MBG - 004

945 25 6
                                    

KOOKIE’S POV

“Kuya gising na!” Sabi sakin ni Anne

“5 minutes pa muna wait.” Niyakap ko ulit yung unan ko.

Inalog-alog ako ni Anne “Kuya male-late ka na!”

“Tss. Mamaya na! Hindi pa nga naga-alarm yung alarm clock eh.”

Tumalon talon si Anne sa kama ko “KUYA MAY SUNOG, KUYA! GISING NA BAKA MASUNOG KA!”

Agad naman akong tumayo “Asan?! Asan ang sunog?!” Natatarantang sabi ko.

“Joke lang Kuya hahaha. Kung di ko pa sabihin na may sunog, hindi ka tatayo! Kanina pa alarm ng alarm yung alarm clock mo, hindi ka pa nagigising! Tignan mo nga yung oras oh, 6:20 AM na! Tapos 7:30 pa ang pasok mo, mabagal ka pa kumilos! Mala-late ka nyan eh!” Sermon sakin ng kapatid ko.

Nagmamadali akong kunin ang towel ko at uniform “Ang dami mong sinabi! O’sha, lumabas ka na at maliligo na ako. Nasan na si Chen?”

“Naka-alis na. Tsaka kuya, pinaghanda narin kita ng breakfast mo dun sa baba! Bilisan mo na kumilos!” Sabi niya at lumabas na sa pinto.

Nagsimula na akong maligo. Mabilis lang naman ako maligo eh. Sinuot ko na yung uniform ko at dumeretso sa baba para kumain ng breakfast.

-    -    -    -

Pagdating ko sa school, pumunta na ako sa room ko. May mga nakasalubong ako habang naglalakad at nagsasabi ng “Hi Kookie!” , “Goodmorning Kookie!” nginitian ko nalang sila.

Nung nakapasok na ako sa classroom, sinalubong ako ni Jimin, bestfriend, kababata, tropa at classmate ko.

“Jungkookie! Buti dumating ka na, sabi kasi ni Ma’am Gonzales pagdumating ka na, puntahan daw natin siya.” Kinuha ni Jimin yung bag ko at hinagis sa upuan ko.

=_=

Pumunta na kami sa room ni Ma’am Gonzales

“Ma’am, ba’t nyo po kami pinapapunta?” tanong ko

“Maupo muna kayo.” Umupo na kami ni Jimin sa upuan alangan naman sa sahig? “I have a good news!” Masiglang sabi ni Ma’am.

“Ma’am, ano po yun?!” Nakangiting tanong ni Jimin.

“Yung mga grades nyo tumaas so malilipat na kay---“

“YEHEEEEEET!!” Sabi ni Jimin at nagtatatalon siya.

“Patapusin mo muna ako Jimin ha?” Agad naman umupo si Jimin sa upuan “Malilipat na kayo sa SECTION 1 ngayon! At sana naman, ipagpatuloy nyo yung magandang grades nyo. Di porke nalipat na kayo sa Section 1 ay hindi niyo na ipagpapatuloy yang magandang grades niyo.” Nagsalita ng seryoso si Ma’am “Pag bumaba ang grades nyo ulit, baka mapunta kayo sa lower section.”

Nagtinginan kami ni Jimin at sumigaw “YEHEEEEEEEEEEEEEEEEEET!”

“Wag nga kayong maingay! Kunin niyo na ang mga gamit niyo at bumalik kayo dito. Kakausapin ko lang ang adviser ng Section 1.”

“YEHET!” sigaw ulit naming at tumalon-talon kami “Salamat po, sige kukunin nap o namin.” Lumabas na kami ng room ni Ma’am Gonzales at pumunta sa room namin para kunin ang gamit namin.

 -    -    -   -   -

ROJ POV

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon