Roj POV
“Rojean, wala ka bang pangbabaeng damit?” – Photographer
“Wala. Ayoko mag-suot ng ganon. Babae lang nagsusuot ng mga ganon. Kadiri.”
“Babae ka naman diba? Hindi ka tombo---“ – Photographer
“Hindi ako tomboy. Boyish lang ako. Ayoko mag-suot nang mga ganun’ damit na palda, dress, gown at kahit ano pang pambabaeng damit!”
“Hindi ka ba nagsasawa? Yung mga shots ko sayo nakapang lalaki I mean boyish na style tapos yung mga pose na ginagawa mo puro pogi, kindat at kung ano ano pang pagpapa-pogi.” – Photographer
Tinaas ko yung manggas ng damit ko “Ano bang pakielam mo? Gusto mo ikaw nalang yung model at ako nalang yung photographer?! Ang dami mong reklamo.”
“S-sorry po Ms. Rojean” – Phtographer
“Don’t call me ‘Ms. Rojean’ ang pangit pakinggan pag may ‘Ms’.”
Hi I’m Rojean Vielka Manalad Delos Reyes you can call me ‘Rojean’ pero mas gusto ko tawagin akong ‘Roj’ mas maganda este pogi pakinggan. Boyish. 18 years of existence. Boyish. 1st year college sa RONES UNIVERSITY. Boyish. Freelance Model. Boyish. Mataray. Boyish. Masungit. Boyish. Hindi ako maganda, pogi ako. Boyish. Nasabi ko bang boyish ako? Hahaha. Oo. Boyish ako, hindi tomboy. Ayoko lang talaga magpaka-babae.
Ayoko magpaka-girly, ayoko magsuot ng mga pang babaeng damit tulad ng mga sinusuot ng iba na ang iikli ng mga palda, dress, 1 piece/2 piece, maikling shorts na halos kita yung singit yuck. Kadiri talaga. Mas maganda pa yung mga sinusuot ko eh. Mga polo, jersey na pang-basketball, V-neck, Jeans, basta lahat ng panglalaki!
Hindi rin ako mahilig mag-ayos tulad ng mga ibang babae. I mean yung mga pangbabaeng ayos. Hindi ako nagme-make up dejk nagme-make up lang ako ng KONTI pag may mga shoots, Hindi ako nagaayos ng buhok ko yung tipong tirintas, pigtail, maglalagay ng headband o kung ano anong cute na nilalagay sa buhok, mas gusto kong nakalugay yung buhok ko pag mainit simpleng ponytail lang okay na.
Pagdating naman sa lovelife ko, ayun madaming nanliligaw pero walang nakakatagal. Gusto kasi nila, pag tinanong ka ng ‘pwede ba maging boyfriend mo?’dapat OO agad ang sagot mo ayaw nila ng may mga ligaw ligaw pa. Pagdating sakin ligaw muna. Ano sila sinuswerte? Tsaka No Boyfriend Since Birth ako. Pagdating naman sa Crush life, may crush ako sa school namin hindi to lalaki at hindi rin siya bakla! Kung di isang babae :’) Secret muna malalaman nyo rin yun hahaha.
“Andyan na pala yung isang Model!” –Photographer
Tumingin ako dun sa dumating na isang model at kumindat siya sakin. Kadiri.
“Hi sorry kung na-late ako. Namili kasi kami ni Jimin ng damit para sa shoot.”
Sino ba ‘tong model na to?! Kanina pa tingin ng tingin at kindat ng kindat sakin. Tss. Hindi ako kinikilig kundi naiirita ako!
“Hi co-model! I’m Jungkook but you can call me Kookie.” Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin at kinindatan ako.
“Tss.” Yan lang ang nasabi ko at umalis ako sa sofa na inuupuan ko.
“Sungit naman. Ano pangalan mo Ms.?” Ugh. May tumawag nanaman saking Ms.
“Nako Kookie! Lalo yan magsusungit pag tinawag mong M---“ –Photographer
“Wag mo nang ituloy! Ang pangit pakinggan.” Sabi ko at umupo naman ako dun sa kabilang sofa.
“Itatanong lang naman yung pangalan eh.” Napakamot siya sa ulo niya “Ano bang pangalan mo? Yan ah! Wala ng M-S dot sa sinabi ko.”
Di ko pinansin yung tanong niya at naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko. Ayoko lang talaga marinig yung boses ng Kookie na to. Ang kulit kulit ang daldal daldal tapos tingin pa ng tingin may kindat pa.
=_=
“Huy huy” Tumabi nanaman ‘tong Kookie na to sakin at kinakalabit ako. “Ano pangalan mo nga? Huuuy.”
Tumayo ako at tinanggal ang earphones ko “ANO BANG PROBLEMA MO? ANG KULIT MO AH? KANINA KA PA! NAKAKAINIS!” Umupo ulit ako dun sa kaninang inupuan ko at nilagay ang earphones ko ulit.
“Wag mo kasi kulitin Kookie! Yan tuloy napagsungitan ka.” –Phtographer
“Eh? Tinatanong ko lang naman yung pangalan niya tapos biglang maiinis, magsusungit, aalis.”
“Rojean ang pangalan niya. Pero mas gusto niya na tinatawag siyang Roj. Pangit daw kasi pag Rojean eh parang babae ang dating. Hahaha” – Photographer
“Babae naman siya diba? Ang ganda kaya nung pangalan na Rojean. Bagay na bagay sakanya tapos ang ganda pang pakinggan.”
“Oo nga babae siya kaya lang boyish! Kaya nga kanina nung tinawag mo siyang ‘MS.’ Nagalit eh. Ayaw niya ng ganon! Haha. Tsaka tignan mo yung suot niya ngayon.” –Phtographer
Tumingin naman sakin yung Kookie na yun tsaka yung photographer ko. Sinamaan ko nalang sila ng tingin. Tss. Ano bang pinag-uusapan ng mga to?
“Ang cool nga ng style niya eh! Bagay sakanya! Gusto ko yung mga babaeng cool pumorma parang si Roj.”
“Nako Kook---“ –Photographer
“Hello?! Ano bang pinag-uusapan nyo dyan?! Hindi nyo ba alam na may nag-iintay dito?! Dapat kanina pa kasi nagsimula yung shoot! Ba’t ba kasi kailangan intayin yang lalaking yan?! Eh hindi naman siya importante. Paimportante OO! Tapos nag-uusap pa kayo dyan! Aksaya oras.” Mataray na sinabi ko sakanila.
“Eto na nga eh. Kinukuha ko na yung Tripod. Kalma lang Roj!” –Photographer
Pumunta si Kookie dun sa Dressing Room at nagpalit ng damit niya. Ako naman lumabas na at iniintay nalang yung photographer ko.
x x
“Ngiti naman Roj!” – Photographer
Nakakawalang gana ngumiti pag nakikita mo yung asungot na katabi ng photographer ko -.- Imbes na ngumiti ako, nagfierce look nalang ulit ako.
“Last two! Smile naman Roj” – Photographer
Nakita kong ngumiti sakin yung Kookie na yun na may kasamang kindat.
Wala naba siyang alam? Puro nalang pagpapa-cute ang alam ata netong gawin eh.
=_=
“Fierce na nga lang! Last!” – Photographer
(A/N: Si Rojean na hindi makatingin ng deretso sa Camera hahaha sa multimedia ---->)
Tumingin ako sa kaliwa na naka-fierce parin. Ayokong humarap sa Camera . Kasi pag humarap ako sa Camera makikita ko nanaman si Kookie na puro nalang pagpapa-cute ang alam gawin!
“Okay break ka muna Roj! Next Kookie!” –Photographer
- - - - - - - - - -
Next na ba? :(( =))) Pagpasensyahan nyo muna ang chapter 1, magulo kasi utak ko ngayon sorry!