Bigla akong hinatak ni Kookie palayo dun sa dalawang asungot na mukang clown na naiwang naka-nganga dahil dun sa sinabi ni Kookie. Yung mata naman ng tropa ko, mulat na mulat! Nung maka-layo na kami sakanila, sinigawan ko si Kookie.
“Ikaw! Kadiri ka! Feeler! Bitawan mo nga ako!” Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa kamay ko.
“Edi bitawan. Dapat nga magpasalamat ka pa nga sakin eh.” Ang kapal talaga ng mukha neto.
“Ba’t naman ako magpapasalamat sayo? Kapal ng mukha mo kasing kapal ng encyclopedia.” Sabay irap sakanya.
“Pasalamat ka dumating ako. Pinagtanggol pa nga kita sakanila eh.”
“Tss.” Humarap ako sakanya at nag cross arms “Kaya ko naman yung sarili ko! Di mo na ako kailangan ipagtanggol sakanila!”
“Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit. Sige bye nalang. Balik ka na dun sa tropa mo.” At bigla siyang umalis sa harap ko na malungkot.
May nasabi ba akong masama? Na-offend ba yun? Di ko naman talaga kasi kailangan ng tagapagtanggol eh. Kaya ko na ang sarili ko.
Habang naglalakad ako pabalik sa cafeteria, may biglang humatak sakin at tinakluban yung mata ko.
“Hoy sino ka?!” Tanong ko “Tanggalin mo nga yung kamay mo sa mata ko!” Pilit kong tinatanggal yung kamay sa mata ko.
“Hulaan mo ko!”
“Muka ba akong manghuhula?!” Hinawakan ko yung wrist niya at may 2 bracelet. “Kilala na kita!”
“Sige. Sino ako?”
“Ikaw! Ikaw si Mark Tuan!” tapos tinaggal niya yung kamay niya sa mata ko. “SabI na nga ba eh. Teka? Ba’t ngayon lang kita nakita? San ka nagpunta kanina?!”
“Napansin mo yun? Hahaha. Nalate ako eh may binake lang ako kaya ako na late.” Naglabas siya ng box galing sa bag niya. “Eto oh! Dalawa para sayo.”
Si Mark Tuan, siya yung bestfriend ko! Magkababata kami at halos sabay kaming lumaki. Magka-klase din kasi yung mga magulang namin dati. Magaling yan sumayaw at kumanta, palagi siyang nananalo sa mga sinasalihan niyang contest at lagi akong pumupunta sa mga contest na sinasalihan niya. Syempre ang bestfriend ay taga-suporta. Malakas ang appeal nyan grabe. Varsity player din siya ng basketball at classmate ko din!
“Akin na nga titikman ko yung binake mo. Tamang tama at hindi pa ako kumakain.” Kinuha ko yung box at binuksan. Waaah! Ang cute! Cupcake siya na ang design ay basketball at jersey! Ang cute! Una kong kinuha yung basketball at kumagat. “*nom*nom*nom”
“Ang ingay mo kumain Roj. Ano masarap ba?” Tanong niya sakin at naka-cross pa yung fingers niya.
“Ang sarap talaga! Tapos astig kasi may laman yung nasa gitna parang donut!” Sabi ko sabay kagat dun sa cupcake.
“Buti naman at perfect na ako sa pagkaka-bake ko!” Masiglang sabi niya.
“Wala akong sinasabing perfect ah. Ang sabi ko lang masarap!” Sabi ko at kinuha naman yung isang cupcake na jersey ang design.
“Eh di masarap na. Kasi kanina nagbake ako, lumabas sunog. Sunog na cupcake. Yun nga dapat ibibigay ko sayo eh hahahahahahahahaha!”
“Ah ganon?” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Oy joke lang!” kinuha niya yung four seasons na juice na nakalagay sa tabi ng bag niya at inabot sakin. “Oh. Baka mabilaukan ka nyan. Dejk Hahahahah!”
