Kabanata 25: Mga Tunay Kaibigan!

24 4 0
                                    

Daine Torez, destroys JPSH Volleyball team with 6 aces in a row.

Pahayag dati sa dyaryo ng school. Oo ganyan ako kalupit maglaro ng volleyball. Kaya rin talaga sumikat ang pangalan ko maging sa ibang paaralan. Ito rin siguro ang rason ba't ko napasagot si Grace.

Turning senior high palang ako pero marami nang sumusulat sakin para maging scholar sa magagandang universities.

Sobrang taas nang pangarap ko. Actually may napili na ko sa lahat ng sumulat sakin na university.

Kaso mukang malabo na ang lahat...

Puro pag aaral nalang talaga siguro iintindihin ko.

"Daine..." Tawag ni Takero.

Nagtikim ubo naman si Gregor sabay dantay sa balikat ko. Halos kakatapos lang nila sa pag eensayo.

Oo aaminin ko, sobrang inggit na inggit ako. Pero at the same time proud ako sakanila. Sa totoo lang gusto ko na tumalon at magspike ng bola kanina. Haaays!

Bwisit kasi na tuhod to!!

Napakunot nalang ang noo ko, hindi ako mapagsalita nanaman.

"Daine.." Tawag sakin ni Marsha sabay silip sa akin. Pero lumingon lang ako.

Haaay..

Ang bigat nanaman nang pakiramdam ko. Dapat pala di ko na dinala dito si Marsha, naalala ko tuloy lahat.

"Ah Daine gusto mo kumain sa labas?" Masayang sabi ni Takero, malamang mga nag aalala to sakin dahil sa kinikilos ko. Sorry guys...

Nahampas naman ni Sam si Takero sa balikat. "Baliw ka ba? Alam mo namang di papayag si Grace, baka mag away lang sila pagnakita tayo." Natigilan naman ako sa sinabi ni Sam.

Grace...

Grace...

"Wala na kami ni Grace." Aniko sabay tingin sa tatlong ito.

Halos magkanda ekis ekis ang mukha nila sabay "ANO!!!" Sigaw nila.

"Chill! Wag kayo sumigaw." Sabi na magugulat sila. Well nakakagulat naman talaga, ang tagal din naging kami nun ni Grace. Hindi ko rin expect na maghihiwalay kami. Kasi sobrang mahal ko siya, na kahit mga kaibigan ko pinakikiusapan ko na wag na muna kami magsama sama ba. Haays tanga ko sa part na iyon.

"Kailan pa Daine?" Tanong ni Gregor na di ko malaman kung nalulungkot ba or masaya.

"Sh*t tol seryoso ka? Pero sana totoo!" Ani Takero kaya naman kinalabit siya ni Sam.

Napangiti naman ako at ayun hindi ko napigilan natawa na ko. Kaya naman nagtaka sila sakin.

"So ibig sabihin?" Dagdag ni Sam.

"Totoo!!" Sigaw nilang tatlo na sobrang saya na kala mo nanalo sa video game.

"Oo nga wala na kami." Muli kong sabi kaya naman sobrang natuwa sila. Halos yakap yakapin na ako ni Takero.

"Diyos ko mahabaging langit! Lord salamat ginising niyo na ang kaibigan namin!" Wika ni Sam

Haaay talaga naman, hindi ko expect na lahat pala sa paligid ko ayaw kay Grace para sakin.

"Nakoo kailangan natin magcelebrate." Giit ni Takero.

"Hoy teka lang hinay hinay lang tayo. Pero Daine, ok ka lang? Sorry kung masaya kami sa break up niyo. Pero... Baka mamaya naiinis ka samin ah." Ani Gregor..

"Ok na ko wag kayong mag alala, makakabawi na ako sa inyo." Giit ko kaya naman lalo sila natuwa at kinamayan pa ko at sinabihan ng "Congratulations." Mga hayop talaga.

Napatingin naman ako kay Marsha na sobrang saya lang habang pinagmamasdan kami.

"So pwede na kami pumunta sa inyo?" Giit ni Takero.

"Oo naman gusto niyo punta tayo ngayon sa bahay." Tugon ko.

"Yes! Namiss ko bahay niyo lalo na si Marsha, kamusta na siya?" Dagdag ni Takero kaya naman napatulala kami ni Marsha.

"Ah eh... Ano." Tanging nasabi ko.

"Ah hiniram si Marsha ni Josh hehe." Giit ni Marsha sabay lunok.

"Ay ganon, sayang naman may regalo pa naman ako kay Marsha. Sobra kasi iyong nagawa ni mama na order, ayun bigay nalang namin yung damit. Iaabot ko sana kagabi kaso baka mamaya nasa paligid lang si Grace hehe." 

Gumagawa kasi ng damit ng aso ang mama ni Takero. Iyon ang libangan ni tita and the same time business narin. Lumalago na nga ang negosyo niya na iyon.

"Talaga ba salamat!!" Masayang sabi ni Marsha sabay hawak sa magkabilang balikat ni Takero. Halos manlaki ang mata ni Takero dahil sobrang lapit ni Marsha sa mukha niya, kaya naman agad kong hinila tong babae na to.

"Pasensya na." Aniko, agad kong dinilatan ng mata si Marsha para marealize niya, kaya naman bigla siyang natauhan.

"Ay ano.. Sorry.. Ahaha.. Hindi kasi, gustong gusto kong bi-bi-bihisan si Marsha ang cute cute niya kasi diba, Daine." Nauutal nitong sabi.

"Ahh ahehehe oo." Tanging nasabi ko.

"Teka Maria taga saan ka pala." Tanong ni Gregor. Kaya naman agad akong sumabat..

"Samin siya nakatira... Kasi pinalayas siya sa apartment na tinitiran niya wala na siyang magulang kaya kinupkop namin siya."

"Oh? Buti pumayag si tita Susan?" Dagdag pa ni Gregor.

Ayay.. At eto nanaman ako sa kwentong barbero... haaay.. 

Bahala na ito nalang sasabihin ko.

"Ah oo naman... Ano ahh kasi kaibigan ni mama yung nanay ni Maria na namatay. Eh dahil nga... Ano.. Wala siyang mapupuntahan, pinatira muna siya samin." Napakamot nalang ako sa ulo at ngising ewan. 

"Ahhhh... Ok." Anila.

Natulala naman ako kay Takero na nagnining ang mga mata at biglang sumiksik sa pagitan namin ni Marsha.

"Alam mo Miss. Maria malaki rin ang bahay ko. Mabait din parents ko, promise mas maalagaan ka namin ng maayos, dun ka sa kwarto ko matutulog at.." Naudlot niyang sabi dahil sinakal ko lang naman pero di naman ganun kasakit.

"Ba't mo ginawa iyon!" Pikon na sabi ni Takero sabay sampal sakin. Kaya naman pumagitan na agad si Sam at Gregor. Nagkairingan nanaman kami, namiss ko rin tong bangayan, awayan at sapakang magkaibigan namn ni Takie. Kami talaga madalas ang mag away kasi hilig ko rin siya asarin. Pikunin kasi, comedy hahahha!!

"Ammn wag kana magalit kay Daine Takero please!" Malambing na sabi ni Marsha kaya naman biglang kumalma tong babaerong si Takero na walang babae.

"Opo Miss. Maria." Maningning nasabi nitong si Takie.

"Ok tara na sa bahay." Ani Marsha.

Huh? Linya ko yan ah! 

"OK!" Sigaw ni Takero.

Nagkatinginan nalang kami nila Sam at Grego. Natawa nalang kami dahil ang taas ng energy nitong si Takie. 

"Siya tara na." Giit ko.

"OK." Anila.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon