CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 18

11 2 2
                                    

Maaga ako nagising at nakatulala sa kisame. Ilang araw na din ang lumipas mula nung nagpunta kami ni Philip sa reunion ng school namin. Ang daming bumalik sakin na mga alaala. Pati na din yung damdamin ko kay Philip. Sa totoo lang naguguluhan ako sa sarili ko. Para bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang isip ko nalilito. Isip ko nga ba oh yung puso ko?
Ayokong isipin ngayon ang mga to. Hindi ako handa. Hindi handa ang loob ko.
Napapikit na lamang ako. At yumakap sa unan ko.

Lumipas ang ilang minuto sa kusina.

Nanay Emma: Oh ayan Liah. Sigurado kabang kaya mo lahat yan.
Liah: Opo Nanay Emma. Ako na po ang bahala.
Nanay Emma: Sige.. sumakay ka nalang pag uwi.
Liah: Sige po. Mauna na po ako.
Nanay Emma: Oh sige.

At lumabas nako ng bahay at nagpunta sa palengke.
Lumipas ang oras dumating ako sakay ng tricycle. Bumaba nako at nagbayad. Pag lapit ko sa gate biglang bumukas ito. Nagulat naman ako doon. At lumabas si Jonas. Natulala ako sa kanya.

" Oh bakit??

" Ah ginulat mo naman kase ako.

Natawa ng bahagya si Jonas sakin.

" Tulungan na kita..

" Sige Salamatt...

At ngumiti lang ito sakin.
Sa loob ng kusina. Tinulungan ako ni Jonas ayusin ang mga pinamili ko. Nakatingin ako sa kanya doon. At napansin nya yon.

" Oh bakit? May dumi ba ko sa mukha? At kanina mo pako tinitingnan??

Bigla naman akong nahiya at inalis ko ang tingin sa kanya.

" Ah hindi ahh. Tayo lang naman kase ang naanditong dalawa. Kaya di ko maiwasan na tingnan ka.

Lumapit si Jonas sakin at nagsalita.

" Ano naman ang ibig mong sabihin sa sinabi mo? Na tayong dalawa lang ang nandito??

Nahiya ako bigla. Napaisip ako sa mga sinabi ko. Bakit ba kase iyon ang nasabi ko. Wala naman akong ibang ibig sabihin doon. Napatungo ako.

" Ano bang nangyayari sayo? Ganyan ba talaga pag mga writer. Full of imagination??

Bigla akong napatingin kay Jonas. Nasa tabi ko nga pala sya at ang lapit ng mukha nya sakin. Natulala ako doon. At namula. Nakatingin rin lang kase si Jonas sakin.
At bigla kong inalis ang tingin sa kanya.

" Ah hindi ahh. Syempre kapag writer ka di talaga maiwasan minsan yung magimagination. Pero alam naman namin ang realidad. At alam namin pano paghiwalayin yon. Sagot ko habang nakatungo doon.

" Talaga lang hah??!..

" Oo kaya.. sabay tingin ko doon. Para kunwari wala lang sakin yon.

Nakatingin lang si Jonas.

" Oh bakit? Bat ganyan ka makatingin??

" May sasabihin nga pala ko sayo. Kaso.. baka ayaw mo..

" Hah?.. Ano yun? Sabihin mo na!

Nakatingin sakin si Jonas.

" Kase si Darren. Nag txt sakin. Binigay nya yung address ng bahay na tinitirhan nya. Pwede ko daw sya puntahan. Gusto ko sanang tanungin ka. Kung gusto mo sumama?

Tanong ni Jonas na parang nahihiya.

" Oo.. gusto ko sumama. Gusto ko makita ulit si Darren.

Napangiti si Jonas sakin. Nakangiti rin ang ako doon.

" Sige mag ready ka mamayang tanghali.

" Ahh sige ok..

At ngumiti nalang si Jonas.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now