KOOKIE’S POV
Hello Dad? Bat ka tumawag?
(Uuwi si Bee dito sa Pilipinas)
Dad?! Seryoso na uuwi siya dito sa Pinas?!
(Yes, son.)
Bakit kailangan niya pa umuwi dito?! Ugh!!
(Malalaman natin pag nandito na siya, at ikaw ang susundo sakanya mamayang 2 PM.)
Okay. Ako na ang susundo sakanya sa airport tss. May driver naman eh bat ako pa kasi, bye dad.
(May importanteng lakad ang driver natin kaya hindi niya masusundo si Avie besides ikaw din ang gusto ni Avie na sumundo sakanya, okay? Bye son.)
Nakakainis naman! Ang tahi-tahimik na ng buhay ko dito, magugulo nanaman!
“Hey Kookie? Problem?” tanong ni Roj sakin.
“Ah, wala wala yun.”
“May narinig akong uuwi siya dito sa Pinas, right? Pwede bang malaman kung sino yun?” napatingin ako sa relos ko 1:00 PM na, kailangan ko nang umalis para masundo ko si Bee.
“Sorry Roj but I have to go, sorry kung hindi kita mahahatid ngayon, may emergency lang kasi. Ibaba nalang muna kita ditio sa kanto niyo, sorry talaga emergency lang kasi. Basta bukas pupunta ako sa birthday mo.”
ROJ’S POV
Anong problema kaya nun ni Kookie? Simula nung natanggap niya yung tawag ng dad niya, parang hindi siya mapakali na naguguluhan na kinakabahan? Parang ganon. Buti nalang at sakto sa kanto niya ko ibinaba, lalakarin ko nalang to papunta samin tutal malapit lang naman yung bahay namin. Okay narin yun para makapaglakad lakad si Russel =))
Pagdating ko sa bahay, papasok palang ako ng pinto naamoy ko na yung.. Amoy chocolate.. Mmm..
“Arf arf arf!!!” siguro naamoy din ni Russel yung chocolate hahaha
Pagpasok ko, sumilip ako sa kitchen nakita ko na gumagawa sila Ate Suzy at si Jimin ng Chocolate Fantasy Cupcakes haha sabi kasi ni Jimin kaya daw may fantasy kasi madami daw decoration like sprinkles, kisses, candy beads.
Nung nalabas ni Ate Suzy yung mga cupcakes galing sa oven at dinesignan ni Jimin at inilagay sa tray, kukuha n asana ako pero bigla akong pinigilan ni Ate Suzy kasi para daw sa isang celebration yung mga chuchu chocolate fantasy cupcakes.
“Uy, ano tong umiikot ikot at dumidila sa paa ko Roj?” tanong ni Jimin.
“Ah hahaha, si Russel yan, pa-birthday sakin ni Jungkookie.”
“Nice! Nabili na pala niya yung Pomeranian dog na gustong gusto mo simula nung pagkabata mo hahahaha” sabay lagay ni Ate ng mga cupcakes sa tray.
“Oo nga ate eh, pati ba naman yung mga ganon, kine-kwento mo kay Kookie” -.-
“Ay hihihi sorry Roj!!”
“Roj, gusto mo ng chocolate fantasy cupcake?” inalok ako ni Jimin ng cupcake na hawak niya.