CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 26

16 1 3
                                    

Nagising si Liah at nanatili lang sya sa higaan. Nakatingin sya sa kisame at naalala nya bigla ang gabing nag tapat sa kanya si Jonas. Tandang tanda ni Liah ang pag buka ng bibig nito sa pagsabing

" Gusto kita.. "

Napatagilid si Liah ng higa at yumapos sa unan.

" Ano bang nakain nya't sinabi nya yun sakin. Pinag titripan mo na naman ba ko??.. "

Lumipas ang oras at natapos na mananghalian sina Liah kasama si Tatay Bert Nanay Emma, Jayson Gift at Val. Matapos ay tinulungan sya ni Gift at Val sa pag ligpit.
Si Liah ang nakatokang mag hugas ng plato. Pero naroon ang dalawa at nakikipag kwentuhan sa kanya. Nag tatawanan sila doon. Si Val ang taga lagay ng mga plato sa patuyuan. Habang si Gift naman ay panay ang kwento tungkol kina Jesper at Philip.

" At eto pa isang beses. Kumain kami sa lugawan. Si Philip at Jesper nag aagawan sila sa natitirang itlog. Kase naubusan na. Sinaway ko silang dalawa non. Sabi ko

" Kayo talaga para itlog lang.. "

" Alam mo ginawa nila? Bigla ba naman kinutsara ni Philip yung itlog na nasa lugaw ko. Sabay lagay sa lugaw nya! " Sabi ko Hoy!!.. "

Tawa ng tawa si Val doon pati na si Liah.

" Tapos sabi sakin.

" Para itlog lang pala kaya akin nalang tong egg mo. "

Natatawa si Liah at Val kay Gift.

" Ang kulit talaga ng dalawang yun pag magkasama "

Sabi ni Val doon habang naglalagay ng plato. "

" Nakakatuwa nga silang dalawa. "

sabi naman ni Liah. "

" Sobra walang oras na hindi ka tatawa sa kanilang dalawa.. "

sabi naman ni Gift. Napangiti lang si Liah at napatingin kay Val. Natawa naman ito ng bahagya doon. Lumipas ang oras gumawa na sila Gift at Val ng puto. Pinanonood naman sila ni Liah doon.

" Ang galing mo naman Gift. San mo natutunan yan? "

" Ah sa Mama ko. Mahilig kase sya dito. Gumagawa sya ng mga kakanin. "

" Wow talaga. Parehas kami. Mahilig din ako sa mga kakanin gaya ng puto kutsinta sapin sapin bibingka. "

" Ah talaga hayaan mo sa susunod gawa tayo ng mga yun. "

" Sige.. "

Nakatingin lang si Val sa kanya at napangiti. Inilagay na nila ang mga lianera ng puto sa steamer at tinakpan na ito ni Gift.

" Antay lang tayo ng ilang minuto para maluto. "

" Excited nako! "

Napangiti sa kanya si Val at Gift doon. Matapos ng ilang minuto ng pag aantay. Ay luto na ito. Inihango na ni Gift ang mga lianera. At nilagyan nya isa isa ng hiniwang keso ang ibabaw nito.

" Hayaan muna natin saglit para medyo lumamig ng konti saka natin alisin sa lianera "

" Sige.. "

Sagot naman ni Val habang nakatingin lang sa kanya si Liah. Di nag tagal ay isa isa na itong tinanggal sa lianera ni Gift.

" Ganito ang pag tanggal nito. "

" Ah ganyan pala.. "

Sagot naman ni Liah habang hawak ang isang lianera. At ginaya nya ang ginawa ni Gift. Nang matanggal nya ito.

" Yey natanggal ko!

Napangiti sa kanya si Val doon habang pinagmamasdan sya. Natawa naman si Gift.

" Para kang bata Liah. Sige ganyan lang tama yang ginawa mo. "

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now