MBG - 015

548 16 4
                                    

ROJ POV ~

“Ehem ehem ehem” Bumalik kami sa katinuan at sabay kaming napalingon ni Kookie sa nagsalita sa likod namin.

“Oh ikaw pala Jessica hahaha” Sabi ko at umakbay ako sakanya.

“Roj, Jessica una na ako ah? Sunod nalang kayo.” Tumango lang kami parehas ni Jessica.

“Ikaw Roj ah!” sabay sundot sa tagiliran ko “Magkahawak yung kamay niyo kanina.”

“Magkahawak ang kamay namin? Sure ka? Sa pagkaka-alam ko, hawak ko yung door knob para isarado yung pinto.”

“Weeeeh? Talaga? Ikaw ah may tinatago ka sakin!” Tinatago? Pinagsasabi neto ni Jessica? :3

“Nope. Wala akong tinatago sayo ah. Tara na nga baba na tayo, kanina pa ako nagugutom eh.”

“Sus. Change topic Roj hahahaha ayaw lang pag-usapan yung holding hands nila kanina ni Kookie!”

Eh hindi naman kami nagholding hands eh -.- Isasarado ko lang kasi yung pintuan kanina tapos bigla niyang hinawakan yung door knob din -.-

x-x-x-x-x-x

“Roj dito ka na sa tabi ko umupo.” alok sakin ni Kookie “Tsaka eto yung pagkain mo oh.”

“Ah hindi na dun nalang ako kela Jessica.”

“Pero kada group may mga sariling tables yon ano hihiwalay ka samin ganon? Isa ka pa naman sa mga leader tss.” Kino-conscience ba ako neto? -.-

“Okay fine tss.” Hinatak ko yung upuan at umupo na ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain pumunta yung group namin sa likod ng rest house at magpapahangin.

“Baby Kups,  ang hirap talaga magbasketball. Ayoko naaaa.” Si Cessy, leader ng kabilang group.

“Anong ayoko na? Madali lang yan Baby Malds! Isa pa ganto kasi oh.” Si Adri, partner ni Cessy sa kabilang group. Mag-bestfriend silang dalawa, sa una aakalain mo na mag-syota sila hahaha para kasing sila eh may endearments pa nga eh hahaha baby malds at kups  pero magbestfriend  lang talaga sila. Tinuturuan niya kasing mag-basketball si Cessy.

“Huy!” tumabi sakin si Kookie  “Baka matunaw si Adri at Cessy. Kanina mo pa sila tinititigan haha.”

“Eh kasi naman oh ang cute nilang tignan hahaha para silang mag-syotang nagtatalo kahit magbestfriend sila.” Tingin ulit ako kela Adri at Cessy.

“Naiinggit ka sakanila no?” Ba’t naman ako maiinggit? Adik talaga to -.-

“Hindi noh! Ang saya siguro kung nagkaron ako ng guy bestfriend.. Yung tipong pagiging bestfriend na parang si Patchot at Ivan, yung tuturuan ka magbasketball, sasamahan ka kahit saan, yung magkapareho basketball shoes niyo, makikiride sa foodtrip ko, aasarin ako in a good way.. Yung guy bestfriend na aayusin yung buhok ko kapag magulo o kaya mas guguluhin pa, yung magpapatawa sakin, yung yayakap sakin kapag umiiyak ako, yung magtetext sakin ng good morning o kaya good night. Hindi naman yung boyfriend type na bestfriend, yung bestfriend lang talaga, yung makakasama mo kumain sa isawan o kaya sa MCDO, yung tutulungan ka magdala ng gamit mo, sasamahan ka kapag recess at lunch tapos ihahatid ka pauwi, yung makikilala ng buong pamilya mo bilang bestfriend mo, yung tatambay sa bahay mo kapag mag-isa ka lang, dadalhan ka ng pagkain kapag nagugutom ka, yung makakapagharutan mo, yung makakasama mo manuod ng chick flicks o mga corny na tagalong love movies kahit ayaw niya, yung  magbabakla-baklaan para mapatawa ka, yung mamumura mo dahil sobrang komportableka na sakanya, yung tipong sobrang magkakilala na kaming dalawa hindi na kami nahihiya sa isa’t isa kaya yung simpleng “di pa ako naliligo” o kaya yung “ang baho ko na” ay masasabi mo na kasi wala ka na talagang hiya sakanya,  yung taong aaway sa  mga nang-aaaway sayo, yung taong mapapakitaan mo ng totoong ikaw at hindi ka huhusgahan, yung taong maaasahan mo talaga kahit anong oras kahit saan, yung makakausap mo sa phone tas puro kalokohan lang pag-uusapan niyo. Yung ganon ba. Yung hindi kayo magsasawa kausapin ang isa’t isa yung di magsasawa na samahan ka sa SM o Trinoma tas sasamahan ka mamili ng damit sa FOREVER 21 tapos sasabihin sayo kung ano bagay sayo na damit, yung hanun.. Haysss. Sana may ganon din ako.” San ko kinuha tong pinagsasabi kong to? Omg

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon