Simula

401 21 3
                                    

"Ahhhh." Isang malakas na hikab mula kay Daine.

At dahil sa pagkakahikab na iyon, nagising ang cute na cute na si Marsha ang pinakamamahal na aso ni Daine.

Habang tinititigan ni Daine si Marsha ay nagulat nalang sya rito dahil pinag hahalikan siya nito sa labi at pisngi.

"Ahh! Ahaha! Wag please! Marsha tama na! Haha!"

"Wof! Wof! Wof! Wof"

Maya maya naman ay bumukas ang pinto"Oh anak, buti at gising kana bumaba kana doon at baka mahuli ka sa school." Sambit ng ina ni Daine na si Susan.

Napatingin lamang si Marsha kay Daine sabay damba rito at dila muli sa leeg.."Aray ko! Aray ko! Ikaw talaga Marsh! Ahhmmp! Hahaha kakain na rin ikaw? Ang cute cute cute! ang cute cute cute!" Sambit ni Daine habang pinang-gigigilan ang kanyang aso.

"Let's go na Marsha!" Giit ni Daine sabay tayo at lakad palabas ng kwarto.

"Wof!" Kahol ni Marsha sabay takbo papunta sa amo.

Marsha's POV

HAYYY! isang napakagandang araw nanaman para sakin! Isipin mo paggising mo palang sa umaga mukha na ng amo mo ang bubungad sayo?! Wala nang mas sasaya pa doon! Haha! May libreng massage pa ako palagi! Ang sarap talaga mabuhay!

HAYYY! isang napakagandang araw nanaman para sakin! Isipin mo paggising mo palang sa umaga mukha na ng amo mo ang bubungad sayo?! Wala nang mas sasaya pa doon! Haha! May libreng massage pa ako palagi! Ang sarap talaga mabuhay!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hi! Ako si Marsha! Ang cute na aso ni Daine! Hihi ^^

Woooy! Hhmmmmnp! Yummy! Ang sarap talaga ng dogfood nato! Tapos yung tipong nakatingin ka pa sa modelo ng Alfo! Haay ang pogi nya talaga! Ayiieh! Crush na crush ko talaga sya! Sana makita ko sya sa personal! Hihi.

Isa akong King Charles Spaniel ang balahibo ko ay black and white at kaunting brown. Ang mga tenga ko ay mahaba at may kulot na soft na balahibo, kaya naman! Ehem! maraming may gusto sakin! Muntikan na nga ako ma dognap eh. Buti nalang iniligtas ako nang amo kong poging pogi! ^^

"Daine!"

Haha! Sumisigaw nanaman si mommy Susan... Well Daine is Daine! At siya ang aking amo! Mahal na mahal ako niyan! Sobra! kaya mahal na mahal ko rin sya. Siya ang nag-alaga sakin simula nang maaksidente ang mama ko.

Galang aso lang kami noon ni mama kaya sa kasamaang palad nasagasaan siya nang isang motor at ang pinaka masakit sa lahat, ni walang pakialam yung driver! Basta niya lang iniwan ang mama ko! Kami! Hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon!

Mabuti nalang malambot ang puso ng batang si Daine kinupkop niya ako kahit na puro ako galis at halos lagas ang balahibo. At ang mama ko, kanya itong pinalibing sa likod bahay nila. Magmula noon itinuring na nila akong myembro ng pamilya, napakabait din ni mommy Susan!

"Marsha!" Sambit ng boses batang babae...Wof! Hah! Si Jane! Ang batang si Jane! Tinatawag niya ako!

Napakaliit pa ni Jane noon... Isa ako sa nag-alaga sa kanya noong baby pa sya... ang cute niya sobra! Idinuduyan ko sya sa pamamagitan nang pagkagat ko sa kuna niya, nagalit noon sakin si mommy Susan pero buti nalang nandyan si Daine para ipaliwag ang ginawa ko. Kaya natuwa sakin si mommy Susan! ^^

Haay! Ilang taon narin ang nakalipas pitong taon na ako sa mundong ito! Grabe ang tanda ko na talaga! pero cute parin ako ^^ syempre ginagastusan talaga nila ako ehh, at syempre lagi akong pinaliliguan ni Daine! Ibigay ko lang ang tuwalya ko sa kanya alam na nya hihi.

Lahat nang kilos ko alam niya, pagtinatamad ako, paggusto ko mag laro! At kapag gusto ko magpalambing! Haha!

"A Wuwu Woooooof!" I love you! yan ang interpretasyon nyan! Haha.

Hilig ko umupo sa binti ni Daine habang nanonood siya nang T.V. Doon na nga ako nakakatulog, kasi naman minamasahe niya ako habang nanonood sya, ang sarap sa feeling.

At dahil tapos na ako kumain hihiga na ako sa binti niya. Napangiti nalang si Daine sakin sabay haplos sa balahibo ko.

"AAAHHHH!" ayan na nga inaantok na ko.

"Sleepy ulit Marsha? Sige na sleep na Baby! Sleep, Sleep." Ani ni Daine nang nakangiti... Nakakatuwa talaga ang amo ko...

Haaay!! Makatulog na nga ulit... Zzzzzzzzzz

The Dog LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon