MBG - 016

572 16 10
                                        

KOOKIE POV

Ba’t nung sinagot ni Cessy si Adri biglang lumungkot yung mukha ni Roj at umalis siya? Anong problema nung boyish na yun? Parang kanina ang saya saya tapos kinikilig kilig pa tapos lumungkot bigla? :/ Masundan nga yung babaeng boyish na yun.

*Tok tok tok* “Roj? Pabukas ng pinto pwede?”

“Bukas ang pinto Kookie di ko yan nilock.” Ay tange :3

Pumasok ako sa kwarto namin na inakala ko nung una naka-lock :3 Nakita ko si Roj na malungkot parin ang mukha at naka-tango lang siya habang nagsa-soundtrip. 

“Roj uy uy” Kalabit ko sakanya

Tumingin siya sakin “Uhh? Bakit?”

“Para kang ewan” hingang malalim “Ba’t ang lungkot mo ngayon? Pati kanina pala? Anong problema mo? Nasaktan ka ba kanina nung sinagot ni Cessy si Adri? Wait.. Mahal mo si Adri no?!” O_O

Humarap siya sakin “Baliw. Ikaw yung ewan eh. Hindi ko mahal si Adri at hindi ako nasaktan. Ba’t naman ako masasaktan no?” lumungkot nanaman yung mukha niya L

“Eh ba’t ka nga malungkot? Ba’t ka umalis kanina nung sinagot ni Cessy si Adri?”

“Hindi ko maiwasang hindi mainggit kapag may nakikitang akong sweet couples, yung tipong cute at masaya sila. Parang laging pumapasok sa isip ko na “Buti pa sila.” o kaya “Bat ako walang ganon? Ano pa bang kulang?” Parang minsan, nakakadown din dahil sa dinami dami ng tao sa paligid mo, wala man lang nagkakagusto sayo. Gaano pa ba katagal, gaano pa ba ako katagal maghihintay para sa kanya?”

Sino si ‘KANYA?’ O_O??

“Sino yung ‘kanya’ na last na sinabi mo? May iniintay ka ba?”

 “Yung magmamahal sakin ng buong-buo at tatanggapin kung ano mismo ako.” Seryosong sagot niya sa tanong ko

Oo nga no. Bakit hindi pa nagkaka-boyfriend tong boyish na’to? Dahil ba boyish siya? Maganda naman si Roj, ang cool niya, kaya lang boyish siya. Ang astig kaya ng mga ganyang katulad niya. Ganyan yung mga tipo ko halos sa isang babae… WHAT? O_O

*Tok tok tok*

Pumasok si Russel “Kayong dalawa dyan, bumaba na daw kayo at may activity daw tayo sa likod ng rest house!!!”

-x-x-x-x-

“What? Bakit ako naka-blindfold? Ayoko nga! Baka mamaya kung anong kalokohan ang gawin mo sakin!” pagrereklamo sakin ni Roj

Simula na ng “Test of Senses”, kami yung first batch kaya kami mauuna :3 First batch nga diba?

Ano ang test of senses? And how it works?

According to Maam Vannes, isang game daw to na kung saan kelangan paganahin naming ang 5 senses naming: Sight, Hearing, Smell, Touch and Taste. But only one in the team can use the sense of sight. Kaya naman may isang naka-blindfold samin para isa lang ang pwedeng makagamit samin ng sense of “Sight”.

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon