MBG - 002

1.6K 31 3
                                        

 Kookie POV 

“Okay break ka muna Roj! Next Kookie!” –Photographer

Tumayo na ako at inayos yung buhok ko. Hindi ko parin maalis sa isip ko si Rojean na ang sungit sungit mula pagdating ko.

Ang cute niya tignan nung kinukuhanan siya ng photographer namin hahaha. Hindi siya makatingin ng deretso sa camera kasi pag tumingin siya, kikindatan ko nanaman siya at ngingitian. Kitang kita sa mukha niya na naiirita siya sakin pero wala eh gusto ko lang siya asrin. Ang cute niya kasi at ang cool pa.

Ako nga pala si Jungkook pero mas okay kung tatawagin nyo akong Kookie. 19 years old. 1st year college sa RONES UNIVERSITY, School heartthrob ako dun! Ang pogi ko kasi tapos ang cute pa! Varsity player ng basketball, singer at Dancer din ako.  Freelance Model din ako kagaya ni Roj.

Nagkaroon ako ng isang girlfriend pero di nagtagal, nagbreak din kami. Niloko niya ako, Tinimer niya ako. Kaya simula nun hindi na ako nag girlfriend. Feeling ko kasi lahat ng babae kagaya niya, manloloko. Ayoko sa lahat yung niloloko ako, yung pinagmumuka kang tanga. Sana makahanap ako ng babaeng hinding hindi ako lolokohin di tulad ng ginawa ng Ex ko sakin. Pero ang sakit kaya nu---

“Hoy tama na yang pag e-emo mo dyan! Kanina pa ako nag-iintay sayo para kuhanan ka! Nakakangalay kayang tumayo.” – Photographer

“Sige eto na! Hahaha!” Sabi ko tapos pumwesto na ako dun sa harap ng Camera.

Nagpose ako ng mga Cute na pose. Nakita ko naman si Roj na dumaan sa likod tapos name-make face siya sakin na parang nandidiri. Sa pogi kong to, nandidiri siya?

“Side view naman!” –Photographer

Sumideview naman ako gaya ng sabi ng pinakamamahal naming photographer.

“Smile naman Kookie!” –Photographer

Nung nag-smile ako biglang may nagbato sakin ng bote ng mineral water! -.-

Lumapit ako kay Roj “Bakit mo ko binato ng Miral water!?”

“Hindi kita binato ng mineral water! Bote ng mineral water yon! Baka mabato ko sayo yung mineral water no? Mag-isip ka nga!” Sabi ni Roj sakin at tumalikod siya.

Oo nga no? Pano niya mababato sakin yung mineral water? Hahaha basag nanaman ako!

“Edi bote ng mineral water! Bakit mo ko binato nun? Kita ‘mong nagsho-shoot kami eh!” Sigaw ko sakanya.

“Eh ang panget mo kasi! Kanina ka pa nagpapa-cute pero hindi naman cute! Tapos imbes sa camera ka tumingin, sakin ka tumitingin!” Hala. Napansin niya pala yun?

Maka-banat nga. “Sa tuwing tumitingin ako sayo, napapangiti ako.”

Tinaas ni Roj yung manggas ng suot niya “ANONG SINABI MO?!” Tapos pinapatunog niya pa yung mga daliri niya! Nako wag po muna ngayon, madami pa akong pangarap sa buhay!

“W-wala akong sinasabi..” Nauutal kong sabi sakanya

“KUNG AYAW MO MATIKMAN ‘TONG KAMAO KO, TIGILAN MO KO! TIGILAN MO ANG PAGPAPA-CUTE SAKIN! HINDI KA NAMAN CUTE! NAKAKAINIS KA!” Sinuntok-suntok niya yung braso ko.

“Ou-ch! Ar-ay! Uy ang sakit!  Tama na! Oo na titigilan na kita!” Tinigil ni Roj ang pagsu-suntok sa braso ko. Grabe ang sakit manuntok! Suntok panglalaki talaga! AMAZONA BA ‘TO?

“Tuparin mo yang sinabi mo!” Sabi ni Roj at kinuha niya yung bag niya at umalis na.

“Hahahahaha! Ang cute nyong dalawa! Parang aso’t pusa kayo!” –Photographer

“Ang sakit niya manuntok!” Sabi ko tsaka hinilot-hilot ko yung braso ko.

“Tignan mo to oh!” –Photographer

Pinakita sakin ng photographer ko yung picture naming kanina ni Roj na nag-kagalit, yung sinuntok suntok ako at yung tinaas ni Roj yung manggas niya habang kinakausap ako.

“Hahahaha ang cute!” Natatawa kong sabi. Ang cute naman talaga kasi yung pinagsusuntok ako ni Roj sa braso tapos ako iwas na iwas pero masakit yung suntok niya ah!

“U-upload ko nalang sa facebook mamaya tong mga pictures nyo ni Roj ha? Kasama na rin yung sinuntok ka niya. Hahahaha! Ie-edit ko lang.” –Photographer

“Sige lang! Hahaha sige alis na ko.” Nagpaalam na ako sa photographer namin.

 (A/N: Jungkookie sa Multimedia ang cute cute niyaaa --->) 

- - 

Pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ng kapatid kong si Anne at Chen =))

“Kuya Kookie! Kanina ka pa naming iniitay!” Sabi sakin ni Anne at kiniss ako sa cheeks. Sweet talaga ng kapatid ko!

“Sorry ah. Kasi namili kami ni Jimin kanina sa mall ng damit tapos nag-photoshoot pa kami.” Sabi ko tapos nilapag ang gamit ko sa sofa.

“Kayo kuya? Hindi naman nagpho-photoshoot si Kuya Jimin ah?” Sabi ni Chen

“Hindi si Jimin! Yung babaeng masungit, masakit manuntok, parang lalaki, medaling mainis, inis sakin dahil cute ako, lalaki ang dating!” Nung sinabi ko yun, nagtawanan sila. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Kuya ang gulo mo! Hahahahaha! Sabi mo kanina, babae! Tapos lalaki ang dating? Ang cool naman nun!” Natatawang sabi ni Anne

“Maganda ba Kuya Kookie? May picture ka ba niya? Gusto ko makita!” Pangungulit sakin ni Chen.

“Wag nga kayong makulit! Mag-intay kayo pag inupload na nang photographer namin yung mga pictures namin! Makikita nyo rin yun!” Sabi ko sakanila tsaka umakyat na sa kwarto ko.

Kinuha ko kaagad yung iPad ko at nagbukas ng facebook, titignan ko kung naupload na ng photographer ko yung mga pictures namin.

May facebook kaya si Roj?

Isesearch ko pa naman sana kaya lang nakalimutan ko yung pangalan niya!

Rojohn ba? Ay hindi! Rojun? Hindi rin! Ayun! Rojean pala!

Sinearch ko sa facebook si Rojean, pero walang lumalabas na acct niya.

Baka naman Roj yung gamit niyang acct sa fb?

Tinaype ko dun sa box yung name na Roj tapos yun may lumabas din!

“Roj Delos Reyes!” yung name niya sa facebook. Pati ba naman sa facebook nagpapakalalaki siya? Pero ang ganda nung name! Lalaking-lalaki!

In-add ko siya. 

I-aaccept niya ba ako bilang friend? Oh ide-decline?

- - - - 

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon