Kabanata 1

365 20 7
                                    

"Wof! Wof! Wof!"

Marsha's POV

Ito nga pala si Daine ang poging pogi kong amo! Ang cute niya sa picture na to no?! Hihi. ^^

Napakahilig niya sa music lalo na sa mga kanta ni Ed Sheeran, Pentatonix at ano nga ba yun? Ahh! Kanta nang mga 90's! Mga tipong Westlife, Backstreet boys, Nsync

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakahilig niya sa music lalo na sa mga kanta ni Ed Sheeran, Pentatonix at ano nga ba yun? Ahh! Kanta nang mga 90's! Mga tipong Westlife, Backstreet boys, Nsync.... Hindi ko na maalala yung iba, basta! hehe! Impluwensya rin kasi ni mommy Susan na mahilig talaga sa mga ganong tugtugan. Mga bata palang kami.. Ay este! Bata sya at tuta palang ako, yun na ang lagi nyang pinapatugtog. Kaya naman hanggang ngayon yun parin ang tugtugan sa bahay. Masaya! hihihi!

At yun na nga! Magpapatugtog na si mommy Susan! Mag lilinis na kasi sya, kakaalis lang ng dalawa papuntang school.

"Everybody ahh! Rock your body ahh! Everybody ahh! Rock your body ah! Backstreet's back alright!" buong giliw na kanta ni mommy Susan habang hawak ang walis tambo na nakatapat sa kanyang bibig.

Habang ako... ^^

"Wof! Wof! Wof! Wof." Kanta ko..yeah! Galing ko kumanta no?! Haha... Tumayo ako at nagpaikot-ikot, sarap talaga sumayaw! Yeah!

"Sige lang Marsha! Sayaw pa giling-giling! Haha! Wooh!" sigaw ni mommy Susan habang kumikendeng.

Hahaha! Sarap nang gantong feeling! Natapos namin ang kanta nang puro pagsasayaw lang ang ginawa.

"Haay nakoo! Haha wala akong magagawa nito Marsha eh! Haha sige, dyan ka lang ahh! At sisimulan ko na ang paglilinis."

Ok! Dito lang ako at makikinig ng music. Haay ang ganda ng tugtog. Napapapikit nanaman ako. Kung kanina kasi nakakaindak ang tugtog, ngayon naman ay para kang pinaghehele sa ganda ng boses nitong kumakanta. Makadapa nga, ay tihaya nalang...

Kamusta na kaya si Daine? At ska si Jane? Namimiss ko na agad sila kahit kaaalis lang nila. Makabangon nga! Haay!

Pumunta ako sofa, tumungtong ako rito sabay tanaw sa labas. Sinandal ko ang aking baba sa bintana, napapaisip lang ako... Ano kayang meron sa labas? Bakit kailangan pa umalis ng mga tao sa bahay?? Ehh masaya naman dito! Syaka bakit ba kailangan pumasok sa school?

Ano bang meron dun?

Sana hindi nalang sila umaalis, sa totoo lang sobrang lungkot ko lalo na kapag umaalis silang lahat at hindi ako sinasama. Sabi kasi ni Daine bawal daw, kung pwede nga lang daw ako isama bakit hindi? Nga naman, sana kasi sa lahat ng lugar pwede kaming mga aso. Ang daya talaga! Hmmn. Yung iba kasi naiirita samin, hindi daw makahinga dahil sa balahibo namin. Nakakalungkot lang talaga.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon