Kabanata 2

229 17 4
                                    

"No! No!"

Marsha's POV

Nakatingin lang ako kay Daine habang nagmamaneho. Grabe nakakunot parin ang noo nya. Ano ba naman kasing problema nitong Grace na to?! Haay, ano kayang mangyayari? Hala! Baka iligaw nalang ako ni Daine bilang parusa!

Hindi! Mahal ako nito! Oo mahal ako ng amo ko. Hindi niya ako pababayaan. Sana nga! Waaaah! Huhu. Mananalig nalang ako.

Kriiiing! Kriiing! Tunog ng phone kaya naman agad itong itinapat ni Daine sa tenga niya.

"Eto na oh! Malapit na! Wag kang sumigaw pwede." Nakoo! Nagsisigawan na sila!

Nang makarating na kami sa park ay inihinto na ni Daine ang sasakyan. Bumaba sya sabay bukas ng pintuan ko nang sa ganoon ay makuha niya ako.

Aray ko naman Daine! Ang sakit! Dahan dahan naman, alam ko magkagalit kayo. Pero...wag nyo naman ako idamay.. Huhu.

Nakatingala lang ako kay Daine habang naglalakad siya papunta sa park. Amo! Wag kana sad, happy lang! Ooy!

Maya maya naman ay napahinto na si Daine sa paglalakad, so tinignan ko kung bakit sya napahinto.

Waaaaah! Monster! Isang monster ang papalapit samin ngayon! Nakakatakot ang itsura nya! Sobra! Hindi ko sya bet!

"At talagang dala dala mo pa talaga yang aso mo?!" Gigil na sambit ni Grace na kulang nalang ay umusok ang ilong.

"Oo! And I want her here!" Matikas na sambit ng amo ko. Talaga Daine? Ahhh! Sweet! Huhu.

"Ano ba Daine?! Ano ba ko? Bakit ganyan ka sakin? Alam mo naman na ayaw ko sa dogs!" Maarteng sambit ni Grace.

"Grace, wala ka namang allergy sa dogs, just try it. Try mong hawakan si Marsha, masarap kaya mag alaga ng aso... Just give them a chance. Hindi naman sila nakakatakot eh, masaya silang kasama." Tama si Daine! Ska ang cute kaya namin! Hihi.

"No! Never in my life, ok! Daine if you do really love me. Please!! Get that dog away from me! And from you!"

"Away from me?!" Nagtatakang sabi ni amo. Hah? Ano daw? English kasi kayo ng english dyan! Hindi ko tuloy maintindihan!

"Anong ibig sabihin mong ilayo si Marsha sakin?" Ayon! Buti tinagalog mo Daine.... ANO! ILAYO? AKO! BAKIT? SABI KO NA NGA BA EH! huhuhuhu!

"Daine, I'm your girlfriend. Nawawalan ka na ng time sakin, sa school yung mga kaibigan mo. Pagnaman magkasama tayo, lagi kang naka earphone. Tapos pagnasa bahay ka naman yang aso mo inaatupag mo! Ano ba? Ano pa ba ako?!" Ani Grace na kinapantig ng tenga ko. Edi wow! Lagi nga kayong magkatawagan sa cellphone, wala pang time si Daine sayo! Hindi na nga yan nakikipag laro sakin! Date kayo ng date!

"Do you hear yourself Grace? Walang time sayo? Kulang pa ba? Huh! Kulang pa? Hindi na nga ako nakakapag spend ng time with my friends simula nang naging tayo." Oo nga! Hindi na pumupunta mga kaibigan ni Daine simula nang naging kayo! Arte mo!

"Really? Eh bakit kayo magkausap kanina ni Rex! At ang tagal tagal nyo pa!" Hala ang OA pala nito ni Grace eh!

"Then whats the matter?! Minsan lang kami mag usap Grace! Ano ba? At ska school matters yun!" Kawawa naman tong amo ko. Sunod-sunuran kay Grace, sabagay sobrang ganda naman kasi nitong babae na to model kasi. Sayang nga lang ang pangit nang ugali.

"Antagal ko kasing nag antay sayo sa canteen, alam mo naman na ayaw ko nang pinag aantay!" Maarteng giit ni Grace!! ....ANO!!!! Arte! Naiinis ako sobra! Sarap peklatan ng binti mo!

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon