Kabanata 6

174 15 1
                                    

"Hilo"

Pag uwi namin sa bahay ay bigla akong nakaramdaman nang kakaiba.

Parang nahihilo ako...

Kaya naman tila pagewang gewang na lakad ko pagtungtong ko sa loob ng gate. Napatingin ako kay Daine at napansin ko na parang lumalabo sya.

"Marsha? Are you ok?" Sambit ni Daine nang makarating kami sa loob bahay... Sa totoo lang hindi ako ok, nahihilo ako na parang nasusuka. "Mom! Parang may sakit si Marsha! Naduduwal sya!"

"Huh? Bakit anong nangyari? Baka naman may nakain na hindi maganda? Sige saglit lang." Hmmmn??? Wala naman akong nakain na hindi maganda lahat nga masarap ehh lalo na yung softdrinks na ininom ko..

Softdrinks??

Hmmn??

Baka naman??

Hala!

Baka bawal sakin yun!!!!!

Nakoo lagot mamamatay na ata ako!! Huhuhu! Parang babagsak na katawan ko. Kaya naman napabigla akong upo habang papikitpikit.

"Marsha? What's happening?? Hey! Marsha!" Sigaw ni Daine habang tinatapik ako.

Grabe nahihilo na talaga ako huhu.. bakit ganito?

Lord?? Now na ba Lord?? Teka bakit ngayon pa po?? Huhuhu kung kelan ang sweet na ulit ni amo sakin syaka naman ganito?

Kasi naman ikaw Marsha ang siba mo ayan tuloy napala mo! Whaaa! Mamamatay na ko!!

"Woooooooooof!!" Ungol ko sabay tihaya sa sahig at labas ng dila with matching tirik eyes.

"Ohh! No! Marsha! Ma!!!" Sigaw ni Daine sabay buhat sakin papunta kay mommy Susan na kasalukuyang nasa kusina para kumuha ng warm water.

"Nak bakit anong nangyayari?!!" Natatarantang giit ni mommy habang hawak ang tubig sa palanggana.

"I don't know mom! Bigla nalang syang naging ganito!"

"Marsha! Ohh please wag kang titingin sa liwanag! Ibaba mo muna sya anak at mapunasan." Sigaw ni mommy kaya naman sinunod ni Daine ang utos nito at inihiga ako sa sahig.

Ngunit sa kasamaaang palad ay inatake ng rayuma si mommy Susan kaya naman nabuhos nya sakin ang maligamgam na tubig!

"Marsha!" Sigaw ni Daine at mommy.

Waaa!!!!! Woooooo!! Medyo mainit masakit aray!! Huhuhu nahihilo na nga ako napaso pa! Ano ba namang kamalasan to!

Yung feeling na napabangon ka sa init sabay takbo sa cr!

"Wait Marsha!" Sigaw ni Daine sabay habol sakin.

Halos matulala si Daine na makita ako sa bathub kaya naman alam na nya ibig sabihin nun.. I NEED COLD WATER!!

Buti nalang ehh matalino tong amo ko binuksan na nga nya ang gripo so agad kong sinalo ang malamig na tubig.

Maya maya naman ay narinig ko ang paglakad ni mommy Susan. "Ohh Marsha baby...I'm so sorry pasensya na."

Haaay kung di lang kita love mommy kinagat na kita ehh! Hmmn! Kaloka!

Haaay ang sarap sa feeling... makahiga nga wooo!

"Marsha are you ok?" Tanong ni Daine sabay haplos sa akin.

Haaay eto nanaman yung pakiramdam na to nahihilo nanaman ako. Maya maya naman ay napapikit na ako. Hindi ko maintindihan pero hindi ko na maidilat ang mga mata ko, naririnig ko lang sila.

"Marsha? Marsha? Marsha!!! Mommy dalin na natin sa Vet to!" Giit ni Daine na alalang alala ang boses.

"Ok sige tara na!" Ani ni mommy kaya naman naramdaman ko na binuhat na ako ni Daine.

"Hey what's going on?" tanong ni Jane nakagagaling lang ata sa kalaro.

"Just stay here honey saglit lang kami ok." bilin ni mommy Susan at maya maya naman ay narinig ko na ang pagsara ng pinto ng sasakyan.

Nakooo! Isusugod na nila ako kay doc! Oww no!! Huhuhu. Karayom nanaman!

Ang dilim! Bakit ba hindi ko madilat tong mga mata ko? Hindi rin ako makapagsalita? Ano bang nangyayari? Kukunin mo na ba talaga ako Lord?

Haaay sige na nga kung ito na po yung time ok lang po, basta ang importante napasaya ko ang mga taong binigay nyo po sakin. Iyon naman po talaga ang mahalaga diba? Ito naman po talaga ang misyon ko?

Maraming salamat Daine sobrang maraming salamat. Mahal na mahal kita, sayang nga lang at hindi ko masabi sayo ang salitang iyon kasi hindi ko kaya. Pang aso kasi ang salita ko. Kung nakakapag salita lang sana ako.

Lord salamat din po ahh kasi napaka bait nyo po sakin at sila ang pamilyang binigay nyo sakin. Napakasaya ko po na sila yung nakasama ko sayang nga lang po at hanggang dito nalang.

Lord kayo na pong bahala sa kanila ah! Kayo na po magsabi na mahal na mahal ko sila. Sobrang mahal..

"ANO BA NAMANG TRAFFIC TO! Oh oh!" Sigaw ni mommy na kinagulat ni Daine kaya naman nahulog ako!!

"Ma ano ba! Nahulog tuloy si Marsha!" Ani ni Daine!! Susme! Ano ba namang mag ina to?!! Yung totoo? Bubuhayin nyo ba ako oh padadaliin nyo buhay ko?

"Ano kaba anak hawakan mong mabuti yan! Relax ka lang naginginig na yang kamay mo." Ani ni mommy Susan. Oo ganyang talaga si Daine pagnatataranta nanginginig kaya nga minsan ako kumakapit sakanya ehh. Kaso ngayon wala ehh tila ako stoke na hindi ko maintindihan.

"Mommy bilis po." nanginginig na boses ni Daine.

"Eto na anak don't cry saglit nalang." Ani ni mommy at maya maya naman ay bigla sila tumahimik mag ina.

Ang tanging naririnig ko nalang ay ang tunog ng mga sasakyan at ang pag ikot ng gulong. Wala rin akong maamoy haaay this is the end!! Huhuhuhuhu!!

At paglipas ng ilang oras...

"Dito na tayo." Ani ni mommy kaya naman agad na binuksan ni Daine ang pinto sabay takbo. At maya maya naman ay narinig ko na ang mga boses ng mga doctor ko.

"Anong nangyari?" Tanong ni doc Ami.

"Doc..." Naudlot na sambit ni Daine at maya maya naman ay wala na akong marinig na kahit ano maging ang mga nasa labas.

Wait? Hindi kaya??

Huh? Ohh! No!

Hindi pwede to!

Huhuhuhu!

Pero may nararamdaman pa naman ako nararamdaman ko lang naman na may tinusok sakin. Masakit ahh!

Hala namamanhid naman ako ngayon.. huhuhuhu!

Wahhhhhaaaa! Lord!


The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon