Pagkarating namin sa bahay, natulala kaming lahat kay Marsha dahil tinutubuan nga siya ng mga balahibo sa buong katawan.
Nasa gilid lang si mommy at takot na takot.
"Daine! Si-sino ba talaga ang babaeng iyan!?" Ani mommy habang yakap nang mahigpit si Jane.
"Mommy wag ka po matakot sakanya!" Giit ni Jane.
"Pa-paanong hindi ako matatakot?! Tila siya aswang! Taong aso!" Giit pa ni mommy.
Pulang pula si Marsha at tila nanghihina, anong gagawin ko?! Bakit ito nangyayari. Hindi kaya sa gamot?
"Dalin natin siya sa ospital Daine!" Giit ni Sam.
"Hindi pwede baka kung anong gawin nila kay Marsha."
"Sa vet?" Muling sabi ni Sam.
"Lalo na!"
Napaluhod ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin, awang awa ako kay Marsha.
Bahala na!
"Tulungan mo ko Sam dalin natin si Marsha kung saan pwede!" Agad naman ako tinulungan ni Sam na buhatin si Marsha papuntang sasakyan. Hinang hina ito at mainit, mukang nilalagnat siya.
Pinagbihis ko siya nang mahabang jacket nang sa ganoon ay di makita ang mga balahibo niya sa buong katawan.
Muli akong pumasok sa kwarto para kumuha ng mask dahil ang chin palang naman niya ang may balahibo.
"Daine! Ano bang nangyayari anong Marsha ang sinasabi mo?!" Tanong ni mommy na kinagulo lalo ng isip ko.
"Ma syaka ko na i-eexplain pag uwi, basta ako nang bahala dito." Giit ko sabay lakad paalis.
Si Sam muli ang nagdrive para sa akin mabuti nalang may karamay ako ngayon.
"Ano tol saan natin dadalhin si Marsha?" Tanong niya na hindi ko maisip ang sagot!
"Tol sa totoo lang hindi ko alam!" Giit ko.
"Daine sobrang init ng katawan ko." Nanghihinang sabi ni Marsha. Awang awa ako sakanya sobra!
"Daine nandito na tayo sa vet! Ano? Pano ba?" Ani Sam na nataranta narin.
"Sa laki niya tol baka matakot lang mga doctor sakanya." Giit ko.
"Kaya nga eh.. shocks pano ba?!" Halos mapalamukos si Sam sa mukha niya.
"Ano kaya kung hingi nalang tayo ng gamot para sa lagnat ng aso." Suhestyon ko.
Nagkasundo naman kami ni Sam kaya't bumaba kami at nagtanong. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng clinic.
Isang babae ang nasa reception area, ngumiti ito agad sa amin, agad ko naman sinabi ang pakay ko. "Ma'am pwede po makabili ng gamot para sa lagnat ng aso syaka sipon?" Aniko.
"Nasan po ang alaga niyo? Para macheck po muna natin siya." Ani ng babae.
"Ah.. ano po eh.. na-nasa bahay." Dahilan ko.
BINABASA MO ANG
The Dog Lover
RomanceMahilig ka ba sa dogs? What if pagkagising mo nawala nalang bigla ang pinakamamahal mong alaga, ano ang gagawin mo? "Marsha! Marsha nasan ka?!" "Woof!" "What the?! Sino ka?!" sigaw ni Daine ng makita ang babaeng kumakahol sa tabi niya.