Kabanata 13

122 5 5
                                    

"Landeeee"

Pagkatapos namin kumain ay natuwa naman ako dahil tuluyan nang natutunan ni Marsha ang pagkain ng tama... Haayy

Agad naman akong naghugas ng pinggan sabay tingin sa bintana sa tapat ko..

Hanggang ngayon... Napapaisip parin ako kung paano nangyari to kay Marsha. Totoo ba talaga to? Posible ba? Tsk! Haaay.. Sa T.V lang talaga tong mga ito ehh..

Habang tulala sa kawalan. Damangdama ko ang agos ng malamig na tubig sa aking kamay. Marahan ko lang na pinupunasan ang mga pinggan. Sabay isip na.. Papano ko kaya mababalik si Marsha sa pagiging aso? Haaaay!!

"Kuya." Tawag ng kapatid ko kaya naman nagulat ako.

"Oh.. Bakit?" Sagot ko sa kapatid kong nandito na sa tabi ko at parang tulala din. Agad naman akong tumingin sa tinitignan nya at nakita ko si Marsha na naglalaro na chew bone.. Napataas nalang ang kilay ko dahil kagat kagat nya yun habang nag roroll over sa sahig.. Haaay..

"Anong gagawin natin kuya?" Giit ng kapatid ko na tila nalulungot.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.. Nalulungkot din naman ako sa nangyayari.. Bakit ba kasi nangyari to?

Habang nakatingin ako sa kapatid ko'y naalala ko si daddy. Sabi nya lahat daw ng problema idaan sa tawa. "Maglaro ka! Laro-laruin mo lang ang mga bagay para sumaya ka.. Tignan mo nagkaproblema kami ng mommy mo noong bina't dalaga pa kami.. ayun naglaro kami.. sumaya kami non! At buo ka!! Hahaha!!" Giit niya sabay tawa kaya naman hinampas sya ni mommy.

Napangiti nalang ako bigla sa naalala ko kaya naman nagtaka ang kapatid ko..

"Are you crazy?" Ani ng kapatid sabay mangot..

"No I'm not.. Makipaglaro kaya tayo kay Marsha? What do you think?" Giit ko sabay tingin kay Marsha na halos magkanda subsob na sa paglalaro ng chew bone.

Agad ko naman nakita ang ngiti sa labi ng kapatid ko.

"Sige kuya!! Hahahahhaa!! Gusto ko yan!!" Ani nya habang tumitili at tawa sabay takbo kay Marsha. "Marsha habulin mo ko!" Muli nyang sabi kaya naman napakahol si Marsha sabay habol sakanya.

Pinagmasdan ko lang muna sila maglaro at makalipas ang ilang minuto ay bigla kong naalala na may ginagawa papala ako..

Hmmmn.. Tapusin ko na nga to..

At nang matapos ako sa paghuhugas, pinuntahan ko yung dalawa sa labas at nadatnan ko silang nakasilip sa gate.

Parehas pa sila ng posisyon nakaluhod. Tsk iitim mga tuhod nito eh.

"Anong ginagawa nyo dyan? Sino sinisilip nyo??" Tanong ko sakanila pero parang wala silang naririnig. Parehas silang parang tuwang tuwa sa sinisilip nila.

"Woy! Ano yan!" Sambit ko sa malaking tono kaya naman nagulat sila.

"Ayy! Kuya nandyan ka pala hehe.." Ani nitong kapatid ko na parang kinikilig. Huh? Don't tell me nandyan na si Josh? Kaya naman nakisilip ako at ayun nga nandito na nga ang crush ng kapatid ko. Kaya naman binuksan ko ang gate.

"Kuya No!!" Sigaw ni Jane sabay hila sakin.

"Ehh bakit ba? Kesa naman mahirapan ka kakasilip dyan." Giit ko na tila nang aasar hehe. Sakto naman na napatingin si Josh samin kaya naman napangiti ito sabay lapit kasama ang aso nya na si Pompo isang Labrador retriever.

"Kuya Daine kamusta? Hi Jane!!" Ani ni Josh kaya naman kinilig ang pwet nitong maliit na to.

"Hello Kuya Josh.." Sweet na pagkakasambit ni Jane.. Susme! Itong batang to talaga. Mamaya ka sakin hahaha..

"Kamusta tol? Ba't napa aga ata uwi mo?"

"Ahh hehe.. Dito na kasi ako mag-aaral  kuya ayoko na sa states." Giit nya sabay ngiti. Ngiting may lungkot.

Napatango nalang ako sakanya sabay tingin sa kapatid kong nagnining ang mga mata sa kanyang narinig. Ok everyday silay.. Ahhaha

"Ohh by the way who is she? Hello po." Ani ni Josh sabay kaway kay Marsha.

"Sya si Marya kuya Josh." Ani ni Jane habang namumungay pa ang mga mata.

"Hi Josh." Ani Marsha sabay tingin sa aso ni Josh.

"Hi Pompo." Ani ni Marsya na tila kinikilig..

Huh? Teka nga?? Parang...

Ohhh.. Naaalala ko na.. Dati kasi pagpumupunta si Josh samin with Pompo palaging nakatingin si Marsha at pilit na nakikipaglaro. Lahat gagawin ni Marsha para pansinin sya ni Pompo kaso waley sinusupladuhan sya nito.

Hmmmn.. Ang lalandi nitong mga babae na to ahh..

"Josh!" Isang tawag mula sa kapitbahay kaya naman napalingon kami. Tinatawag na sya ng mommy niya.

"Wait ma! Ahh guys later nalang tayo magkwentuhan. Ayusin ko lang lahat ng gamit ko. Pupunta ako dito mamaya with Pompo.. just like the old days." Ani ni Josh sabay ngiti kaya naman tunaw na tunaw nanaman ang kapatid ko.

"Sige sige Josh para naman sumaya tong kapatid ko." ani ko kaya naman siniko ako ni Jane. Pero di naman masakit.

"Sige guys bye! Bye Marya.. Bye Jane." Muli nyang sabi habang nakangiti. Haha kitang kita ko talaga ang kilig sa mga mata ni Jane..

"Bye kuya Josh." Pababy na tono ni Jane.

Nagsmile nalang ulit si Josh sabay tawid sa kanila. Agad ko naman na sinara ang gate sabay tingin sa dalawang babaeng to.

"Ano masaya na kayo?" Giit ko na tila nang aasar.

Parehas silang nakakagat labi sabay tingin sa isat isa..

"WHAAAA! HAHAHA AYIIEHH!" Tili nila kaya naman natulala ako.

Bigla ko tuloy naalala ang isang pangyayare noon.. Noong tumili si Jane sa kilig habang si Marsha naman ay kahol ng kahol sabay alulong.

So yun pala ibig sabihin nun? Grabe ka Marsha.

"Woy doon kayo sa loob nakakahiya kayo.." Ani ko sabay iling.

"Ayy sorry hindi ko napigilan kuya." Ani ni Jane.

"Hindi ko rin napigilan." Giit ni Marsha na kinagulat namin ni Jane.

"What? Marsha? Crush mo rin si Josh??!" Tanong ni Jane na tila nag aalala. "Nakoo ahh wag please.. you look good than me.. no way."

"Hindi Jane si Pompo crush ko." Ani ni Marsha kaya naman clear na sakin lahat. Kaya pala tuwang tuwa sya pagdarating na sina Pompo noon. Malanding aso.

"What? Oww I see aso ka nga pala hahaha.!" Ani nitong maliit nato, kala naman nya papatulan sya ni Josh ehh ang bata bata pa nya haha.

"Ohh my gosh Marsha we need to get ayos ayos pupunta sila dito mamaya! Hahaha.. Makeupan tayo haha!" Giit ni Jane sabay hila kay Marsha papasok sa loob.

"Sige sige Jane lagyan mo rin ako ng cutics yung pink." Ani ni Marsha habang nagtatatakbo sila ni Jane

"Kuya sunod ka sa room ko ahh help us to choose." Sigaw ng kapatid sabay ngiti. Haaay

What?? Ano to? Si Marsha ko kumekerengkeng na??! No way ayoko.

Oo never ako pumayag makipag loving si Marsha kahit na pinipilit ako ni mommy para daw magka anak na aso ko. Pero ayoko ehh bakit ba.. syaka magastos eh. Baka mamaya ano pa mangyare sakanya.

Basta hindi ako papayag na magka boyfriend ang aso ko.. No way.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon