Nung tinggal niya yung kamay niya sa mukha niya nagulat ako!! Siya ba talaga to? Omg hindi ako makapaniwala!! Si Jessica yung nahulog sa hagdan na nasalo ko? Ang girl crush ko?! :O Ang CAMPUS PRINCESS NG R.U?!
Hingal na hingal siya “Akala ko katapusan ko na! Thank you sa pagsalo sakin Ms?”
“Rojean! Rojean yung pangalan ko.” Nakangiting sabi ko sakanya.
“Thank you so much Rojean!” Niyakap niya ako :””””””””””””””””>
“Ah wala yun! Maliit na bagay lang yun no hahaha” Sabi ko at tinulungan ko siya sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit niya.
“Rojean , kaya ko na to.” Sabi niya. Pero tutulungan ko parin siya hahaha ayoko makita yung girl crush ko na nahihirapan.
“Hindi! Tutulungan na kita.” Pinulot ko yung mga gamit at nilagay sa box.
Tumayo siya at pinagpatong patong ang mga boxes “Maraming salamat talaga Rojean ha?”
“Maliit na bagay lang yun! Akin na yung dalawang box, tulungan na kita baka mamaya mangyari ulit sayo yung nangyari kanina.” Tapos kinuha ko yung 2 boxes na nakapatong.
Ngumiti siya sakin “Salamat talaga Rojean! Baka nakakaabala naman ako sayo? Oh baka may gagawin ka pa?”
Ay oo nga pala. Sila Adrian, Joed at Russel! Sabi ko pa naman sakanila na sasabay ako sa Recess. Pero uunahin ko muna si Jessica.
“Ah wala wala. Hindi ka nakakaabala. Tsaka wala din akong gagawin. San ba natin dadalhin ‘tong mga dala natin?”
“Sa storage room dun sa baba sa tabi ng library.”
Bumaba na kami at pumuntang storage room at nilagay yung mga boxes na may laman na kung ano anong gamit sa school.
“Salamat talaga Rojea----“
“Kanina ka pa nagpapasalamat haha paulit-ulit nalang yung pagsasalamat mo sakin. Maliit na bagay lang yun noh.”
“Sorry ah. Ang dami mo kasing nagawa sakin eh. Nung una, sinalo mo ako. Pangalawa, tinulungan mo ko ilagay yung mga gamit sa box. Pangatlo, tinulungan mo din ako sa pagbaba ng mga box dito sa storage room. Kung hindi mo ako nasalo kanina baka magka-bukol ako o kaya dumugo ulo ko o mapilayan ako diba? Maraming salamat talaga Rojeaaaaaaan!” Niyakap niya ulit ako :”””> Kotaness. “Bilang pasasalamat, tara sa cafeteria. Treat kita.”
“Nako wag na.”
“Hindi! Sumama ka sakin. Iti-treat kita sa ayaw at gusto mo.”
Wala na akong magagawa kundi pumayag. Oh? Aarte pa ba ako? Girl crush ko na yung nag-aaya sakin tapos aarte pa? Chance ko na ituuuu. Dejk.
Si Jessica Koh ay isang campus princess dito sa R.U. Sikat na sikat yan! Ang ganda niya kasi. Mala-dyosa slash diwata siya. Magaling siya kumanta, siya yung president ng glee club namin. Magaling din siya sumayaw. Volleyball player siya at Badminton. Palagi siyang muse dito sa R.U. Ang bait bait niyan promise! Ang saya ko nga ngayon eh. Nalapitan ko ng malapitan si Jessica!! Hindi ko kasi siya malapitan, nahihiya ako. Tapos hindi ko alam kung ba’t kaharap ko siya o malapit sakin nagiging pure na babae ako. I mean hindi ako nagpapaka-boyish sa harap niya.
“Rojean, Ano gusto mo?” Tanong niya sakin.
“California Maki nalang.”
“Favorite mo yun?”
