CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 4

9 2 0
                                    

Umaga kumatok si Val sa kwarto ko. At binuksan ko ito.

Val: Liah may bisita ka.
Liah: Huh sino?

Pag punta ko sa sala naroon si Pat na nakaupo sa sofa kausap si Nanay Emma.

" Anong ginagawa mo dito?

Ngumiti si Pat sabay sabing.

Pat: Magandang umaga Liah. Ang ganda pala dito sa tinitirhan mo.

Napatulala nalang ako doon. Habang si Val naman ay nakangiti kay Pat. Ganon din si Nanay Emma na nakangiti.

Sa kwarto hinatak ko papasok si Pat.

Pat: Aray ko naman dahan dahan ka naman. Bakit kaba nag mamadali papasukin ako dito.
Liah: Pano mo nalaman tong tinitirhan ko?
Pat: Ako pa magaling ako sa paghahanap noh. Ang daya mo sabi mo pangit yung mga lalaking nakatira dito.
Liah: Bakit nakita mo na ba sila?
Pat: Hindi isa palang. Yung Val palang. Ang waffu nya sis! Sinungaling ka talaga! Parang ayaw mo malaman ko na waffu yung mga kasama mo dito.
Liah: Eh kase lahat naman sayo waffu.
Pat: Sobra ka naman. Marunong lang ako tumingin ng waffu. Teka sino pinaka bata sa kanila?
Liah: Bakit mo naman gusto malaman?
Pat: Wala lng curious lang ako.
Liah: Wag mong sabihin kaya ka pumunta ng ganito ka aga dahil doon.
Pat: Heheh. Eh kase gusto ko silang lahat makita. Kase nabanggit mo na nag wowork sila. Baka diko maabutan kaya maaga ako nagpunta. Para makita silang lahat.
Liah: Grabe ka talaga..

Maya maya ay may kumatok. Pag bukas ko si Jayson ito.

" Liah kakain na daw.

" Kakain na?!

Sabat ni Pat na lumapit doon. Nagulat naman si Jayson.

Pat: Hi im Pat. Ano name mo?
Jayson: Ah ako si Jayson.
Pat: Nice to meet you. Ako yung Bessy ni Liah.
Jayson: Ah ganon ba. Tara kain tayo.
Pat: Ah oo sige Salamat.

Di nako nagsalita doon. Nakatingin lang ako kay Pat at Jayson. At lumabas na kami sa kwarto.

Sa hapag kainan. Kasabay namin kumain si Pat. Ngiting ngiti sya doon habang kumakain katabi ko. Napapangiti naman si Val doon sa kanya. Habang si Philip at ang iba ay seryosong kumakain.
Nang matapos. Ako ang nag hugas ng plato. Habang pinanonood ako ni Pat doon.

Pat: Nakakatuwa pala dito. Ang saya ng Family nila.
Liah: Oo ganon nga.
Pat: Ang bait ni Val. Ang waffu pa.

Napangiti ako doon.

Pat: Yung Philip ang waffu din pati yung Jayson. Si Gift ang cute nya. Pero ang crush ko si Carlo at Jesper. Grabe yung mukha ni Carlo ang fresh tapos si Jesper yung mata at ilong. Ang wawaffu nilang lahat. Kaso ang suplado nung Jonas. Ang waffu pa naman nya.
Liah: Suplado talaga yun. Kaya wag kang mag papansin sa kanya. Mapapahiya ka lang.
Pat: Ganon?!
Liah: Oo..

At biglang sumilip si Val doon kasama sina Carlo at Jesper. Pati na din si Gift na nakangiti. Tumingin din doon si Philip at si Jayson.

Val: Bye Liah nice to meet you Pat.
Pat: Nice to meet you Val at sa inyong lahat. Goodluck sa work nyo. Goodluck sa school Jayson.
Jayson: Salamat.
Liah: Sige Val.. Goodluck sa work today sa inyong lahat.
Carlo: Bye Liah
Jesper: Bye
Gift: See u..
Liah: See u all..

Napatingin ako kay Philip.

Philip: See u tonight
Liah: Ahh see you Philip.

Napatingin si Val kay Philip.
Habang si Pat nàman ay parang nagtataka doon.

" Tayo na ang tagal nyo dyan!

Natahimik ako doon ng marinig ang boses ng lalaking iyon. Napataas naman ng kilay si Pat.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now