"Whaaaaaaa!!" Sigaw na malakas ni Jane kaya naman napatayo ako, pero dahil nadulas ako sa kumot napadagan ako kay Daine dahilan para magising sya."Aaawtss! Aray ko! Ang bigat ano ba to?" sambit ni Daine habang nakapikit pa ang mga mata. "At bakit ka naman sumisigaw dyan Jane... Huh?" Ani niya habang unti unting dinidilat ang kanyang mata, at nang tuluyan na nya akong makita.
"Wooooof!" ani ko kay Daine.
"AHHHHHHH!! SI...SINO KA?!!" Sigaw niya sabay bangon at layo sakin.
Agad naman akong tumayo sabay harap sa kanila..
"Waaah! Miss magbihis ka please!!" Sigaw ni Daine sabay takip sa mata ni Jane habang sya ay lumingon lang kung saan.
Huh? Magbihis? Ako? Huh? Teka bakit? Tila sila mga nanginginig dahil sakin. Teka ano bang nangyayari? Pero ang kamay ko bakit ganito? Waah!! Ang mga paa ko bakit? Huh? Yung dibdib ko parang katulad kay mommy!! Ano bang nangyayari? Natatakot na ako! Kaya naman agad akong pumunta kay Daine niyakap ko sya nang mahigpit.
Daine's POV
"Waaah! Miss lumayo ka sakin parang awa mo na! Magbihis ka wag mo akong yakapin.. Maawa ka!" Sigaw ko dahil sa sobrang hiya. Grabe ngayon lang ako nakakita ng babaeng hubad sa tanan ng buhay ko! Ok lang siguro kung dalawa lang kami pero nandito ang kapatid ko! Hindi nya ako pwedeng makitaan nang kahit anong bahid! "Miss doon ka!" Giit ko sabay tulak sakanya kaya naman humagis sya.
Hala! Napalakas ata... Parang maiiyak na sya.. "Sorry Miss.. Hindi ko sadya nagulat lang ako." Pero ang cute niya syaka ang kinis.. Pero sino ba tong babae na to?
"Woooof.. Wooof.. Woof." Mga huni nya.. Huh? Bakit para syang aso magsalita.
"Kuya? Hindi kaya?" Ani ni Jane sabay lapit sa babae. Kinumutan nya ito sabay haplos sa noo nito. "Marsha?" muling sabi ng kapatid ko.
"Huh? Ma.. Marsha?" Gulat na reaksyon ko. Teka hindi? At papano naman mangyayari yon? Imposible.. Huh? Marsha! Wala sa paligid ko si Marsha kaya naman hinanap ko sya sa buong bahay, at dahil wala akong nakitang kahit anong bakas ng aso ko bumalik ako sa kwarto.
"Kuya siya si Marsha." Ani ni Jane na kinahilo ko.
"Pano mangyayari iyon Jane? Imposible yon!" Giit ko sabay tingin sa babae na ngayon ay iyak nang iyak.
"Marsha don't cry..." Ani ni Jane sabay haplos sa ulo ng babae.
"Wooooooooooooofff." Ani ng babae kaya naman nagtaka na ko. Kaboses nga nya si Marsha!!! Pero hindi ehh pano iyon nangyari??
"Naniniwala ka Jane na si Marsha to?" Tanong ko sa kapatid ko dahil hindi ako makapaniwala!!!!
"Oo kuya tignan mo tong kuko nya diba. Sakin tong nail polish nato ako nagdesign." Sambit ni Jane na kina wirdo ko..
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
RomanceMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.