MBG - 22

744 24 20
                                    

Nandito ako ngayon room, kakarating ko lang. Nilagay ko na yung bag ko sa upuan ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom, madami dami ng students ngayong umaga. Tinignan ko yung upuan na katabi ko, yung upuan nila Kookie at ni Jimin, bakante. Wala pa sila. Muli kong naalala yung birthday ko kahapon, napakasaya. Sobrang masaya… kahit wala siya..

Napatingin ako sa kabilang row na nag-chichismisan. Ang aga aga, puro chismis na agad.

 

“May bagong daw tayong kaklase?”

“Oo nga daw eh. Meron.”

“Kilala niyo ba kung sino yung bago nating kaklase?”

“Hindi. Basta maghintay nalang tayo mamaya, magpapakilala naman yun satin kaya wag na natin yun problemahin.”

 

Pati ba namang ang bago naming magiging kakalase, pinoproblema pa nila? Nag-aaksaya lang sila ng oras…

Napatingin ako sa pintuan na bumukas at pumasok si Jimin. Tumakbo siya palapit sakin at hingal na hingal, “Goodmorning Rojean!” bati niya sakin.

“Goodmorning sa one and only boyfriend ni Ate!” sabi ko. Nakapagtataka, ngayon lang pumasok si Jimin na mag-isa, kasi pagpumapasok siya, lagi niyang kasabay si Kookie, “Jimin, wala yung palagi mong kasabay?”

Tumingin siya sakin habang inaayos niya yung buhok niya, “Wala eh, ewan ko dun. Ni hindi manlang nagtext. Tinext ko nga siya kaninag umaga kung sasabay siya sakin pero wala akong natanggap na reply, inintay ko pa naman yung reply niya pero wala.”

Pumasok na ang masiyahin naming professor, si Sir Valencia, “Class, may new classmate kayo.” Si Sir Valencia talaga, parang highschool ang turing samin kahit college na kami. Sumensyas siya sa sa labas na pumasok na.

Laking gulat ko ng makita ko siya, si Kookie at yung kasama niyang babae nung isang araw sa mall, pumasok yung babae na as usal, nakapulupot nanaman sa braso ni Kookie. “Introduce yourself now Ms. Vizconde.”

At nagpakilala nga yung ‘Ms. Vizconde na sinasabi ni Sir Valencia, medyo hindi ko marinig yung boses niya kasi napakahina, ang huli ko lang narinig ay, Bee ata? Oh, Vie? Oh kung ano man yun! Basta sounds like that.

Pupunta  na sana si Kookie sa upuan na katabi ko pero agad namang hinawakan ng Bee na yun ng mahigpit ang kamay ni Kookie, “Mr. Jeon ba’t hindi ka pa maupo?” Sabi ni Sir Valencia, sasagot naman sana si Kookei pero agad namang sumagot yung Bee na yun, “Sir Valencia? Dito ako sa harap uupo diba?” at tinuro niya yung bakanteng upuan sa dulo sa harap, tumango naman si Sir. Tinignan naman nung Bee na yun si Kookie, “Kookie, san ka nakaupo?” tinuro ni Kookie yung upuan sa likod, sa tabi ko. “Sir Valencia.” Sabi ulit ni Bee “Pwede bang ipalipat itong katabi ko dapat sa upuan ni Kookie sa likod?” tinuro niya si Maegan.

“Bakit Ms. Vizconde?” tanong ni Sir Valencia.

“Gusto ko siyang katabi.” Ngumiti siya at tumingin ulit kay Sir, “Siya lang naman ang close ko dito.” Bakit hindi ka makipagkaibigan sa iba para maka-close mo rin? Yan ang gusto kong sabihin sa Bee na yun.

“Ms. Maegan, okay lang ba sayo na lumipat sa upuan ni Mr. Jeon, sa likod?” bago sumagot si Maegan, tumingin muna siya kay Bee at binigyan ni Bee ng isang matalim na tingin “Okay lang Sir Valencia, hindi naman po ako maarte.” At tumingin siya kay Bee.

Agad namang pumunta si Maegan dito sa tabi ko, at halatang naiinis siya dahil kunot nanaman ang noo niya at magkasalubong ang kilay, “Nakakainis!” napa buntong hininga si Maegan, “Kabago-bago pa lang niya, ganon na agad ang inasal niya.” Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon