Kabanata 31 "Perfume"

15 1 0
                                    

Pagdating ng hapon...

"Daine anak." aalis na mga kaibigan mo.

"Po?" ani ko habang pupungas pungas.

"Grabe haba ng tulog mo Daine." sabi Marsha habang nagtitilop ng mga damit.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"Ala una na anak nasa baba na sina Sam nakakain narin sila." sabi ni mama.

"Ba't naman di niyo ako ginising kanina?" aniko.

"Eh ayaw ka na daw nila istorbohin, ako nalang nanggising sayo syempre mga kaibigan mo iyon." giit ni mama.

Kaya naman nag inat inat na ko para makapag paalam manlang sa mga kaibigan ko. Tumayo ako at lumapit kay Marsha. "Tara hatid natin sila." aya ko sakanya sabay abot ko ng aking kamay kaya naman humawak siya rito.

Napatingin naman ako kay mama na tila natulala sa amin.

Magkahawak kamay kami ni Marsha habang pumapanaog. Sakto naman nakita kong nagsusuot ng sapatos ang tatlo.

Napataas ang kilay ni Takero habang nakatingin sa kamay namin ni Marsha. "Oy Daine." maktol nito.

"Oh bakit?" aniko sabay dila kay Takie.

"Takie wala ka namang magagawa siya parin ang nagmamay ari kay Marsha." ani Sam sabay takip sa bibig niya at tingin sa paligid.

Napangiti naman ako dahil kahit kailan maasahan talaga ang mga kaibigan ko. "Salamat sa inyo ah, kayo na ang bahala samin sa school kailangan na kailangan ko rin talaga kayo." nagfist bump naman kami tanda nang kasunduan.

"Naman." nakangiting sabi ni Takie habang ang dalawa ay patango tango lang.

"Alis na kami tol nagmamaktol na nanay ko." giit ni Sam.

"Sige ingat kayo." ani ko at hatid sakanila sa gate. Nakahawak parin ako sa kamay ni Marsha.

Nang medyo makalayo sila'y ikinaway naman ni Marsha ang isa niyang kamay bilang pamamaalam sa tatlo.

"Kitakits tayo sa school Marya my labs!" sigaw ni Takie kaya naman natawa nalang ako.. As if naman na maagaw niya sakin tong si Marsha loko talaga.

"Daine." tawag ni Marsha sabay dantay sa balikat ko. Napatingin ako sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Salamat ulit namiss ko na ganito ka sakin eh, 'yung buong buo 'yung love mo." aniya.

"Sorry Marsha pasensya na talaga."

Natawa naman si Marsha at sabing " Wala iyon." Heh ang cute niya, napatingin naman ako sa kabilang side ng kalye at natanaw ko na may mga nakatingin pala sa amin. Tsk mga marites nanaman to.

"Pasok na tayo Marsha sa loob."

"Ok po amo!" aniya ng sobrang saya, bumitaw siya sakin sabay takbo papasok ng bahay.

Natawa nalang ako dahil ugaling aso niya iyon.

Sana lang talaga maging ok ang lahat.. Sana talaga! Lord help!!

****

Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos ang lahat. Walang naging problema si Daine kay Marsha dahil narin sa talino nito. Madali siyang nakapag adjust sa mundo ng mga tao. Dahil dito ay naging tanyag siya sa school dahil narin sa aking ganda niya. Halos naungusan na niya talaga si Grace.

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon