“Frinendzoned mo siya Roj?!” Tanong sakin ni Ate Suzy habang kumakain ng breakfast.
“Hindi naman sa nang friendzoned Ate!” Sabi ko at kinuha yung baso ng gatas sa tabi ng kamay ko at ininom.
“Kahit kelan ang gulo mo magkwento. Kasi parang lumalabas, frienendzone mo siya!”
“Hindi nga sabi Ate! Ano ba? Ang kulit mo eh no. Mas maganda kung mag-friends lang kami no! Kesa maging kami, tapos magbi-break din naman.” Umaatake nanaman yung pagka-bitter ko XD
“Bitter mo talaga pagdating sa mga ganyan no? Malay mo siya na yung para sayo. Malay mo forever na kayo.” Sabi ni Ate na may kilig kilig pa -.-
Tumayo ako at kinuha yung bag ko sabay lingon sakanya at sabi ng “Forever? WTF.”
Tumayo si Ate at hinawakan yung balikat ko “Ikaw! Natututo ka ng magmura! Ganyan ba ang natututunan mo sa R.U?”
Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko “Ate, ang WTF ay Wala Talagang Forever! Jamich lang ang may forver ngayon Ate hart hart.” Sabi ko at lumabas ng pinto. Baka malate na ako.
“BITTER MO ROJEAN!!” Sigaw sakin ni Ate. Nagwave nalang ako sakanya.
Bitter? Ako? Nah. Hindi ako bitter! Wala naman talaga kasing FOREVER sa panahon ngayon! JAMICH lang ang may FOREVER! Yung ibang nagsasabi na forever sila yun pala, 1 week lang ang itinaggal nila yung iba pa nga days lang eh. Kaya wala talagang forever. Di ako naniniwala dyan.
“Hi Rojean Vielka Manalad Delos Reyes!” Napalingon ako sa likod ko ng may bumati sakin.
SI KOOKIE LANG PALA =_=
“Ay snob tinignan lang ako.” Sabi niya at sinabayan ako maglakad. Di ko parin siya pinapansin. Kunwari wala akong naririnig.
“Goodmorning Roj hahaha”
“Roj, pansinin mo naman ako.”
“Sungit talaga. Meron ka ba ngayon?”
“BASTOS! Dun ka nga!” Sigaw ko sakanya at lumayo ako.
“Sabi na eh. Meron ka nga. Pero halos araw-araw meron ka eh. Di ka ba nauubusan ng dugo?” Lumapit ako sakanya at dinagukan ko =_=
“Bakit mo ko dinagukan?!”
“Bastos ka kasi ew.”
“Anong bastos dun?! Wala naman sinabing bastos eh!”
“Slow!!!” Sigaw ko kay Kookie.
“Napaka-highblood mo. Tigil tigilan mo nga yang pagsusungit mo. Magmumukha kang matanda pag lagi daw highblood at nagsusungit.” Umakbay siya sakin =_=
“PWEDE BA, WAG MO SIRAIN YUNG ARAW KO NGAYON! TIGIL TIGILAN MO RIN YANG KAKA-AKBAY MO SAKIN! KADIRI!” Tapos tinaggal ko yung kamay niya sa balikat ko.
“Man hater…” Pabulong niyang sinabi at lumapit sakin.
“Tss. Stay away from me!” Sabi ko sabay takbo.
x-x-x
KOOKIE POV
Kahit kelan ang sungit talaga ni Rojean. Wala naman akong bastos sa tanong ko kanina ah? Germs ba ako para pandirihan niya? Sa pogi kong to? Germs? Madaming nagkakandarapa sa Germs na’to!
“Kookie!” Sigaw sakin nung nasa likod ko.
“Hoy Kookie” lumingon na ako. Si Adrian at si Joed lang pala yung kasama ni Roj nung isang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/24752874-288-k333209.jpg)