Sobrang saya namin dahil sa pagkapanalo ng campus namin, medyo nagkainitan ang ibang nanonood dahil may ibang bully mula sa amin. Mga mokong talaga, pinalayas tuloy sila.Anyway kumakabog nanaman ang dibdib ko dahil sa second category, ang 100 meters. Si Marsha kasi ang pambato for women. Buti una muna ang lalaki na lalaban, makakapag pahinga pa si Marsha.
Hinanap ng mga mata ko si Marsha... nasan kaya siya? Napatingin ako malapit sa tapat namin at naroon siya at kumakaway. Agad ako bumaba dahil tinatawag niya rin ako.
"Daine! Nakita mo ba ako kanina?!!" Masaya niyang sabi paglapit ko.
"Oo! Good job Marsha sobrang galing mo!" Proud kong sabi sabay hawak sa dalawang kamay niya. "After ni Joross ikaw na ang susunod diba?" Tanong ko.
"Ah opo." Kanyang tugon.
"Galingan mo ah wag kang kakabahan, focus ka lang sa lane... ok." Aniko sabay tingin sa mga mata niya kaya naman naging seryoso ang tingin niya at naging mas determinado.
"Salamat Daine."
"Yup akyat na ko galingan mo mamaya."
"Panoorin mo ulit ako ah."
"Opo nandito lang ako." Pagkasabi ko nito'y niyakap ako ni Marsha. Nagulat ako dahil maraming tao roon, mabuti nalang busy ang lahat dahil sa mga unang lalahok. Yumakap nalang din ako sakanya sabay tap ng palad ko sa ulunan niya. "Kayang kaya mo yan."
"Marya!" Tawag ng coach nila kaya naman nagtanguan nalang kami ni Marsha. Kitang kita ko sa mga mata niya ang fighting spirit ng isang athlete. Malaki na talaga ang pinagbago niya. Hindi ko lubos maisip na isang aso ang babaing ito.
Napatingin naman ako sa track dahil sa pagputok ng pistol. Umakyat na ako agad sa pwesto namin para matanaw ko ang laban. Hala... nahuhuli ang pambato namin.
"Go Joross!" Sigaw ko... ngunit sa kasamaang palad hindi nanalo ang pambato namin, masyadong mahahaba ang biyas ng taga ibang campus. Ok lang yan may 200 meter men pa mamaya bawi nalang.
At ayon na nga si Marsha na! Juice colored! Ako kinakabahan para sakanya, pero sure akong mananalo talaga siya. Bakit ba ako ang natetense? Halos manlamig ang palad ko, parang ako ang sasalang ah.
Isa isang pinakilala ang mga sasabak para sa women's 100 meter sprint. In fairness ang gaganda nila at ang tatangkad, puro mahahaba ang legs ng mga taga ibang campus talaga. Masasabi kong iyon ang lamang nila kay Marsha.
"Makulimlim ah." Biglang sabi ni mommy kaya naman napatingin ako sa kalangitan. Oo nga medyo makulimlim, ok din iyon para hindi masyadong sunog si Marsha.
Pinapwesto na ang mga lalahok sa kanya kanya nilang lane, nakakatuwang pagmasdan si Marsha, determinadong diterminado talaga sya. Nakikita ko ang sarili ko kung paano ako mag concentrate. Napatingin naman ako sa lalaking nakahawak sa pistol at anytime papuputukin na nya ito hidyat ng race.
Tahimik ang lahat dahil nakaabang sa hudyat, napapalunok ako. Ang intense naman! Damang dama ko ang mga kababaihan na ito. Wala sakanila ang idea na matatalo sila, iba ang tinginan nila, nakakatakot! Sports to hoy! Mga babae nga naman oh.
"Ready, set." Napalunok muli ako dahil ayan na!
Boom!
Pagputok ng pistol ay humarurot agad sila ng takbo, Go Marsha....
Teka parang may mali... Kakaiba ang dilim ng kalangitan.
Hindi maganda ito...
Kumabog ang dibdib ko dahil sa narinig kong kulog medyo malapit sa lugar namin.
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
RomanceMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.