MBG - 012

670 14 2
                                    

HI! Ang tagal kong hindi nakapag-update :( Eto na pala! :) Dedicated kay Bebe Jhane na minamadali akong mag-update :* ♥

--------------------------------------------------------------------------------------

Dumating na kami ni Kookie sa harap ng pinto ng classroom ng walang imikan =_= Pagpasok naming sa classroom, nasa loob si Maam Vanessa.

“Sa tagal niyong dumating, kayo na ang partner.” Partner? Saan?!

“Partner saan?!” Gulat na tanong ko.

“Kayong dalawa ang magpartner para sa darating nating retreat. Kayong dalawa ang magsasama sa room.”

“Maam?! Seryoso kayo? Partner kami? Tapos tapos tapos…. MAGKASAMA PA KAMI SA KWARTO?! Maam, baka may masamang mangyari!!!”

Bigla naming nagsalita si Kookie “Hoy asa ka naman Roj!”

“Che! Manahimik ka nga dyan! Baka mamaya may gawin kang masama sakin don!”

“Oy wala ah! Hindi ako katulad ng ibang lalaki! Trust me. Wala akong gagawin sayong masama.”

Tumingin ulit ako kay Maam Veronica “Maam, pwede po bang magchange ng partner? Wala akong tiwala sa Kookie na to baka may gawin masama sakin. Pwede po bang si Jimin o kaya si Mark nalang partner ko Maam? Please?” Pagmamakaawa ko kay Maam.

“Si Jimin ang partner niya ay si Sarah tapos si Mark naman ang partner niya ay si Erika. May mga partner na sila. Tsaka mabait naman si Kookie eh walang gagawing masama sayo yan.” Tumalikod si Maam samin. L Waaah. Gusto kong magpalit ng partner!!

“Ay maam, pwede po bang ibang classmates ko nalang yung partner ko? Please? Basta wag lang tong Kookie panget na to.” Pagmamakaawa ko ulit. Huhu.

“Kayo ang partner o pareho ko kayong ibabagsak? Mamili kayo.” No choice! Kami ang magpartner ni Kookie -_-  Ayoko naman bumagsak.

“Wag ka ng mag-inarte Roj! Wala akong gagawing masama sayo. Baka mamaya.. Ikaw ang may gawing masama sakin eh.” Aba! Ang kapal ng mukha netong lalaking to -_-

“Maam Vero, sige kami nap o ang magpartner kahit ayaw ko.” -_-

“Good. Yung retreat natin ay 1 week. Sa Tagaytay. “  1 week? Parang vacation na yun!”

“Hala Maam! Seryoso kayo? 1 week talaga? Di ba pwede 1 o 2 o 3 o 4 o 5 days?! Ang tagal naman ata non.”

“Dapat nga 2 weeks eh.” 2 weeks?! Nah. Mas okay na yung 1 week -_- “Maaga dapat pumasok bukas. Dapat mga 5:00 AM nandito na kayo sa quadrangle ng school. Walang male-late.”

“Rojean Vielka Manalad Delos Reyes, wala daw malelate ha? HAHAHAHAHA” Namumuro na talaga tong Kookie na’to -_- Ang sarap sapukin! Argh.

1 week. -_-

1 week kong makakasama si Kookie. -_-

1 week ko siyang partner. -_-

1 week kong kasama sa kwarto. -_-


Lecheng “1 week” na yan -_-

**

“Oh? May retreat kayo o camping? Kelan? Sino partner mo? Ba’t ang dami nyan damit mo? Aalis ka? Magvavacation?” tanong ni Ate Suzy. -_-

Kinuha ko yung limang damit ko na nakapatong sa kama at nilagay sa bag ko “Wow Ate! Ang dami mong tanong -_-“

“Okay isa-isahin natin yung tanong ko.”

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon