Kabanata 28: "Woooof!"

21 2 0
                                    

Daine's POV

Sobrang saya lang namin habang naglalaro ng ps5. Dami nang talo ni Takero, eto asar na asar na.

"Daine!" tawag ni mommy habang kumakatok, agad akong tumayo para pagbuksan ito. May dala si mommy na carbonara habang si Marsha naman ay may bitbit na pinggan at mga kobyestos.

"Wow! Maraming salamat po sa inyo!" manghang sabi ni Gregor.

"Walang anuman, Ay sandali kukuha lang ako ng juice." giit ni mommy sabay alis, kaya naman naiwan dito si Marsha at inihain niya sa lamesita ang lahat. Inayos pa niya ng mabuti ang kutsara at tinidor. Mahang mangha naman ang mga kaibigan ko dahil dito.

"Kain na tayo." alok ni Marsha.

"Sasabay ka sa amin?" abot langit na tanong ni Takero, sarap kutusan.

"Daine paabot na nga lang nito." biglang sabi ni mommy kaya naman kinuha ko ang pitsel at mga baso. Ako na ang nag ayos nito sa lamesita.

"Enjoy kayo diyan, puntahan ko lang si Jane ah." paalam ni mommy.

"Salamat po ulit tita." magalang na sabi ulit ng tatlo.

Di naman sinasadya na magkatabi si Takero at Marsha. Actually napagigitnaan namin si Marsha..

Iwas na iwas si Takero dahil nga alam niyang gf ko si Marsha. Hehe... Natatawa nalang talaga ako, ang ganda kasi talaga ni Marsha tila kahit sino maiinlove sakanya.

Kumain kami nang matiwasay habang nagkukwentuhan. Super saya namin as in. Game na game si Marsha makipagburuan sa samin.

Siguro noong aso palang siya gusto na niya makipagkwentuhan nang ganito. Sa bagay pabibo na noon si Marsha pag magkakasama kami. Nakakatuwa lang dahil ngayon nalalaman ko na kung ano ba ang iniisip ng aso ko.

"Ayy parang uulan ata ng malakas ah." Biglang banggit ni Sam kaya naman napatingin ako sa bintana.

"Hala grabe ang dilim naman niyan." usal ko nang makita ko ang kalangitan, halos mag alasingko palang naman ng hapon pero tila alas otso na ang gabi.

"Sabi ni mommy Susan may bagyo, di nga makakapunta ang mga bisita ni Jane." pahayag ni Marsha.

"Patay tayo diyan, kailangan pala namin umuwi." Giit ni Gregor.

"Luh! Ayoko muna umuwi, malapit lang naman ako dito... Tulog nalang kaya ako dito." Ngising sabi nito ni Takero.

"Teka maichat na nga nanay ko." ani Sam kaya naman nagulat si Gregor. "Woy Sam pati ba naman ikaw?!"

"Isang buhos lang naman yan tapos na." pasaway tong si Sam..

"Sabagay, sige na nga ako rin." sang ayon ni Gregor.

Susme tong mga to... "Hoy baka bumaha pano na pamilya niyo doon." I concered.

Natulala sila saglit at napaisip.... "At hanggang kelan naman kayo mag iisip diyan?"

"Ang KJ naman ng panahon! Minsan na nga lang kami makapag bonding di kapa nakisama!" Maktol ni Takero sabay tayo at punta sa bintana. "Hoy ulan! Tigilan mo! Wag kang magcreate ng baha! KJ ka! KJ!! Bwiset!" Sigaw ni Takero. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang kumidlat na may kasamang kulog. Sobrang baba ng kidlat kaya naman tumunog ang sasakyan ko.

Napasigaw kaming lahat, sabay layo sa bintana.

"Oyoyoyoy! Baliw ka talaga Takero!" Sigaw ni Gregor sa gulat.

"Grabe naman." Nangingig na sabi ni Takero.

"Ayan! Ayan kasi pasigaw sigaw kapa, nagalit tuloy sayo." Pagkasabi nito ni Sam ay muling kumulog at kidlat.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon