Chapter 16: Chase

75 8 0
                                    

"Siyempre! Alangan naman pussy!" iritado kong sinabi sa kanya.

Napamura ako nang bigla syang nagpreno.

"Ano ba?! Balak mo ba akong patayin?"

Magkasalubong ang kilay nya at mukhang nagsisimula na naman magalit.

"What the fuck, Janine Kayezelle?!"

"Ano na naman?!"

"Talagang pati iyang bibig mo, pasaway!"

Umirap ako nang ma-gets kung ano ang ikinakagalit nya.

"Don't make it big deal. Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin."

Rinig ko ang marahas nyang pagbuntong hininga.

"Damn."

Tumihimik na lang ako at hindi sumagot. Humalukipkip ako sa aking kinauupuan at pumikit. Shit, ngayon pa lumamig.

"We're here," sabi nya kaya nagmulat na ako at umayos.

"Thanks," paos ko nang sabi at akmang baba pero pinigilan nya ako. "Hmm?"

"'Yung jacket... ayusin mo."

Hindi na ako nakipagtalo at sinunod na lang sya. "Salamat ulit," sabi ko.

Tumango sya habang matiim akong tinignan hanggang sa makalabas sa kotse nya. Sumalubong sa akin si Ate Meira nang makapasok ako sa bahay.

"Bakit ka nagpabasa sa ulan? Alam mong mabilis kang magkasakit. Halika't umakyat na! Maligo ka."

Tumango ako at pinunasan ang sarili gamit ang tuwalyang ibinigay nya.

"Dumiretso ka na sa banyo at maligo. Ako na bahala sa mga susuotin mo."

"Ate, pakilaba po nang jacket na 'yan. Para maibalik ko agad sa may ari," sabi ko at nagsuklay na ng buhok.

Tumingin sya sa kulay green na jacket sa side table bago ako bigyan nang nangungutyang tingin.

"Sino naghatid sayo? Sa kanya iyan, ano?" Kinuha nya iyon at inamoy.

"Ate!" sabi ko dahil ilang beses nyang inamoy!

Tumawa sya. "Ang bango kahit nabasa na ng ulan..."

Umirap ako at nakakaramdam na naman ng pagkairita.

Mabuti naman at lumabas din sya.

Ilang minuto na akong nakahiga nang bumukas muli ang pinto. Napabangon ako sa pagkakahiga kahit medyo nahihilo.

"Mom..."

Blangkong tingin lang ang ibinigay nya sa akin. Lumunok ako. Parang biglang umikot ang paligid ko dahil sa pagsampal nya sa akin. Inawang ko ng konti ang labi ko para kumuha ng hangin.

"Do you think I will let this pass?" malamig nyang tanong.

Naramdaman ko muli ang palad nya sa kabila kong pisngi. Ramdam ko na ang hapdi. Lumunok ako habang nag-iinit na ang sulok ng mata ko.

"Salamat," sabi ko kay Luke at iniabot ang paper bag kung saan nakalagay ang jacket nya.

Nagkatinginan kami. Hindi nya pa kinukuha ang hawak kong paper bag. Iwinagayway ko iyon sa harap nya.

"Kunin mo na. Nangangalay na kamay ko."

Tinignan nya iyon bago sya sumandal sa kotse nya.

"Kung kamay ko ang hahawakan mo magdamag, mangangalay pa rin kaya?" He smirked.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon