Waaahh!!
Boses ni mommy iyon! Kaya naman agad kong kinuha ang unan na malaki sabay hagis nito kay Marsha.
"Daine kakain na." muling sabi ni mommy na ngayon ay nakatanaw na saamin mula sa pinto. Nakakunot ang noon nito na tila nagtataka. "Anong nangyari sa inyong dalawa?" aniya.
"Wa... wala po ma hehe, ahh susunod na kami doon hehe." nangingiwing sabi ko.
"Ok sige sunod na kayo ah." muli niyang sabi sabay alis.
"Opo." sigaw ko.
Haaays talaga naman, buti nalang hindi nakita ni mommy tong si Marsha.
"Daine bakit may masama ba kong nagawa?" tanong ni Marsha.
"Oo Marsha!! Dapat hindi ka nagpapakita ng katawan mo. Panigurado mapapagalitan ako sayo! Ibaba mo nayang damit mo." iritable kong sabi.
"Daine bakit ka namumula? May sakit kaba?" tanong niya.
Hah?!! Na.. Namumula ako?? Ka... Kasi naman!
"Ba.. Basta ibaba mo nayang damit mo masama yan!" muli kong sabi sabay lingon at tingin sa kisame.
"Ahh ok sige." ani Marsha sabay baba ng damit niya. Sumilip pa ko nang konti dahil..
Wala! Hindi ako sumisilip ah!!
Haaays ano ba naman ito! Ang mga mata ko!
"Marsha wag mo na uulitin yan ah.. Mangako ka sakin! Dahil ako ang mayayari ok!"
"Ok po amo." seryoso niyang sabi.
"Syaka mas maganda siguro wag kana magsasalita muna, maliwanag." muli kong giit.
"Ok po Daine masusunod."
"Very good." sambit ko sabay hinga nang malalim.
"Sya tara na sa baba kakain na daw tayo, mag iingat ka and please wag kana gagawa nang nakakahiya." giit ko sabay talikod.
Napasilip naman ako nang kaunti kay Marsha at nakita kong lumungkot ang mukha nito.
"Tara na." ani ko sabay lakad kaya naman sumunod nalang siya sakin.
Haay pasensya kana Marsha, masyado na ba akong mahigpit?
Pagkarating namin sa dining area ay agad na kaming naupo. Kitang kita kay Marsha ang sobrang pag iingat. Masyadong obvious pero mas ok na ito kesa naman mapahiya siya.
Tahimik kaming nagsimulang kumain, ni walang kibuan.
Haays ang wierd nang feeling. Pano kaya mababasag ang katahimikan na ito. Hindi ako sanay na walang topic pagkumakain.
Napatingin naman ako kay Marsha na ngayon ay humihigop ng sabaw ng sinigang, habang si Jane ay busy sa paghimay ng hipon. At si mommy, ito nagsasandok ng kanin.
Haay! Wala ba talagang Magsasalita?
"Ehem." tikim ubo ni aunti Lerma kaya naman napatingin ang lahat sa kaniya. Siguro gusto din niya basagin ang katahimikan.
"Sya nga pala matanong ko lang saan pala kayo nagkakilala?" tanong ni Auntie na kinatulala ko.
Teka oo nga pala no. Hindi ko pa napaghandaan ang mga tanong na ganito! Pano kung gisahin nila nang tanong si Marsha anong isasagot nito.
Isip Daine isip!
"Ah sa school lang din po anutie." tanging nasabi ko.
"Ahh magkaklase kayo?" muli niyang katanungan.
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
RomanceMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.