(POV parin to ni ROJ)
“Wala. Namiss lang naman kita eh. “ Sabi ni Kookie at nagpout at iniiwas ang tingin sakin.
“Yuck! Nakakadiri! Diba sabi mo nung nag-shoot tayo, titigilan mo ko?! So tigilan mo ko! Kung ayaw mo ulit mangyari nung sinuntok kita! ” Sigaw ko kay Kookie
“Anong problema nyo dyan? Ms. Roj at Mr. Kookie?” Tanong ni Ma’am Vanessa samin at lahat ng kaklase naming ay nagtingan sa dereksyon namin.
“Ang daldal kasi ng katabi ko Ma’am! Kanina pa nangunglit sakin!” Sabi ko kay Ma’am at lumapit siya samin.
“Ikaw, Kookie. Kakalipat mo palang dito sa section na to, ganyan ka na. Gusto mo bang bumalik dun sa section kung saan ka nanggaling?” Tanong ni Ma’am kay Kookie.
Umiling si Kookie “Ayoko na po dun Ma’am Vanessa. Sige mananahimik na ako at nangangakong titino na ako.”
“Good.” Matipid na sabi ni Ma’am at bumalik sa pagsusulat sa harap.
Narinig kong tumawa ng mahina si Jimin omg ang cute tumawa! Pigilan mo ang sarili mo Roj! Pigilan mo huhu.
KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG~
Nagbell na so, recess na naming at may free time kami na 1 hour. Lalabas na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.
“Ba’t ang sungit sungit mo sakin?” Tanong ni Kookie sakin.
“Eh kasi ang kulit kulit mo. Wala ka na bang alam kundi mangulit? Nakakaasar ka na talaga! Lalo na nung nag-shoot tayo nung isang araw!” Sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at iniwan siya dun sa room tss bahala siya.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko ang tropa ko.
Adrian Reyes – Campus Prince dahil sa mala-prince charming niyang dating, Badboy, Isa rin’ basketball player ng varsity.
(PS: Magkaiba yung Adrian na photographer sa tropa ni Roj)
Russel Vargas – Campus Pogi Nerd. Ibang iba kasi siya sa ibang nerd. Kung yung ibang nerd ay panget at nakasalamin siya naman ay napaka-pogi at habulin ng chicks! Isa rin’ basketball player ng varsity.
Joed Medina – Cassanova prince, masungit at malakas mangtrip. Pero samin lang yan mabait at hindi nagsusungit! Haha. Habulin din ng chicks at isa rin’ basketball player ng varsity.
Roshelyn/Rosh – Pinaka-close ko sa tropa. Magkasundong-magkasundo kami dahil parehas kami. Parehas kaming boyish.
“Roj, ba’t ganyan mukha mo ngayon?” – Adrian
“Magkasalubong yung kilay..” – Joed
“May umaway ba sayo?!” – Rosh
“Tara resbakan natin!” –Russel
“Walang umaway sakin! Pwede ba magsitigil nga kayo!” Sigaw ko sakanila.
“Ano bang problema mo ngayon?” – Joed
“Oo nga mag-share ka naman baka matulungan ka namin.” – Russel
“Eh kasi may lumipat dun sa section ko. Sobrang nakakainis at napaka-kulit! Nakakairita!” Naiinis kong sabi sakanila.
“Sino ba? Baka kilala namin.” – Adrian
