Chapter 42: Scent

63 7 0
                                    

Hindi nga madali ang pagbubuntis lalo na kung marami kang gusto at nagiging emosyonal pa. Sobrang hirap lalo na't pinaglilihian ko pa ang ama ng pinagbubuntis ko.

Halos dito na rin tumira sa resthouse si Kuya Bryce para lang maalagaan ako at ang pamangkin nya. Naiiyak na lang ako minsan dahil gustong-gusto ko nang makita si Luke at mayakap... 'Yung amoy niya na hinahanap-hanap ko.

Binigyan ako ni Luke nang pabango niya pero ubos na dahil palagi kong pinanliligo sa mga gamit ko para kung ano man mahawakan ko, siya ay maamoy ko na parang kasama ko.

At minsan... nagi-guilty ako sa tuwing inaaway ko si Kuya Bryce. Sa kaniya ko binubuntong ang galit ko sa lahat lahat. But he still understands me. Dahil buntis ako at naiintindihan nya ako.

Palagi akong nagtatanong sa kaniya tungkol kay Luke pero si Luke ay galit pa rin daw at hindi pa rin makausap nang maayos. Halos palaging umiinom sa condo nya.

Ang dami kong nagiging desisyon... na palaging nakakasakit ng mga damdamin namin. Hindi ko magawang magsabi kapag... personal na talagang reason. Ang kay mommy... pilit kong nililihim.

I know Luke is hurting right now and it's because of me... again. I left again. Palagi akong umaalis... lumalayo... iniiwan sya.

At hindi na naman mawala sa utak ko na galit sya. Pero iniisip kong hindi rin... dahil baka katulad noon... na hindi nya kayang magalit sa akin. Pero sarili ko lang ang niloloko ko. Sa muli kong pang-iiwan sa kaniya... hindi malabong galit na sya. Natuto na syang magalit sa akin... And it's scary to think that because he hates me... he'll find someone else.

I really want to be selfish. I want to keep him and forget mom's threats. I want to be happy without pain. I want to be with him and live happily. I want to end this problem and just be happy.

But I know... it's impossible. Walang magiging masaya kung walang nagiging problema... palaging may kapalit na sakit ang kasiyahan... at sa pagkakataon na 'to... naiisip ko na baka para sa amin ni Luke ito... Kung kaya ba naming malagpasan... Kung kaya ba naming malayo ulit nang matagal... o talagang wala nang susunod pa na para sa amin... dahil hanggang dito na lang.

Pero kailangan ulit subukin... Muli kaming sinusubok... na ang katatagang meron kami... Ang pagmamahalan namin. Siguro mas mabuting malayo nga muna kami... If this meant is to set us apart... then I will accept.

Naisip ko na mabuti na rin na sa anak ko muna ituon ang buo kong atensiyon. I know he will be hurt when he finds out about this... He promised me that he will take care of me and our twins in my womb, if this baby is actually twins. He promised to give me everything I wanted... itiisin nya ang ugaling meron ko habang nagbubuntis...

It hurts to know that he didn't break his promises but because I didn't give him the right to keep those promises. I didn't give him a chance to take care of me and our baby. I didn't give him a chance to feel my stomach...

I want to be selfish but I think about his promises... I'm already selfish. Palagi kong iniisip ang takot ko... Palagi kong pinapairal ang takot na meron ako... ni hindi ko hiningi ang tulong ng pamilya ng ama ng pinagbubuntis ko... ng mga kaibigan ko na handang umuwi kapag nagsabi ako... Ang totoong ina at ate ko... Si daddy na kayang gawin ang lahat para maging masaya ako...

I'm so selfish! Tapos nagagawa ko pang matakot kung may mahaling iba si Luke? Sino ba ako? Mahal nya ako pero ang hilig kong mang-iwan na wala man lang paalam o paliwanag! Iniisip kong nasasaktan din sya pero wala akong ginawa para mawala ang sakit na nararamdaman nya! Palagi kong hinahayaan na masaktan kami pareho!

Sumulyap ako kay Kuya Bryce na nagtitimpla ng gatas. Nasigawan ko na naman sya dahil... ang dami kong gusto na hindi madaling ibigay. Kasalanan ko naman at kahit pa naiintindihan nya... nagi-guilty pa rin ako.

Chasing Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon