KOOKIE POV
Palabas na sana ako ng clinic room ng biglang may sinabi yung nurse sakin.
“Ah Sir saglit wag ka munang umalis. Intayin mo muna na magamot ko tong girlfriend mo Sir.”
Tama ba yung narinig ko? Girlfriend? Sino? Si Roj?
“Hindi ko siya girlfriend haha, kaibigan ko siya.”
“Hahahah sorry akala ko kasi girlfriend niyo eh hahaha kasi yung pagpasok niyo dito ang sweet niyong tignan.” sabi ng nurse with matching kilig kilig pa.
“Ahmm nurse!” sigaw ni Roj tas kumaway-kaway pa “Pwede bang asikasuhin mo muna ako dito? Mamaya na kayo mag-usap ni Kookie. Kanina pa ako nagiinip dito, gusto ko ng magpahinga.”
“Sige po maam wait lang po kukunin ko lang muna yung medical kit sa cabinet. At ikaw sir, dito ka muna wag ka munang umalis intayin mo ang gir--- kaibigan pala sige asikasuhin ko muna siya.”
Tumango lang ako at nagsimula ng asikasuhin ng nurse si Roj habang ako naka-upo lang dito sa mahabang sofa at iniintay siya.
After 15 minutes
“Sir! Sir! Gising na po kayo.”
“Mamaya na 5 minutes pa hmmm..”
“Sir tapos na po”
“5 minutes pa nga sabi eh hmm..”
“KOKIEEEEEEEEEEEEEEEE GISING NA SABI!!!!!!!”
“Ha? Bakit? Ano yun? May sunog? Saan!?”
“Baliw. Tapos na oh tignan mo.” Sabay turo ni Roj sa paa niya na may balot na benda “Nakatulog ka na dyan, nasarapan ka ata sa aircon.”
Nakatulog pala ako hahahaha di ko namalayan :3
“Hoy Kookie! Ano pang iniintay mo?” seryosong tanong ni Roj habang nakatingin sakin.
“Ano pa ba ang iniitay ko?”
Binato ako ni Roj ng slipper niya “Aray! Bakit mo ko binato?”
“Nakatulog ka lang dyan naging ganyan ka na? Tss. Ano pang iniintay mo? Diba dapat inaalalayan mo ko ngayon? Di ako makalakad ng maayos masakit pa paa ko.”
Tumayo na ako sa sofa at nag-unat-unat at pumunta ako kay Roj para alalayan siya. Kinindatan ko nalang yung nurse bilang pagsasalamat hahaha at ngumiti siya. Yung ngiti na abot tenga XD
Nung mai-akyat ko na siya sa kwarto namin, ini-upo ko siya sa kama niya at nagpalit ako ng damit grabe amoy pawis ako -_- Buhatin ko ba naman si Rojean ng kalahating oras pabalik dito sa resthouse -_- Pero okay lang yun! Maliit na bagay lang yun para sakin J
Nung makalabas ako ng dressing room dejk hahaha sa c.r nakita ko si Roj na nakaupo sa kama parang may malalim na iniisip tas tulala kaya tinabihan ko siya.
“Rojean Vielka Delos Reyes !!!” sabay kalabit ko sakanya pero hindi ako pinansin at parang malayo yung tingin niya.
Okay alam ko na kung anong gagawin ko para mapansin niya ko *inhale, exhale* “ROJEAN MAY DAGAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!”
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! SAAN? SAAN?!” sigaw niya sakin tapos nagtalukbong ng kumot.