Kabanata 47 "Kaligayahan"

16 1 0
                                    

Daine's POV

Napabuntong hininga ako at sumimsim ng sariwang hangin. Kasalukuyan akong nasa roof top ng bahay. Grabe hindi ko akalain na magiging ganoon ang pangyayari sa buhay ko. Tila ako pinaglaruan.

Dinadaan ko nalang sa ngiti ang lahat dahil ang importante nalampasan ko ang mga pagsubok na iyon.

Sobrang saya ko na ngayon, sobrang saya! Hindi ko maexplain 'yung saya ko kasi kompleto na ang lahat.

Nakabalik na ako sa sports kompleto ang pamilya ko may mga kaibigan ako na tunay na nandiyan at nagmmaahal sakin. At syempre nanriyan ang aking pinakamamahal na si Marsha.

By the way Marya parin ang name niya sa school hindi na iyon pwede palitan. Pero sa bahay we're calling her Marsha.

"Daine?" Isang malambing na tawag mula sa likuran ko. Kaya lumingon ako at bumungad sa akin ang babaeng napakaganda. Hindi mo aakalain na isa siyang aso noon. Anyway kahit aso si Marsha maganda naman talaga siya.

"Anong inisip mo?" Tanong niya.

"Ikaw." Ani ko kaya naman napangiti siya ng bahagya at napamangot na tila ewan.

"Sus! Muka mo! Tara inakyat ko na 'yung foods natin panoorin na natin yung bagong drama dali!" Masayang sabi nito sabay hila sa aking kamay.

Agad na kami pumasok sa tent at na amazed ako sa nakita ko. "Wow may pa christmas lights ka pa ah."

"Well para romantic." Aniya.

"Romantic? Nakoo baka iba magawa natin dito." Biro ko.

"Hoy! Tumigil ka nga! Utak aso to." Pang asar niya.

Madalas na namin asaran iyon dahil minsan ay mas magaling pa mag isip sakin si Marsha mas ako pa daw nag aso.. walandyo.

"Hoy sino kaya aso satin?"

"Ikaw na!" Giit ni Marsha sabay tawa kaya naman hinaplos ko nang mabilis ang ulunan niya kaya't nagulo ang buhok nito.

"Ayan muka na kong aso! Woof!" Sabi niya sabay kahol kaya naman nagtawanan kaming dalawa. "Manood na nga tayo!" Inayos ni Marsha ang buhok niya at pinindot ang laptop kaya naman nagstart na ang movie na papanoorin namin.

Kapwa kami nakahiga ni Marsha habang nanonood. Sumandal siya sa braso ko kaya naman yumakap ako sakanya. Tulog na naman sina mommy kaya wala nang aakyat dito.

"I love you." Malambing kong sabi.

"I love you too." Tugon niya.

Tumingin siya sakin kaya naman hindi ko na napigilan. I kissed her gently and hug her tight.

"Watch na muna tayo." Aniya kaya naman kumalma nalang muna ako.

Ako na ang pinaka masayang nilalang as in. Pakiwari ko ay nasa akin na ang lahat. May bonus kaming friend na mangkukulam. HAHA! Anyway hindi na siya tumatanggap ng clients. Wala narin ang store niya. Lumipat na siya ng ibang lugar pero hindi naman kalayuan samin. Nag eenjoy nalang siya sa buhay at minsan nanood ng laro namin. Naging close pa nga sila ni mommy, nagmamaretesan tungkol sa nanay ni Grace. Galit na galit si mommy nang malaman ang lahat. Well sino ba naman, nakakanginig ng laman ang ginawa nila sakin, sa amin ni Marsha.

Yumakap ako nang mahigpit kay Marsha habang nanood. Napapikit ako sabay amoy ng kanyang buhok na natural ang amok. Hindi kailangan ng perfume nayan!

Thank God things go back to where they should be.

At wala na akong mahihiling pa.









The End...

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon