CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 1

63 6 3
                                    


Chapter 1

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng bahay na uupahan ko. Bitbit ang maleta ko. Mas ok na to. Kesa mag rent pako sa iba. Diko na kayang bayaran yung dati kong inuupahan. Kailangan ko ng magtipid ng husto. Ito nalang yung nakita kong mura na paupahan. Wala na din akong pera. At kailangan kong mag tipid. Mababa lang ang sweldo ng tulad kong writer na hindi naman sikat. Mag rereklamo paba ko. Kinukulit pako ng Boss ko na magsulat pa ng iba. Pressured na pressured nako. At diko na alam ang iisipin. Sana makaisip ako ng magandang story para maka survive. Pag hindi baka sa kalsada nako tumira at mamalimos nalang.

At biglang bumukas ang gate. Lumabas ang isang lalaki na may pulang buhok. Ngumiti sya sakin. Ang ganda ng ngiti nya. Natulala ako saglit doon. Sya palang yung lalaki na nakita kong may magandang ngiti. Ang gwapo pati nya. Kinilig akot namula. Kaya napalingon ako sa likuran ko. Sa pag aakalang may ibang tao syang nginitian. Dahil baka hindi naman talaga ako yung ng initian nya.

" Ikaw ba si Liah?

" Ah ako nga..

Sagot ko na nahiya sa kanya. Na ako pala talaga yung nginitian nya.

" Ako si Val John. Val nalang. Kanina kapa hinihintay nila Tatay at Nanay.

" Hah ng Tatay at Nanay mo? Hinihintay ako?

Takang sagot ko.

Napangiti syat natawa ng marahan sabay sabing..

" Ang ibig kong sabihin ni Tatay Bert at Nanay Emma. Yung may ari ng bahay. Tatay at Nanay ang tawag namin sa kanila. Dahil magulang ang turing namin sa kanila.

" Ah ganon ba. Pasensya kana. Akala ko kase ano hahah..

Napangiti ulit sya sakin. Ako naman pahiyang pahiya sa kanya.

" Tulungan na kita sa maleta mo.

" Ah sige Salamat.

At pumasok na kami sa loob.

Sa loob ng bahay nakaupo kami sa sala. Nakaupo ako sa sofa katapat sina Tatay Bert at Nanay Emma. Nang lumapit si Val na may dalang juice para sa akin. At tumayo ito sa likuran ng sofa inuupuan ko.

Nanay Emma: Mabuti naman at dumating kana. Kanina kapa namin hinihintay. Ok naman sayo yung napag usapan natin sa telepono tungkol dito sa bahay.
Liah: Opo Nanay Emma. Ok lang po sakin. Wag po kayong mag alala.
Nanay Emma: Mabuti naman. Nakakatuwang Nanay na din ang tawag mo sa akin.
Liah: Ah kase po iyon ang naikwento sakin ni Val kanina. Bago kami pumasok dito.

Sabay tingin ko kay Val sa likod. Ngumiti din ito sakin.

Val: Wag ka mahihiya samin ah.
Tatay Bert: Oo nga maging komportable ka sana dito. Mamaya dadating yung iba pang kasama natin dito sa bahay. Mababait ang mga binatang ito. Kaya wag kang mahihiya sa kanila at maiilang.
Liah: Salamat po Tatay Bert. Tingin ko naman po mababait sila. Kagaya ni Val.
Wag po kayo mag alala sakin.

Napangiti sakin si Val.

Tatay Bert: Mabuti naman kung ganon. Tayo na sa taas para makita mo na yung kwarto mo.
Nanay Emma: Oo nga.
Liah: Sige po.
Val: Ako na magbibitbit ng maleta mo.
Liah: Salamat Val.

At ngumiti si Val.

Sa taas binuksan ni Tatay Bert ang kwartong tutuluyan ko. Pumasok kami doon. Nilagay na ni Val ang maleta ko sa tabi.

Liah: Ayos po itong kwarto. Tamang tama po sakin.
Nanay Emma: Mabuti naman at nagustuhan mo. Ito kase yung dating kwarto ng anak kong babae.
Liah: Nasan po ang anak nyo?
Tatay Bert: Nasa abroad sa US. Doon na sya nakatira. May sarili ng pamilya.
Liah: Ah ganon po ba. Mabuti po at nandito sina Val. Para may kasama din po kayo.
Nanay Emma: Oo Liah. Tama ka para na din kaming may 7 anak na lalaki. Na nag babantay samin.
Liah: Oo nga po. Kailangan nyo din po ng makakasama. Lalo pat malayo po ang inyong anak.
Tatay Bert: Oo nga Liah kaya nag papasalamat din kami sa kanila. Dahil mababait silang lahat.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now