MBG - 013

570 16 0
                                    

Dedicated kay Kuya martintintinin =))))

-----------------------------------------

Pinaakyat na kami sa mga bus naming huhu saying hindi ko katabi si Jessica L Section 2 kasi siya eh ako naman Section 1 wala eh. Hahaha. Kada section kasi may sariling bus. Sana katabi ko si Jimin o kaya si Mark, basta wag lang yung mokong na kutong lupa na nakakainis na yun!

Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko si Jimin na dala yung mga gamit niya “Oy oy oy Jimin!”

Lumingon siya sakin “Oh? Hahaha bakit? Problema mo?

“Pwede ba tabi tayo mamaya sa bus?”

“Ah, sorry Roj. Si Sarah katabi ko eh.”

“Aww. Sige sige akyat ka na hanapin ko lang si Mark.”

Nasan na yun si Mark?! *Lingon sa kaliwa, wala. Lingon sa kanan… Ayun!*

“Best!!” Kumaway-kaway ako para makita niya ko “Mark!!” Bulag ba tong bestfriend ko at hindi ako makita? =_= Lapitan ko na nga lang =_= “Uy Mark, kanina pa kita tinatawag ni hindi ka lumingon sakin. Yung totoo? Bulag ka ba?”

“Sorry! Oo may naririnig akong sumisigaw sakin pero di ko alam kung sino yun hahaha ikaw lang pala!” :D

“Nila-LANG mo nalang ako ngayon? Dejk hahahaha. Pwede ba tabi tayo sa bus?” Sana pumayag sana pumayag!!

“Sorry Best. Katabi ko kasi si Erika eh. Lahat daw ng magkakapartner ay magkakatabi.”

So, katabi ko yung mokong na kinaiinisan ko? WTH. “Sige thank you nalang.” At umakyat na ako sa bus, hinanap kung saan naka-upo yung panget na yun =_= Ayun siya! Nasa pinakalikod katabi ang bintana =_= Agad akong lumapit sakanya.

“Hoy panget! Ba’t nasa pinakalikod tayo?” Tanong ko sakanya.

“Sa gwapo kong ‘to, ikaw lang yung nagsabi ng pangit. Ang dami kayang naghahabol sakin dahil sa kapogian ko joke hahahaha” ANG KAPAL TALAGA KAHIT KELAN!  “Kasi tayo daw yung huling dumating sa classroom kaya sa pinakahuli din tayo.”

“Kasalanan mo eh!” Tapos nilagay ko yung gamit ko sa taas “Tabi dyan. Dyan ako sa tabi ng bintana.”

“Ako na una dito sa tabi ng bintana tapos paaalisin mo ko? Wow just wow.”

“Tatabi ka, o eto?” Tinaas ko yung manggas ko at tinaas yung kamay ko. Parang manununtok ganon.

Umusod naman siya agad takot talaga ‘to sakin eh “Oh eto na. Dyan ka na sa tabi ng bintana. Dito na ako. Pasalamat ka at gentleman ako.”

“Edi thank you panget na gentleman tss.” Umupo na ako dun sa tabi niya. Kaya gustong gusto ko sa tabi ng bintana para may masandalan ako. Ayoko yung walang sandalan -_-

x-x-x-x-x-x-x

KOOKIE POV

Amazona talaga tong babaeng ‘to tapos mas lalaki pa kumilos kesa sa tunay na lalaki. Sa totoo lang parang hindi siya boyish eh, parang lesbian siya :3

2-4 hours drive daw ang sabi bago makarating sa Tagaytay dipende kung may traffic o wala pero sana naman wala dahil ayaw kong maupo sa bus for 4 hours.

Yung katabi ko naman gusto kong kausapin kaya lang wag na. Baka mamaya mabugbog nanaman ako ng wala sa oras eh. Tahimik lang si Roj na naka-upo tapos tumitingin-tingin sa mga nadadaanan namin.

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon