Kabanata 27: Carbonara

19 3 0
                                    


Pagkababa ni Marsha, agad akong hiniklat ni Sam habang si Takero naman ang nagsara ng pinto. Naupo kaming apat sa sahig na tila mag spirit of the glass.

"Ano nanaman... " Nanghihinang sabi ko.

"Pasensya kana, nagulat lang talaga kami.." Ani Gregor.

"Sorry Daine." Magkasunod na sabi ni Sam at Takie.

"Pasensya narin kayo, sasabihin ko rin naman.. Talagang napakabilis lang nang mga pangyayari."

"Haaay wag ka na ngalang mag explain." Giit ni Gregor.

"Tama maglaro nalang tayo, dapat mag enjoy tayo. Iyon naman ang goal kaya tayo nandito diba." Seryosong sabi ni Sam.

Napangiti nalang ako sakanila kaya naman nagngitian din sila. "Ok game!"



Marsha's POV

Wow! Nakakatuwa naman ang mga nangyayari ngayon!

Nandito na ang mga kaibigan ni Daine, wala nang mas sasaya sa araw na ito! Tapos ang saya saya pa namin ni mommy Susan. Tanggap na niya ako!

"Maria bantayan mo lang ang pasta ah, pagkumulo tawagin mo ako.. Sagutin ko lang ang telepono." Giit ni mommy Susan.

"Opo." Aking tugon.

Antayin kumulo, antayin kumulo. Paulit ulit kong sabi sa aking isipan habang nakatitig sa pasta na nakalubog sa tubig. Ang galing ang dami kong natututunan sa pagiging tao.

Sa totoo lang parang biglang lumawag ang espasyo ng isip ko. Tas parang nagliliwanag lahat. Hindi ko alam pero ang bilis ko magets lahat nang sinasabi nila at tinuturo sakin. Tama si Daine matalino nga ako! Hihi.

Antayin kumulo, antayin kumulo...

"Ay ganun ba mare." Ani mommy Susan. Nakoo di dapat ata ako makinig. Kaso anong gagawin ko? Dinig na dinig ko parin kahit ang hina at ang layo niya sakin. Pero mas ok naman siguro to na hindi nawala ang malakas na pandinig ko at pang amoy.

Tulad kanina, siguro kung di matalas ang pandinig ko malamang inaway na nila nang inaway si Daine.

"Ay sayang naman mare.. Inaantay pamandin kayo ni Jane." Hala wag mong sabihin hindi makakapunta sina kambal dito? Sayang naman, nakoo malulungkot si Jane. Syaka gusto ko pamandin makita ang kacutan ni Scarlet at Zia. Pero bakit kaya di sila matutuloy?

Hmmmn....

Ang tagal pala mumulo nito...

Sniff sniff ay ayan na! Nakikita ko na naunti unti tumaataas iyong bula! Wow!! Ang galing nakakatuwa naman!!!

Ang saya ko! Espesyal ang araw na ito dahil tumulong si Marsha sa pagluluto ng carbonara! Ang galing ko!

Teka ano palang gagawin ko..

Kumukulo na to, tapos? A-ano na mangyayari?

Kaya naman agad kong pinuntahan si mommy Susan na sobra kung makahalakhak ngayon.

"Ammn tita kumukulo na po." Marahan kong sabi.

"Hah? Ay patayin mo na kalan." Tugon ni mommy Susan na kinagulat ko. Nagpatuloy lang siya sa pakikipag usap sa telepono sabay tawa nang napakalakas.

Papatayin?

Papatayin ko ang kalan?!!

HALA!!

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon