CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 12

4 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw. Nakarecieve ako ng txt sa Boss ko. Isang magandang balita. Nag msg sa kanya ang publishing. Sinabi nito na kukunin nila ulit ang story ko. At kailangan ko pumunta sa meeting. Mga ilang araw mula ngayon. Ang saya ko. Tinawagan ko agad si Pat at kinuwento sa kanya ang nangyari. Tuwang tuwa din sya para sakin. Gagawin ko ang best ko para makapag sulat pa ng magagandang story. Pagbubutihin ko.

Naging busy ako sa pag aayos ng story. Ganon din sina Val sa trabaho nila.
Lumipas pa ang mga araw. At dumating na ang meeting. Nag ayos ako at nag suot ng magandang damit. Naglagay din ako ng konting make up. Para naman maging presentable ang itsura ko. At lumabas nako ng kwarto. Pagbaba ko doon. Nakita ko kausap ni Nanay Emma si Philip. Day off pala nya ngayon. Napatingin sila sakin parehas.

Nanay Emma: Liah may lakad ka pala ngayon.
Liah: Opo Nanay Emma. May meeting po kase sa office ng Boss ko. Kase may isang publishing book po na napili po yung story ko. Ipapublish po nila.
Nanay Emma: Talaga naku nakakatuwa naman Congratulations.
Liah: Salamat po Nanay Emma.
Philip: Congratulations Liah.
Liah: Salamat..

Ngumiti sakin si Philip at napangiti din ako sa kanya.

Philip: Lalabas kana. Sabay nako sayo.
Liah: Ah sige ..
Philip: Sige po Nanay Emma.
Nanay Emma: Sige na lumakad na kayo.

At lumabas na kami. Isinara na ni Philip ang pinto. Pag labas namin ng gate.

Liah: San ba ang punta mo?
Philip: May pinapabili lang sakin si Nanay Emma.
Liah: Ganon ba.
Philip: Tayo na.
Liah: Sige.

Habang nag lalakad. Nakatingin sakin si Philip. Biglang humangin. At napahinto sya. Hinawakan nya ang ulo ko. Natulala naman ako doon. Pagtingin ko sa kamay nya.

Philip: May dahon na nalaglag sa ulo mo.

Natulala ako doon. Parehas kaming natahimik. Nakatingin sa isat isa.
Bigla kong naalala nung highschool kami.

Nag aantay ako sa kanya doon sa ilalim ng puno. Nang biglang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Tinanggal ko ito. Pag harap ko. Nakita ko si Philip na nakangiti. Napangiti din ako sa kanya. Pero biglang humangin ng malakas. Napapikit ako doon para hindi mapuling. Pag dilat ko nakatingin sakin si Philip.
Maya maya ay inilapit nya ang kamay nya sa buhok ko. At may kinuha doon.

" Yung buhok mo may dahon..

Napangiti ako doon. Napangiti din sakin si Philip. Maya maya ay lumapit pa sya sakin ng mas malapit. Natulala naman ako. At hinalikan nya ko sa noo. Napapikit nalang ako doon. Natahimik kami parehas. At niyakap nya ko.

Kumabog ang dibdib ko habang nakatingin kay Philip. Nakatingin rin lang sya sakin. At marahan nya kong niyakap. Nakatulala lang ako doon. Habang yakap yakap nya. Parehas kaming pinapakiramdaman ang isat isa. Na para bang kami lang ang tao sa mundo. Napapikit nalang ako. Na para bang unti unti na naman bumabalik sa akin. Ang pakiramdam na iyon.

" Natatandaan mo ba non. Gantong ganto din yun. Nung humangin..

Hindi ako nakapag salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Sa office nag start na kami mag meeting. Naging maayos ang lahat at naging maganda ang pag uusap namin ng publishing. Tuwang tuwa ang Boss ko.
Masaya din ako. At naging maayos ang lahat.
Di muna ako agad umuwi. Nag usap muna kami ng Boss ko. Pagkatapos ay nakipag kita ako kay Pat. Sabay kaming nananghalian.

Pat: Congratulation ulit hah.
Mabuti naman at naging maayos ang lahat.
Liah: Oo nga eh. Akala ko talaga nung umulan wala na. May nakalaan pala na plano sakin si God.
Pat: Oo naman. Sabi ko nàman sayo. Basta wag ka lang mawalan ng pag asa. Saka maniwala ka sa kakayahan mo.
Liah: Tama ka. Ganon nga. Maniwala sa sarili at wag mawalan ng pag asa.
Pat: Yes kaya nga ako di nawawalan ng Pag Asa kay Carlo at Jesper.
Liah: Hay naku ikaw talaga.
Pat: Oh bakit??..
Liah: Lakas talaga ng fighting spirit mo.
Pat: Syempre naman. Mga Mahal ko yun eh.
Liah: Talaga lang huh?!
Pat: Syempre posible naman yun na magkagusto ang tao sa di lang iisa.
Liah: Ano??..
Pat: I mean pwede syang mag kagusto higit pa sa isang tao.
Liah: Talaga huh!..
Pat: Oo gaya ko gusto ko sila parehas ni Carlo at Jesper.
Liah: Oo nga.
Pat: Oh diba!

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now