo lang?"
"Tanga! Oo, share ko lang! Bakit aga-agang, badtrip ka, Janine? Nag-away kayo ni Luke? Naku!"
"Ang pangit ng boses mo! Huwag mo akong kausapin!" Pinatay ko na ang cellphone dahil tawag nang tawag pa si Kendra.
Totoo naman sinabi ko! Ang pangit ng boses nya! Masakit sa tainga!
Humalumbaba ako at pumikit. Miss ko na si Luke. Gusto na makasama. His scent! I want to smell him!
Tumayo ako at pumunta sa closet ko at hinanap ang t-shirt ni Luke. Iilan na rin ang mga dala kong damit ni Luke kapag doon ako natutulog. Kaya nga naisip kong magdala ng mga damit ko at maglagay na lang doon para hindi na ako mag-uwi ng mga damit nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (COMPLETED)
RomansaJanine Kayezelle is a simple girl. She always prefers to pretend and hide her true feelings. She longed for her mother's love and care in her life, but Luke Alexander changed everything. She developed feelings for Luke. For two years, she kept her f...