MARK POV
Grabe talaga ang sakit! Ang sakit sakit nung mga nakita ko kanina. Yung magkayakap sila, yung nagkukurutan ng pisngi, yung tawa nila. Kilala niyo naman siguro ako no? Pinakilala na ako ni Roj sa huling chapter ata? Ewan! Bestfriend ko si Roj. Bestfriend ang turing niya sakin. Pero ako? Hindi bestfriend ang tingin ko sakanya. Girlfriend na nga yung tingin at turing ko sakanya eh. Matagal ko nang tinatago yung nararamdaman ko sakanya simula nung highschool pa kami 1st year ata? Hanggang ngayon. Hindi ko sinasabi yung nararamdaman ko sakanya. Torpe kasi ako! Hanggang magbestfriend nalang ba tayo Roj?
“Mark Mark Mark!” Sigaw mula sa likod ko.
Humarap ako sakanya “Oh ikaw pala Roj hahaha”
“Ikaw tumakbo ka pa eh nahuli na kitang nakatingin samin! Anong ginagawa mo kanina?” Tanong niya sakin sabay umakbay.
“Wala Best, napadaan lang ako dun kanina tapos nakita ko kayo nung una di ako sure na kayo ni Jimin kaya tinignan ko kayo maigi. Naninigurado na kayo yun. “ Pagsisinungaling ko.
“Weh? Maniwala!” Sinundot niya yung tagiliran ko. “Nagsisinungaling ka sakin! Di ka nagsasabi ng totoo sa bestfriend mo! Bakit nga kasi? Magsabi ka ng totoo.” Pangungulit sakin.
Humarap ako sakanya at hinawakan ang balikat niya “Honestly, I always feel jealous whenever you give someone the kind of attention that I want from you.”
Kinurot niya yung ilong ko “Asus! Ikaw naman! Wala ka dapat ika-selos!”
“Meron. Yung kanina sa park, ang sweet sweet niyo kanina ni Jimin, pati rin kanina sa school! Kayo lang yung magka-usap nakaka-OP kaya yun! Tapos kaninang uwian diba dapat ako ang kasabay mo? Tinanong ko si Adrian at Russel kung kasama ka nila pero sabi nila hindi nauna ka nang umalis at nagmamadali ka daw. Pumunta naman ako sa bahay niyo naabutan ko si Ate Suzy na kumakanta sa sala tapos tinanong ko siya kung nandun ka ang sabi niya umuwi ka daw at nagbihis at nagmamadaling pumunta sa park kaya pumunta ako sa park at nakita ko kayo na naglalambingan. Pinagpapalit mo naba ang bestfriend mo?” Tanong ko sakanya.
“Ay oo nga pala!” Tapos nagdabog siya “Sorry Best! Ang dami ko kasing iniisip kanina eh kaya nakalimutan ko na sabay sabay pala tayong uuwi nila Adrian, Russel at Joed! Sorry talaga Best! Hindi kita pinagpapalit! Kinausap ko lang si Jimin tapos nagtanong tanong ako sakanya. Yun lang yun no!” sabay hampas sakin. Bakit pagnagku-kwento to kailangan may hampas pa?
“Yun lang ba talaga?” Paninigurado ko sakanya.
“Oo naman yes! Meron pa bang iba?”
“Ah wala wala hahaha nakakatampo lang talaga” pagkasabi niya nun, bigla niya akong niyakap!
I get so weak in the knees
I can hardly speak, I lose all control
Then something takes over me
In a daze, your love's so amazing
It's not a phase
I want you to stay with me, by my side
I swallow my pride, your love is so sweet
It knocks me right off of my feet
Can't explain why your loving makes me weak
Pagniyayakap ako ni Roj, parang nanlalambot ako na naninigas na hindi makagalaw, natutulala, hindi magsasalita, ganto ba talaga kalakas ang tama ko sayo Roj?