"Me"
Tunog ng aircon yan ang naririnig ko..
Awwts! Sakit ng ulo ko teka? Nasan ako? Hmmnn?
"Are you ok Marsha? Ang galing galing naman ng baby namin." Ani doc Ami na ngayon ay nasa harap ko.
Ahhh nasa dog ward pala ako... Hala! Anong nangyari sakin?
Agad naman na hinaplos ng marahan ni doc Ami ang noo ko."Cute cute naman ni Marsha ok na ikaw.. kausapin ko lang amo mo ahh.. wait lang baby Marsha." Giit nya sabay labas ng ward.
Grabe ang daming asong naka confine ngayon ah? Hmmmnn..
Mga ilang sandali lang ang lumipas ay bigla akong kinuha ni doc sabay dala sa labas kung saan nag aantay sina mommy. Natatanaw ko kasi sila sa pinto. Hihihi love na love talaga nila ako.
"Marsha!" Sigaw ni mommy at Daine.
"Ok na siya make sure na hindi na siya pakakainin ng iba ahh... Dog food lang and water." Ani ni Doc kaya naman tumango lang si Daine at kinuha ako sabay yakap sakin nang mahigpit.
"Salamat po doc! Sorry Marsha." Naluluhang sabi ni Daine. Nakoo napag alala ko sya.. Huhu sorry Daine promise magiging good girl na ako hindi na ako kakain ng bawal sakin.
"Wowooooof!!" ani ko sa halik sakanya.
"Hahahaha I love you too Marsha! Hahaha nakikiliti ako wag mo akong dilaan hahaha." Sambit ni Daine habang tawa ng tawa. Hihihi. Kaya naman nagtawanan din silang lahat. Hindi ko mapigilan ehh. Ganto talaga kaming mga aso!
Sa bahay!!
Haay sawakas nandito na kami. Ang sarap nang higa ko sa hita ng amo ko. Nandito kami ngayon sa kama nya... Ang saya ko! Huh? Parang nangangati ako... Hmmnnn.. Alam ko na.
"Marsha saan ka pupunta?" Tanong ni Daine sakin pero hindi ko lang siya pinansin. Kaya naman sinundan nya ako. At nang makarating ako sa kabinet ko kinuha ko kaagad ang tuwalya ko. Nginitian ko si Daine habang pinapagaspas ang buntot ko. Hihihi.
"Haha so gusto mo maligo? Ok sige paliliguan kita."
Yehey!! "Woof!"
Sa banyo!!
Woooow! Sarap maligo! Sarap magbabad sa bathtub. Maligamgam ang tubig. Sana laging ganito.. Buti nalang mas may time na sakin si Daine.. ngayon wala nang hadlang wala na si Grace yehey!
"Haha lagi kang naka smile ahh. Cute mo talaga!"
Oo gusto ko lang laging ngumiti sa amo ko. Daine gusto ko lagi ka lang sa tabi ko hanggang sa mawala ako sa mundong to. Nakakalungkot man isipin pero ganoon talaga. Maikli lang ang buhay ko, kung pwede ko lang pahabain. Sa totoo lang yung lakas ko hindi na katulad noong dati medyo nakakaramdam nadin ako ng hingal.
"Marsha? Bakit bigla kang nalungkot? May Problem ba?"
"Woof!!" Wala Daine! Wag mo akong isipin. Ok lang ako.. Basta Daine ikaw lang ang mahal kong amo wala ng iba! Kahit anong mangyari sayong sayo lang ako!! Mag aantay ako kahit gaano katagal! Alam ko balang araw pagkatapos mo mag aral mag tatrabaho ka naman. Magiging katulad ka ni daddy magiging sobrang busy na kung minsan lingguhan kung umuwi. Basta Daine nandito lang ako mag iintay palagi sayo.
Huh??
Lumuluha si Daine?
Daine bat ka umiiyak?
"Marsha!! Wag mo na ulit gagawin yon ahh! Promise mo yan hindi ko kaya na nahihirapan ka. Akala ko iiwan mo na ako! Marsha ikaw lang ang best friend ko. Ikaw lang lahat nakaka alam nang hinain ko. At kahit hindi ka nagsasalita alam kong naiintindihan mo ako. Marsha wag mo akong iwan ahh. Basta dyan ka lang, palagi man ako nasa school babalik naman ako agad para makipaglaro sayo. Sorry kung minsan napagpapalit kita kay Grace noon. Basta promise ko sayo hindi na to mauulit. Kung magkakaroon man ako ng girlfriend sisiguraduhin kong mamahalin ka rin nya kagaya pagmamahal ko sayo. Promise yan Marsha!!"
Huh!! Daine!! Bakit ganun nararamdaman mo rin ba ako? Bakit ganito.
"Marsha umiiyak ka rin?" Tanong ni Daine na kinagulat ko. Agad naman nya pinunasan ang luha ko... Hah? Umiiyak ako.. Hahaha oo umiiyak nga ako.
Daine!! "WOOOFF!!" Isang malakas na sigaw ko sabay yakap kay Daine halik sakanya!
"Hahaha tama na Marsha nakikiliti ako hahahaha!" Tuwang tuwang sambit ni Daine. Ikaw kasi ehh yan tuloy tila ka rin naligo. Hahahaha. "Marsha pinaliguan mo na rin ako ehh. Hahaha."
Nang matapos kaming maligo ni Daine ay kumain na kami. Haaay sayang lang at hindi na ako pwede kumain ng pantaong pagkain. Ok na tong dogfood lang kesa naman matepok ako. Sarap pamandin ng ulam.. Adobo.. Huhuhuh!
Ang sarap tignan ng mag iinang ito habang kumakain. Ang saya saya nilang tignan, kung buhay lang sana ang mama ko edi sana haaaay..
Haaay nakoo Marsha tama na ang drama! Ang importante ngayon si Daine wag mo na muna isipin ang sarili mo.
"Hahaha mama talaga!!! Haha.. Huh?? Marsha? Bakit?" Tanong sakin ni Daine kaya naman nagtinginan sina mommy at Jane.
"Wof! Wof! Wof!"
"Siguro naiinggit sya paborito kasi nya ang ulam haha!" Giit ni mommy kaya naman pinuntahan ko sila sabay damba. Kumapit ako sa legs ni mommy sabay dila. "Oo na sige hindi na ako mang aasar hahaha."
"Hahahaha ang cute!!" Giit ng dalawang magkapatid. Sobrang saya naman ng araw na ito. Hahaha.
Sa kwarto ni Daine!!
"Ok Marsha sleep na... payakap nga sa cute kong aso!" Ani ni Daine kaya naman nagsumiksik agad ako sa tiyan nya. Niyakap nya ako nang mahigpit, sobrang higpit hihihi.. Haaay.. Ang sweet!
Napatingin lang ako sa mata ni Daine na ngayon ay unti-unti nang pumipikit. Hindi ko mapigilan na titigan sya..
Hahaha nakatulog na sya.. Aba humihilik pa! Siguro napagod siya sa nangyari. Kahit naman ako napagod ehh nag iyakan pa kaming dalawa hahaha.. Huh?
Duuug! Duug!!
Huh!! Ano yun? Bakit may biglang tumibok na malakas sa puso ko? Ah.. Ano to??!!
Duuug! Duug! Duug!
Aaah!! Bakit ganun ang sssakit! Teka ano to? Hindi kaya dahil mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Daine?
Duuuug! Duuug! Duuug! DUUUUG!
Aray! Hindi na to maganda! Teka akala ko ba ok na ako sabi ni doc?
DDUUUUUUGGGGG!!!!
WAAAAH!!! SOBRANG SAKIT NA! Daine?? I'm sorry mukhang may mali.. Daine patawarin mo ko mukang oras ko na nga. Masaya ako na nandito ka sa tabi ko ngayong huling araw ko. I love you Daine!! Hinding hindi kita makakalimutan.. Salamat nang marami sayo.
DDDUUUUUUGGG!!
DAINE!! Aahhhhhh...
-----------------------------------------------------------
Huh? Tunog ng mga ibon? Teka ito naba ang langit?
"Ano bang nangyari?" ani ko.. Ano nga ba talagang nangyari sakin? Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang kisame ni Daine na may sinag na ng araw. Umaga na pala, so hindi pa ako patay? Lumingon ako at nakita ko si Daine na tulog na tulog. Napangiti ako kasi ang cute nya. Kaya naman niyakap ko sya nang maiigi. Teka? Ano to? Ang kamay ko? Bakit pang tao?!
Maya maya naman ay biglang bumukas ang pinto..
"Kuya bangon na magsisimba tayo sabi ni ma........" Natulalang sabi ni Jane habang nakatingin sakin.
"WAAAAAAHHHHHHHHH!!" sigaw naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
Lãng mạnMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.