Roj POV
Argh! Nakakainis talaga yung Kookie na yun! Nakakainis! Nakaka-urat! Makulit! Tss. Kaya umalis na ako agad kanina kasi baka magdilim lalo ang paningin ko sakanya at baka ano pang magawa ko sakanya.
Pagka-pasok ko sa bahay, nakita ko si Ate Suzy na nagmomodel nanaman sa harap ng malaki naming salamin. Wala na ba siyang alam gawin? Puro nalang pagmomodel sa harap ng salamin lagi.
Nakita ata ni Ate na nakatayo ako sa likod niya. Kasi nga diba may malaking salamin kami na halos kasing laki ng pintuan ng bahay na nakalagay sa tapat ng pinto.
=_=
“Hi Sissy!” Bati sakin ni Ate Suzy. Buti naman napansin niya ko -.-
“Wag mo nga akong tawaging sissy!!” Sigaw ko sakanya tsaka umupo sa sofa.
“Edi Roj! Yan happy?” Sabi niya at sabay hawi ng bangs niya “Highblood ka ata Sis—Este Roj?”
Sino ba naman ang hindi ha-highbloodin sa Kookie na yun?!
“Highblood talaga!” Sabi ko tsaka kinuha ko ang C2 sa bag ko na binili ko kanina sa 7/11 .
“Oh?” Tumabi siya sakin “Kwento mo nga kung bakit ka highblood.”
“Kasi! Pano ba naman kanina, late na siyang dumating! Tapos kinukulit ako! Tapos nung kinukuhanan ako ng photographer namin, tingin siya ng tingin tapos kindat ng kindat, ngiti ng ngiti! Nakakainis sobra! Kala naman niya nacu-cutan ako sakanya! Di niya alam na diring-diri na ako ng sobra sakanya! Mashado siyang pa-cute!” Tumingin ako kay Ate Suzy, tulala siyang nakatingin sakin tapos nakangiti pa. Creepy. Pinitik ko yung noo niya.
“Aray!” Sabay hawak sa noo niya.
“Para ka kasing timang diyan! Seryoso akong nagku-kwento sayo tapos pag-tingin ko sayo tulala ka tapos nakangiti tapos parang nagtu-twinkle yung mata mo.” Napakamot nalang ako sa ulo ko.
“Ah-eh hahaha sorry naiimagine ko kasi! Pogi ba? Cute ba? May itsura? Matangkad?” Sabi niya tapos may matching kilig effect pa.
“Hindi siya pogi. Hindi siya cute, kundi pa-cute! Walang itsura! Pandak!” Si Ate naman biglang nag-smile nanaman. =_=
“Ayieee!” Bigla niya akong hinampas.
“Ano ba?!” Lumipat ako sa kabilang sofa, mahirap na noh. Ang sakit pa naman manghampas ni Ate.
“So pogi siya, cute, may itsura at matangkad!! Omg Roj!! Dapat ako nalang yun!!” At nag-pout siya pero kinikilig parin.
Laging kabaligtaran yung mga sinasabi ko. Pogi naman si Kookie, Cute at may itsura siya tapos matangkad pa, pero yung ugali sobrang nakakainis!
“Hay nako Ate Suzy!” Kinuha ko yung bag ko at naglakad ako papunta sa hagdanan upang umakyat at magpahinga pero hinawakan ni Ate Suzy yung kamay ko.
“Roj! May picture ka ba niya? Pwedeng patingin please?” At nag-puppy eyes si Ate Suzy.
“Mamaya na! Pag in-upload ng photographer namin yung picture, papakita ko sayo kaya wag ka ng magpa-cute diyan!” At umakyat na ako sa taas.
“I love you Roj!” sigaw sakin ni Ate Suzy.
Si Ate Suzy talaga pag pogi at cute ang usapan laging kinikilig tapos pag kinikilig laging may kasamang hampas! Pero kahit ganyan si Ate Suzy, mahal na mahal ko yan!