Kabanata 33 "Tampo"

12 2 0
                                    

"Matagal ko narin inantay na magkita tayo Grace!" galit na galit na sabi ni Marsha.

"Ah talaga ba?" taas kilay na sabi ni Grace.

Tumango naman si Marsha at nagpamaywang pa. Halos manlisik ang mga mata niya at nagngangalit pa ang kanyang ngipin.

Natulala si Grace at napalunok dahil tila susugod na aso ni Marya. Susko po wag naman.  "Wow sa laki ng galit mo parang kilalang kilala mo ko ah." 

"Di naman, kilala lang ayon narin sa kwento ng boyfriend ko." giit ni Marsha kaya natulala nalang ako.

"Wait ang alam ko hindi naman kayo diba?" Pagmamaldita ni Grace.

"Yes hindi alam dito sa school para lang iwas chimis dahil high school panga. Pero alam mo ba legal kami sa pamilya ni Daine at super close kami ni mommy Susan unlike you."

"Wow ah ang yabang mo naman sino ka ba? Saang angkan ka nanggaling?"

"No need na sabihin saang angkan ako nanggaling. Hello angkan ng step dad mo ang pinagmamalaki mo wala kang bahid ng kahit anong dugo nila pwe!" natulala ako sa sinabi ni Marsha dahil secret lang namin ni Grace iyon.

"Anong sinabi mo?!" galit na galit na sabi ni Grace gusto niyang saktan si Marsha.

Kaya naman humarang ako agad "Grace wag! Wag mo siyang sasaktan kung hindi ako makakaharap mo." giit ko.

"How dare you Daine bat mo sinabi?!"

"I'm sorry." tanging nasabi ko.

"Ok fine, magsama kayo!" ani Grace sabay alis.

Nangmakalayo si Grace ay kinompronta ko si Marsha. "Bakit mo naman sinabi iyon?"

"Dahil hindi ko na masikmura ang ugali ng babae nayan kung kayo kaya niyo pwes ako hindi!"

"Pero Marsh.. Marya.."

"No Daine sa nakita ko kanina may pag asa na maging kayo nanaman... ayan nanaman yang karupukan mo! Sa tingin mo papayag ako?! Hindi ko kakayanin na makikiya ka nanaman na problemado. Ano tapos iiyak iyak ka nanaman?! Magtigil ka!" halos manginig si Marsha sa galit ganitong ganito kahit noong aso siya ayaw niya talaga kay Grace.

"Tara na sa clinic." aniya sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin.

Ang lamig ng palad ni Marsha bakit ganito.

Nang makarating kami sa clinic ay agad ko pinacheck ang bagang ko.

"Ok naman Daine nagbleed lang talaga ang gums mo." ani ng nurse sa clinic "bigyan nalang kita ng gamot para diyan."

"Salamat po sir."

Napatingin naman ako kay Marsha na seryoso parin ang mukha. Kinakabahan ako ah...

"Balitaan mo ko pagsumakit ah." muling sabi ni nurse.

"Yes po sir thank you po." magalang kong sabi sabay punta kay Marsha. Halos mapalunok ako sa nararamdaman kong atmosphere... masama ito.  "Tara balik na tayo sa court." aya ko ngunit hindi siya tumango or nagsalita manlang ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakatakot pala magalit ang taong Masha!

Habang naglalakad ay seryoso lang siya at hindi umiimik. Pagdating namin sa court ay nakaayos na sina Takie ready na sila sa pag uwi.

"Tapos na?" tanong ko.

"Oo ito mga gamit niyo oh." ani Sam sabay abot ng bag ko sakin.

"Ito naman bag mo Marya my labs!" bungisngis na sabi ni Takie pero inabot lang ito ni Marsha at tumalikod.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon