Kabanata 18: Epic

28 5 0
                                    

Marsha's POV

Hala.. Totoo ba to si Daine nakangiti na sakin.

Haha sobrang saya ko!

Ang sarap sa pakiramdam, sobrang saya. Hinaplos pa niya ang noo ko, feeling ko lumilipad ako.

Huh?! Sino yun?

Sniff sniff amoy iyon ni mommy Susan!

Hala pumasok na sila sa loob ni auntie Lerma. Hala kailangan ko sila salubingin!

"Teka lang Daine sasalubungin ko lang sila." masayang sabi ko kay Daine sabay karipas nang takbo.

"Hah ano? Sandali Marsha saan ka pupunta!" sigaw ni Daine.

Yes nandito narin si Mommy Susan, bakit kaya ngayon lang siya umuwi?

Hehe bahala na sigurado matutuwa sila pagsinalubong ko sila.

Ang saya ko talaga ngayon!!

Daine's POV

Nakoo po! Bakit ba kumaripas agad tong si Marsha ano kayang meron.

Oh hindi!

Sina auntie!

"Teka Marsha! Wag kang padalos dalos!"

Agad ko nalang hinabol si Marsha sa baba, panigurado sasalubungin niya sila. Sana naman walang mangyaring di maganda.

At pagdating ko sa sala nakita ko si Marsha na tuwang tuwa sa pagdating nina auntie.

Teka wag kang yumakap sakanya!!

"Marsh!!" naudlot kong sabi sabay takip sa aking bibig. Nakoo po Marya nga pala.

"Sandali wag." papahinang sabi ko..

Patay nakayakap na ngayon si Marsha kay auntie.. Nakoo naman.

Natulala nalang si mommy kay Marsha lalo na si auntie!!

Napalunok nalang ako, di ko alam ang gagawin.. Pano ba ang wierd nang feeling!!

Anong sasabihin ko nakakahiya!!

"Ahhh ahhh.. Hija? Te... teka sino ka ba?" ani auntie na halos di nakagalaw sa ginawa nitong Marsha na to pasaway talaga.

Haaays nga pala madalas gawin to ni Marsha sa mga bisita namin. Malamang nawala sa loob niya na tao na sya.

"Ahh auntie Lerma ako po si Mar." naudlot na salita ni Marsha habang nakayakap pa kay auntie.

Maya maya lang ay napatingin ito sa kamay niya kaya naman natulala ito.

Marsha's POV

OMG!!!!!

Anong gagawin ko! Sa sobrang saya ko kanina nawala sa isip ko na nagbagong anyo nga pala ako..

Anong gagawin ko?

Anong sasabihin ko?

Daine!

Hala si Daine, lagot baka galit nanaman siya sakin. Nakoo kung kailang bati na kami syaka naman ganito.

Kaya naman agad akong tumingin kay Daine at nakita kong natigilan din siya.

Sorry Daine nakoo.. Pahamak talaga ako.

"Ahh.. Ahahahahhaha!" tawa ni mommy Susan. "Ahh kumare siya nga pala yung sinasabi ko sayo na bagong girlfriend ni Daine."

Napaatras nalang ako sabay kagat sa labi ko.. Sobrang nakakahiya!!!

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon