ROJ POV
“Ate Suzy!!!! Buksan mo yung pinto!!!”
Hmp! Kakarating lang namin dito sa bahay, nagtataka siguro kayo kung bakit ‘namin’ noh? Hinatid kasi ako ni Kookie dito sa bahay dahil hindi ko pa kayang maglakad, pagewang-gewang pa yung lakad ko at minsan natutumba pa.
“Eto na Madam Rojean, pababa na!” sigaw ni Ate
Grabe kanina pa kami ni Kookie dito sa labas ng bahay, at kanina parin kami sigaw ng sigaw kay Ate pero hindi siya lumalabas =_=
“Oh nandito ka na pala Sis---KOOKIE?!” gulat na sabi ni Ate tas ganto yung face reaction à O_O
Sasagot na sana si Kookie pero inunahan ko na “Oo Ate. Si Kookie yan. Grabe siya pa talaga yung unang napansin mo kesa sakin.”
“Ah-eh-ah ano Kookie tuloy muna kayo sa bahay namin.” ♥_♥
“Hello po Ate Suzy!” bati ni Kookie kay Ate na still tulaley parin =_=
“Hahahaha hello” nakangiting sabi sakin ni Ate
“Pwede ba?! Ako pagod na ko. Pagod sa biyahe. Gusto ko ng magpahinga. Tsaka Ate pwede ba papasukin mo muna ako sa bahay? Di ka ba naaawa sakin?” seryosong tanong ko kay Ate.
“May dapat bang kaawaan sayo mahal kong kapatid?” sarcastic na tanong ni Ate.
Bigalang nagsalita si Kookie “Ah Ate Suzy, yung paa po kasi ni Roj, may pilay.”
“Ha?!” gulat na sabi ni Ate sabay tingin sa paa ko “Bakit? Anong nangyari dyan?!”
“ATE?! PWEDE BANG PAPASUKIN MO MUNA KAMI SA BAHAY?! AYAN PANGALAWANG SABI KO NA SAYO TO.”
“Ay sorry eto na, pasok ka na mahal kong kapatid at Kookie hahahahaha.”
Pumasok na kami sa loob at naupo sa sala, kumuha si Ate ng Pudding at Milk tea sa kitchen.
“Oh eto merienda muna kayo.” Sabay lapag ni Ate ng tray sa table sa harap namin “Pwedeng paki-explain kung bakit napilayan ka? Ha Roj?”
“Eh kasi Ate nagkaroon kami ng activity na Taste of Senses basta yun! Eh naka blindfold ako, tas bigla nalang ako nahulog sa may butas dun sa forest! Buti nalang at kasama ko tong bestfriend kong to na makulit at tinulungan niya ko. Binuhat niya ko pabalik dun sa rest house at dinala niya ko sa clinic.” Tumingin ako kay Ate pero kay Kookie pala nakatingin =_= “HOY ATE!!! NAKIKINIG KA BA SA MGA SINABI KO?!”
“Ha? Oo napilayan ka na! Wag kang sumigaw! Katapat mo lang ako oh!” sabi na nga ba eh -_- Hindi inintindi ni Ate yung mga sinabi ko.
“Hahahahahahahahahaha! Ang cute niyo mag-away magkapatid!” malakas na tawa ni Kookie
“Ganyan talaga kami nyan ni Roj! Kaya Kookie masanay ka na hahaha.”
=_=
“Ah sige hahaha ay oo nga pala, sige uwi na ako may pinabibili pa si Anne, kapatid ko.” Tumayo si Kookie at nag-ayos “Salamat pala Ate Suzy” ^_^
“Maliit na bagay lang yan Kookie!~ Haha salamat pala dahil tinulungan mo si Roj nung nasa Retreat kayo, basta anytime, welcome ka dito. Wait!! May kukunin ako, wait lang Kookie, wag ka muna umalis.” Natatarantang sabi ni Ate sabay takbo sa Kitchen “Eto oh.” Sabay abot ni Ate ng paper bag na may laman na Pudding.