Kabanata 11

152 12 10
                                    

"Good night"

Pagkatapos kumain ni Marsha ay nilinis na namin ni Jane lahat. Ang kalat nya kasi kumain.. Pinunasan din ni Jane ang bibig niya.

"Ang sarap.. Kaso ang hirap na ngayon kumain kasi parang ang iksi na ng dila ko syaka hindi ko mabuka masyado bibig ko." Sambit ni Marsha sabay ngiti sakin, mukang komportable na sya ahh.

"Buti naman nag enjoy Marsha namin! Hihihi.. I loveyou Marsha!" Ani ni Jane sabay yakap kay Marsha.

"Wof! I love you too Jane!" Ani nya sabay yakap din sa kapatid ko.

"Sige sleep na tayo kuya ikaw na bahala kay Marsha."

Huh? So dito matutulog tong babae na to?

"Teka kung sa kwarto mo nalang sya?" giit ko sabay tingin kay Marsha na tila nalungkot.

"Kuya hindi po pwede.. Diba ang alam ni mommy girlfriend mo sya."

"Bakit pwede naman yun ah!"

"Kuya remember? Hindi nakakatulog sa tabi ko si Marsha. Ikaw lang naman ang nakakapagpatulog dyan."

Haaaay!! Oo nga pala!! Tsssk.. Ang arte kasi ng aso na to eh. Tsk pano ba to?

"Sige bbye na!"

"Teka Jane!"

"Good night!" Sambit ni Jane sabay alis at sara ng pinto.

Napatingin naman ako kay Marsha na ngayon ay nakatingin sakin at nakangiti.

Ang cute nya..

Haaays!! Tsk.. Ano to? Parang ako naman ata ang hindi makakatulog nito!

"Ok sige Marsha dyan ka matutulog sa kama.. Dito nalang ako sa sahig."

"Bakit? Pwede naman siguro na tabi tayo diba?" Giit niya na kinagulat ko.

"Marsha sabi ko nga sayo tao kana hindi kana aso.. Kaya hindi na tayo pwede magtabi."

"Pero?"

"Wala ng pero pero sumunod ka sakin! Ok." Ani ko kaya naman nalungkot sya.

"Ok po." Ani nya sabay punta sa kama lumuhod sya na parang aso sabay lakad paikot sa kama ko. At nang maging komportable sya ay humiga na sya agad.

Haaaay aso ka nga talaga.

"Sige good night." Ani ko sabay latag ng kumot at kuha ng unan. Humiga ako sabay tagilid. Tumalikod ako sakanya dahil paharap ang pwesto nya sakin.

Alam kong nakatitig lang sya sakin kaya naman naiilang ako.. Makakatulog ba ako nito?

"Daine." Ani nya.

"Oooh??"

"Tabi tayo." Sabi nya kaya naman kinilabutan nanaman ako.

"Di nga pwede." Giit ko sakanya sabay talukbong ng kumot.

"Bakit ka nagkumot? Hindi kita makita." Ani nya kaya naman  napalunok nalang ako.

"Eh kasi nga nakatingin ka! Matulog kana!" Medyo masungit na sabi ko.

Maya maya naman ay naramdaman ko na parang may humihila sa kumot ko. Kaya naman napalingon ako at nakita ko siyang nakahawak dito.

"Bakit nanaman?!" Tanong ko sakanya sabay hila ng kumot.

"Hindi kita kasi makita." Ani nya na kinataas ng kilay ko.

"Pwede ba matulog ka nalang dyan! Wag mo akong titigan!"

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon