Pagkauwi nang bahay natulala ang ina ni Daine sa itsura ni Marsha.
"Anong nangyari?" Nauutal utal na tanong ni Susan.
"Mahaba pong istorya mommy Susan pero ok na po ang lahat." Tugon ni Marsha.
"Ikaw ba talaga si Marsha? Yung aso namin?" Muling tanong ni Susan.
"Opo mahirap po paniwalaan pero ako po talaga si Marsha ang aso niyo. Natatandaan niyo po ba iyong kada umaga sumasayaw tayo ng backstreet boys."
"What? Si mommy sumasayaw?" Sabay na sabi ni Daine at Jane.
"Ay jusko po ikaw nga si Marsha!" Giit ni Susan sabay yakap kay Marsha dahil sumasayaw lang naman si Susan kapag sila nalang ni Marsha ang tao sa bahay.
"Nakoo pasok na kayo nagluto ako ng carbonara." Giit ni Susan.
"Wow! Yehey halika na Jane kain tayo ng carbonara!" Aya ni Marsha kay Jane.
Maya maya naman ay kinalabit ni Susan si Daine dahil nagugulumihanan pa ito. "Anak ikwento mo sa akin ang lahat lahat ah.. wala ni isang pangyayari ang hindi mo ikukwento mo sa akin... Syaka paano naging ok si Marsha? Saan kau nanggaling bakit ngayon lang kayo, nakita daw kayo ni aling Konyang sa may.." naudlot na dada ni Susan dahil humawak si Daine sa magkabila niyang balikat.
"Ma chill mamaya ko kukwento ok? Kain na muna tayo, actually busog ako pero carbonara is carbonara." Ani Daine sabay sunod sa dalawa sa hapag kainan.
Napangiti nalang si Susan dahil kitang kita niya ang aliwalas ng mukha ni Daine. Hindi na ito mukhang balisa.
Makalipas ang ilang buwan naging masaya ang lahat. Nagpatuloy sa pagpasok sa school si Marsha at ganoon parin sikat parin siya sa larangan ng spinting. Dumating na sa punto na pinag aagawan na siya nag ibat ibat unibersidad dahil sa galing nito.
At si Daine, nakabalik na siya sa paglalaro ng volleyball pasalamat kay Grace na nabuhos sakanya ang potion nang pagbabalik anyo.
Muling nagbalik ang sigla ng grupo dahil kay Daine. Buo na muli ang kinatatakutang quartet ng volleyball.
Habang nag eensayo. "Daine!" Sigaw ni Gregor kaya naman bumuwelo ng takbo si Daine sabay talon at hampas ng bola.
Nag alala ang tatlo na baka sa paglapat ng mga paa ni Daine ay sumakit ang buto nito sa tuhod kaya naman hinanda na nila ang sarili para umalalay sa kaibigan.
Ngunit paglapag ng mga paa ni Daine ay nakatayo parin ito ng husto. Nagkatinginan ang lahat at kinamusta agad si Daine.
Tulala si Daine dahil wala siyang naramdaman na kahit ano sa ginawa niya, nagbaka sakali lang din talaga siya at sinubukan kung talagang totoong nagbalik na ang tunay na lakas niya. "Ok lang ako? Ok lang ako! Ok na ko!" Sigaw ni Daine kaya naman sinalubong siya ng buong team at kinamayan siya.
Maiyak iyak naman si Takero habang ang dalawa ay nagtatago lamang ng luha. Sobrang saya nila para sa kaiban dahil sa wakas sabay sabay na silang lalaban sa susunod na taon. At muling susungkitin ang titulong ilang taon na nawala sakanila.
Habang si Grace naman ay nag migrate na sa ibang bansa. Nag away sila ng kanyang ina dahil sa pangyayari.
Sa galit ni Gloria kinalaban niya si Yukinana pero hindi ito kinaya ng bago niyang mangkukulam na hinire. At hindi narin niya makanti si Daine dahil sa dasal na gawa ni Yukinana. Protektado ito lalo na si Marsha.
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
RomanceMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.