CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 6

10 2 2
                                    

Val: Ok na to pwede na tayong kumain.
Nanay Emma: Naku ang sarap nyan Val. Ilagay nyo na dito.
Liah: Sandali yung cake!
Kukunin ko lang.
Val: Sige
Jayson: May cake?

Napangiti ako kay Jayson.
At naglakad ako papunta sa kusina. Nakatingin lang sakin sina Val at Philip.
Nang makarating sa kusina. Kinuha ko ang cake sa ref at binuksan ang kahon nito. Kinuha ko ang candle at iniligay ito sa cake.

" Nakalimutan ko yung pang sindi.

"Ako na!

Pag lingon ko si Jonas ito. Lumapit sya sa akin. At may dala dala syang lighter. Sinindihan nya ang candle. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?

" Ah wala lang. Salamat sungit.

" Ano?!..

" Ang ibig kong sabihin Salamat Jonas..

Tumaas ang kilay nya. At lumapit ng tingin sakin. Natulala naman ako doon.

" Ahh bakit?..

Itinaas nya ang kamay nya. At itinuro ito papalapit sa noo ko. Sabay pahid nya dito. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Takang taka ako kung bakit. At pinakita nya ang daliri nya.

" Yung noo mo may uling!

Nakatingin lang ako doon sa kanya.

" Ah Salamat.. sandali.

Nagtaka si sungit kung bakit. Pumunta ako sa tabi ng ref at kumuha ng tissue. Pag lapit ko kay sungit. Kinuha ko ang kamay nya at pinunasan ito. Nagulat sya sa ginawa ko. At nagulat din ako sa ginawa ko. Natulala ako sa kanya habang hawak hawak ko pa din àng kamay nya. Nakatingin din sakin si Jonas at tahimik. At binitawan ko ito. Sumimangot naman sya sakin. At kinuha nya ang cake at naglakad paalis. Nakatingin lang ako doon. At sinundan sya palabas ng kusina. Nag lalakad kami pabalik sa bakuran. Nakatingin lang ako sa likod ni Jonas at napatungo. Pero bigla akong nabangga sa likuran nya. Nagulat ako huminto pala sya doon.

" Lutang ka na naman..

Sabi nya habang nakatalikod sakin.

Di naman ako nakapag salita doon. Pero napangiti pala sya at nagpatuloy sa pag lalakad. Naiwan ako doon na nakatulala. At humabol ako sa kanya.
Pag dating namin sa bakuran. Nakatingin sila samin ni Jonas.

Val: Liah bakit ang tagal nyo?
Liah: Ah kase..
Jonas: Hindi nya agad nasindihan yung candle kaya ako na ang nag sindi non.
Val: Ganon ba..
Liah: Oo Val tinulungan ako ni Jonas.

Nakatingin lang si Val doon at napangiti. Habang si Philip naman ay nakatingin lang din samin.

Tatay Bert: Tayo na simulan na natin.
Jonas: Opo Tatay Bert.

At inilagay na ni Jonas ang cake sa lamesa. Nakatingin lang ako kay sungit. Habang nakatingin naman sakin si Val at Philip.
At lumapit nako doon sa kanila. Nagsimula na kami.
Kinantahan namin si Jayson. Pumikit sya at nag wish. Pagkatapos ay nagpasalamat sya kina Tatay Bert at Nanay Emma. Pati na din sa mga itinuturung nyang mga Kuya. Ngumiti naman sa kanya sina Val. At nagpasalamat din sakin si Jayson. Matapos ay hinipan nya na ang cake. Nagpalakpakan kaming lahat. At masaya para kay Jayson. Nagsimula na kaming kumain.
Ang saya saya ng lahat. Natutuwa kami habang pinapakinggan sina Carlo at Jesper sa kakulitan ng dalawa. Napatingin ako kay Val na nasa tabi ko. Ngumiti sya sakin. Habang si Philip at Jonas naman ay nakatingin saming dalawa. Napatingin ako sa kanila at ngumiti.  Iniwas ni sungit ang tingin nya sakin. Pero si Philip ngumiti sya. Napangiti din ako sa kanya. Nakatingin lang si Val saming dalawa.
Matapos kumain ay naka isip sila ng laro.

Val: Sali ka Liah.
Liah: Oo sige.

Ngumiti si Val sakin.

Val: Tara simulan na natin.
Si Tatay Bert ang mag sasabi kung anong bilang ng group ang bubuuin.
Tatay Bert: Sige mukhang masaya yan.
Nanay Emma: Oo nga. Taga palakpak nalang ako dito.
Val: Sige po Nanay Emma.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now