MBG - 008

1.1K 20 4
                                        

Tumingin ako sakanya “Ba’t sa susunod pa? Kung pwede naman ngayon.”

“Atat ka talaga eh noh?” Tumawa siya ng mahina  “Sige mamayang uwian punta ka mamaya sa park dun sa RONES VILLAGE. Alam mo naman siguro yun diba? Dun ka nakatira sa village na yun.”

“Ba’t mo alam na dun ako nakatira sa Village na yun? Ikaw ah!” Hinampas ko siya pero hindi naman malakas “Iniistalk mo ko noh?!”

“Baliw Ky—este Roj! Hindi kita iniistalk! Di na importante kung ba’t ko yun alam. Basta mamaya, pumunta ka.” Seryoso niyang sabi.

“Sige pero uuwi muna ako sa bahay, iuuwi ko muna yung mga dala ko dun tapos pupunta na akong park.” Tumango lang siya.

-x-x-

Bell na. Uuwi muna ako sa bahay para iuwi tong mga gamit ko at pupunta sa meeting place naming ni Jimin.  Walking distance lang naman pauwi eh. So nagsimula na akong maglakad pauwi.

Pagbukas ko ng pinto ng bahay, naabutan ko si Ate Suzy na nagco-cover ng kanta tapos sinenyasan niya ako na wag ako magsalita kasi baka masira yung pagrerecord niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at nilagay ang gamit ko sa tabi ng kama at kumuha ng damit, magpapalit muna ako.

Pagbaba ko nakita kong pinapakinggan ni Ate Suzy yung cover na ginawa niya. Ang ganda ganda ng boses niya grabe! Pinapasali ko nga to sa mga singing contest, sa mga audition kaya lang ang arte. Nahihiya daw siya.

“Oy Roj!” Tumayo siya at lumapit sakin “Pakinggan mo tong bagong cover ko.” Nilapit niya sa tenga ko yung iPhone niya.

“Eh mamaya nalang pag-uwi ko.” Lalabas n asana ako nang bigla niya akong hinawakan sa balikat.

“Where are you going?” Nakapa-mewang pa siyang pose nung tinanong sakin.

“Sa Park.”

Umikot ikot siya sakin “Makikipagkita ka sa boyfriend mo noh? May boyfriend ka ata eh! Ikaw ah, naglilihim ka na sakin.”

“Ate Suzy! Tumigil ka nga dyan! Wala akong boyfriend! Tsaka hindi ako magbo-boyfriend!” Sigaw ko sakanya.

“Wag mo ko sigawan! Di ako binggi! Katabi mo lang ako, sinisigawan mo ko. Kakainin mo rin yang mga sinabi mo Roj.” Nakakain ba ang words?

“Mabubusog ba ako Ate pag kinain ko yung mga sinabi ko?” Pilosopong tanong ko.

“Pilosopo forevs Roj! Basta kakainin mo rin yang mga sinabi mong ‘hindi ka magboboyfriend’” Diniin niya pa yung 3 word na huling sinabi niya.

Pag kinain ko ba talaga yun, mabubusog ako?

“Oo na sige bye, pagpatuloy mo lang yan pagco-cover mo diyan aalis na ako baka nag-iintay na yung tao dun.” Lumabas na ako ng pinto.

Nagsimula na akong maglakad papuntang park malapit lang naman yun sa bahay namin. Habang naglalakad ako may narinig akong 2 babae na pinagchichismisan ako sa likod.

“Girl, ang pogi nung nasa harapan natin na naglalakad!” –Girl 1

“Oo nga Girl! Nakatalikod palang yan ah, pero ang pogi parin!” –Girl2

“Tara, hinggin natin yung number niya!” –Girl 1

“Gorabells girl!” –Girl 2

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon