CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 20

19 3 6
                                    


Dumating na ang araw ng pasko. Maaga kami gumising lahat para magtungo sa palengke. Nag suot ako ng hoodie jacket dahil maginaw at madaling araw pa non. Nag aantay kami nila Val Carlo at Philip. Hinihintay namin bumaba si Jonas. Pagbaba ni Jonas napatingin sya sakin at ngumiti ako sa kanya. Iniwas nya ang tingin sakin at naunang maglakad papunta sa pinto.

" Tayo na! sabi nito

Nakatingin lang ako doon sa kanya. Habang si Carlo Philip at Val naman ay makatingin sakin.

" Tayo na Liah..
Sabi ni Val sakin.

" Ahh sige..

At naglakad na kami papunta sa pinto. Nauna ng makalabas si Jonas non. Pagdating namin sa gate umihip ang hangin ng malakas.

" Ang ginaw.. nasabi ko doon.

Pero biglang hinawakan ni Val ang hoodie ko sa likod at isinuot ito sa ulo ko. Natulala ako sa ginawa nya. At nginitian nya ako. Napangiti din lang ako.
Si Jonas naman ay inalis agad ang tingin samin dalawa ni Val. Ganon din si Philip na nagdiretso sa paglalakad sa likuran ni Sungit. At lumabas sila ng gate. Bigla naman akong inakbayan ni Carlo.

" Tayo na Liah..

Napatingin si Val kay Carlo.

" Ahh sige.. nasabi ko nalang don. At inantay namin mailabas ni Val ang sasakyan. At sumakay na kaming lahat doon.

Sa palengke naghiwa hiwalay kami nagtungo si Val sa meat section si Jonas naman at Carlo sa vegetable area habang kami naman ni Philip sa mga rekados. Nagtungo kami sa onion section at namili kami. Ang ganda ng ngiti sakin ni Philip. Natutulala ako sa kanya habang nagpipili sya doon. Naalala ko tuloy nung magkasama kami nung highschool. Ganon na ganon sya. Hindi pa din nag babago.

Bigla akong ginulat ni Carlo sa likod.

" Tapos na kayo bumili Liah?

Napatingin si Philip sa kanya. Nang tumabi sakin si Carlo.

" Eto tapos na. Kayo??

" Oo nabili na namin lahat. Diba Jonas sabay lingon ni Carlo sa likod. Napalingon din kami ni Philip. Nakita namin na nakatayo malapit sa likod namin si Sungit. At nakatingin lang.

" Tayo na..

At nauna na itong maglakad paalis.

" Tayo na Liah.. sabi ni Carlo.

" Sige.. sagot ko naman doon. Pero bigla akong hinawakan ni Philip sa braso. Napatingin ako sa kanya ganon din si Carlo na medyo nagulat sa ginawa ni Philip.

" Tayo na... sabi ni Philip ng marahan.

At naglakad na sya hawak hawak ako. Napatingin nalang ako kay Carlo at sumunod nalang ito samin.

Pagdating namin sa sasakyan.

" Nabili ngo ba lahat? tanong ni Val

" Oo.. sagot ni Philip.

" Kayo Jonas?..

" Oo nabili naman namin lahat.
sagot nito. Nakatingin lang ako sa kanya.

" Idouble check nyo yung pinamili nyo. Para hindi na tayo babalik. sabi ni Val doon.

At nag check kami lahat ng pinamili.

" Naku!!.. biglang sabi ni Carlo.

Napatingin kami lahat sa kanya.

" Ano yun ?.. tanong ni Sungit sa kanya.

" Nakalimutan yung cucumber. sagot ni Carlo na napakamot pa sa ulo.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now