“Umamin ka nga sakin. Wag na wag kang magsisinungaling sa bestfriend mo ha? Magsabi ka ng totoo sakin.” Sabi niya at tinignan ako ng deretso sa mata “Gusto mo si Roj noh?” tanong ni Jimin.
Hala. Anong nangyari dito kay Jimin?
“Ha? Ano ba naming klaseng tanong yan Jimin? Nagpapatawa ka ba?!” Tanong ko sakanya at bigla niya akong sinamaan ng tingin! Parang mangangain siya ng tao!
“Oo o hindi lang isasagot mo. Hindi ako nagpapatawa.” Seryosong sabi niya sakin.
“Malamang hindi! Di kami talo nun no! Mas lalaki pa nga kumilos yun sakin!” Pagkasabi ko nun, binagsak ni Jimin yung bote ng coke na hawak niya sa table.
“Seryoso ka ba? Eh yung tungkol kanina sa klase? Yung namiss kita?”
Natawa ako dun sa tanong niya “Namiss ko siya asarin! Ang sarap kaya niyang pagtripan! Ang cute niyang mainis kaya lang hindi ko gusto yung bigla siyang manununtok. Tignan mo tong pasa ko sa braso ko oh masakit parin.” Pinakita ko sakanya yung pasa ko sa kanang braso.
“Gago ka ba ha? Ikaw kaya inisin ko, di ka magagalit?” Ano bang nangyayari ditto kay Jimin? Parang nag iba yung ihip ng hangin.
“Magagalit.” Tipid kong sagot sakanya.
“Yun naman pala eh.” Tapos tumayo na siya sa table at lumabas sa JCO ako naman, iniwan niya dito.
Ano bang problema nun?
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
ROJ POV
“Nako! Baka crush ka nun Roj? HAHAHA” Kanina pa ako inaasar netong si Mark simula nung i-kwento ko yung mga nangyari samin ni Kookie.
Binatukan ko siya “Ikaw umayos ka nga! Tss. Kaya ayoko mag-kwento sayo eh! Dahil alam kong aasarin mo lang ako.”
“Eto naman. Hindi ka pa ba nasasanay sakin? Hahahahaha New Loveteam ROOKIE hart hart na ituuuu” Lumapit ulit ako at binatukan ko siya “Oy! Nakakadalawa ka na ah! Masakit!”
“Umayos ka kasi kung ayaw mong maging tatlo yung pag batok ko sayo.”
“Eto na aayos na!” Pinatong ni Mark yung bag niya sa table ni Jimin at nahulog yung gamit ni Jimin sa sahig. “Pulutin mo nga Roj.” Utos niya sakin.
“Ano ako utusan?” Nilakihan ko siya ng mata.
“Oo mukha kang utusan. Yaya mga ganon?” Gusto ata neto maging tatlo yung pag batok ko sakanya eh.
“Gusto mo madagdagan yung batok ko sayo?” Pagbabanta ko sakanya.
“Dali na. Pupulutin mo lang naman yung gamit niya eh. Pinagbake pa naman kita.” Nanunumbat ba’to?
No choice. Pupulutin ko nalang yung gamit ni Jimin na haulog niya sa sahig. Baka hindi na niya ako gawan ng cupcakes na masarap na may cute na designs *O*
Nung nilagay ko yung mga libro at notebook niya sa table may nalaglag na picture tapos may nakasulat sa likod na “KYKO”
Parang may kilala akong KYKO kaya lang hindi ko na maalala! Titignan ko sana yung picture ng may pumasok sa classroom naming, si Jimin.
Nakita ata ni Jimin na hawak ko yung picture na nahulog mula dun sa nakaipit na libro nanlaki yung mata niya at biglang inagaw sakin yung picture.
“Ba’t mo pinapakeelaman yung mga gamit ko?” Tanong niya tapos kinuha niya yung wallet niya at nilagay ang picture dun sa loob.
“Ah, hindi ko pinapakeelaman. Nahulog lang kasi tapos pinulot ko lang.”
“Eh tinitignan mo eh.” Sabi niya at umupo siya.
“Bakit? May mangyayari bang masama pag tinignan ko? Magugunanw ba ang mundo pag tinignan ko? Magkakaroon ban g world war 3 pag tinignan ko?” Sunod sunod na tanong ko sakanya.
“Wala naman haha.” Sagot niya sa sunod sunod kong tanong. =_=
Humarap ako sakanya at nagtanong “Sino yung Kyko ba yun? Yung name na nakasulat dun sa likod ng picture? Parang familiar kasi yung name na yun eh kaya lang hindi ko lang maalala.”
“Wag mo nang alamin yung tungkol dun! Mahabang kwento lang yun ano ba hahaha!”
“Dali na! Kwento mo na please! Handa akong making kahit mahaba pa yan!” Pangungulit ko sakanya.
“Ehem” ay si Mark pala nandito nakalimutan ko.
“Jimin jimin! Si Mark pala. Classmate din natin, bestfriend ko rin.” Ngumiti naman si Jimin kay Mark
“Ako nga pala si Jimin. Bagong lipat lang ditto sa section 1, nagmula sa section 2.” Nag-ngitian naman sila =_=
“Hoy Jimin dali kwento mo na!” Kinulit kulit ko siya.
“Masasayang yung laway ko kapag nagkwento ako ng mahaba Roj hahahahaha”
“Laway lang yan! Kadiri hahaha kwento mo na dali!” Hinampas hampas ko yung braso niya.
“Malalaman mo rin yun sa susunod. Kaya sa susunod ko nalang iku-kwento pag may time ako haha” Tapos umayos siya ng upo at nag-spray ng pabango na bench na gamit ni Lee Min Ho haha.
“Duh! Ang haba haba pa ng time oh! May 30 minutes pa tayo bago magbell!” Hinampas hampas ko ulit siya.
“Ah Roj, Jimin! May bibilin lang ako sa cafeteria. Babalik talaga agad ako. Mag-usap muna kayo byersss!” Tapos lumabas si Mark ng classroom.
“Nakakatamad kasi mag-kwento Roj eh.” Tapos yung mukha niya parang nagpakita ng expression na tinatamad. Gets niyo ba? Haha
“Wag ka ngang tamarin!” Humarap ako sakanya. “Hala ano yang nasa braso mo? Ba’t ka may peklat?” Tinakpan niya yung peklat sa braso niya.
“Ah wala yan matagal na yan.” Wala ba akong makukuhang matinong sagot sa taong to?
“Sumagot ka nga ng maayos! Wag ka tumulad dun sa Kookie na yun!” Sigaw ko sakanya.
“Wala ka ba talagang maalala?” Seryosong tanong niya sakin.
“Maalalang ano?”
“Yung tungkol dun sa hawak mong picture kanina yung may Kyko sa likod?”
“Hmmmm..” Nag isip isip ako “Alam kong meron akong kilalang Kyko pero hindi ko talaga maalala! Di ko alam kung kilala ko ba yung Kyko na yun o narinig ko lang yung pangalan na yun.” Sabi ko sakanya.
Umupo siya ng deretso at tinitigan ako sa mata “Ipapaalala ko sayo sa susunod.” He smirked.
Creepy. Sino ba yung Kyko na yun? Alam kong may kilala akong ganun dati pero hindi ko maalala! Tapos yung tungkol dun sa peklat niya sa braso parang nakita ko na rin yun eh! Sa dating kaibigan ko nung bata. Tapos kanina tinignan ko yung mukha ni Jimin at parang may nagpa-flashback sa utak ko na kamukhang kamukha niya kaya lang hindi ko ulit maalala. Makakalimutin kasi ako. Jimin, sino ka ba talaga?
x-x-x-x-x-x
A/N: Hi! Isang panibagong lame na chapter ulit huhu. Comment comment din kayo minsan plith <3 Vote narin. Next UD sa nextweek! May gagawin lang akong importante xoxo
