Kabanata 10

155 14 3
                                    

"Believe"

Daine's POV

Habang kumakain ay nakatingin lang ang peripheral vision ko kay Marsha. Oobserbahan ko muna siya kung totoo ba talaga.

Patingin tingin lang siya samin at sa pagkain niya..

Patingin tingin lang siya samin at sa pagkain niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ahh kain kana hija." Ani ni mommy sabay ngiti sakanya. Kaya naman tumango lang ito at ngumiti sabay titig ulit sa kutsara at tinidor.

Napatingin naman ako kay Jane na kasalukuyan ding nakatingin kay Marsha.

"May problema ba?" Tanong ni mommy sabay inom ng tubig.

"Wa.. Wala po mommy." Giit ni Marsha na tila kabado.

"Are you sure?" Muling tanong ni mommy kaya naman kinabahan na ako.. Di kaya hindi lang sya marunong humawak ng spoon at fork?

"Opo hehe.." Ani Marsha sabay hinga nang malalim, kanyang hinawakan unti unti ang kutsa at tinidor. Nanlaki ang mga mata ko dahil HINDI NGA SYA MARUNONG HUMAWAK!

Sa kasamaang palad nabitawan nya ang kutsa at tinidor. Nahulog ito sa lapag kaya naman itoy kanyang dinampot. Ngunit dumulas lang ito sa kanyang kamay at pilit na sinalo.

At sa kasamaang palad ulit, kada kuha niya ng mga ito ay syang dulas lang muli. Tila tuloy sya nagsisirko kakasalo ng kutsara at tinidor.

Halos mahilo kaming tatlo sa pinag gagagawa nya. Gusto ko man syang tulungan pero hindi ako makagalaw.

Hanggang sa tumunog nalang ang telepono na kinagulat namin. Nahulog na nya nang tuluyan ang spoon at fork..

Haaaay.. Ano bato..

"Aaahh.. Sasagutin ko lang hah.. Excuse me.." sambit ni mommy na tila naguguluhan. Napatingin nalang ako kay Marsha na ngayon ay nakatingin lang sakin na tila maamong tuta.

"Ahh Marsha akin na kamay mo." Ani ni Jane sabay dampot ng spoon at fork. "Ganto paghawak nyan." Ani nya sabay lagay ng spoon at fork sa kamay niya. "Sige try mo."

At sinubukan nga ni Marsha na kumain gamit ang spoon at fork. Ngunit sa kasamaang palad nanaman ay nagkanda tapon lang ang pagkain nito.. Halos magkanda kamot nalang ako sa ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin.

"Siguro akyat nalang muna tayo sa taas." Sabi ko na kinagulat ko rin.

"Tama kuya sabihin ko nalang kay mommy na masama pakiramdam ng girlfriend mo." Sabi ni Jane na kinalaki ng mata ko. Anak ng teteng haaaay!! Hindi ko sya GIRLFRIEND!!!

"haaay nakoo!! Siya tara na sa taas." Ani ko sabay tayo kaya naman sumunod na lang sya sakin.

Umakyat na kami sa taas at nang papasok na kami sa kwarto ay tila ako kinabahan dahil kahit kelan hindi pa ako nagpapasok ng babae dito!!

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon