CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 17

11 2 2
                                    

Maaga kami nagkita ni Pat. Sinamahan ko sya sa mall. Nang matapos sya mamili. Kumain kami at habang nag kukwentuhan..

Pat: Talaga may ganap sa school nyo. Ano aattend kaba?
Liah: Hindi pa nga ako sigurado eh. Baka hindi.
Pat: Bakit naman?!
Liah: Ahm hindi ko kase naenjoy ang highschool days ko doon.
Pat: Bakit naman? Iyon yung pinaka memorable na year sa lahat?
Liah: Ah kase lumipat ako ng ibang school non. Bale iniimbitahan lang ako ng dati kong kaklase doon.
Pat: Ah ganon. Di umattend kana. Para naman makapag enjoy ka din.
Liah: Pag iisipan ko pa.
Pat: Wag mo na pag isipan. Pumunta ka.

Napangiti lang ako kay Pat. Diko kase maikwento sa kanya ang naging experience ko nung highschool doon. Kaya nag aalangan ako pumunta.

Dumating ang araw na iyon. Nakaready nako para umalis. Pag baba ko ng hagdan nakita ako ni Nanay Emma.

Nanay Emma: Oh Liah may lakad ka pala.
Liah: Opo Nanay Emma. Sa dati ko pong school nung highschool.
Nanay Emma: Masaya yan. Bigla ko tuloy naalala nung highschool days ko. Masaya malungkot mahirap. Pero napaka memorable.

Napangiti ako kay Nanay Emma. Mukhang naging masaya ang highschool days nya.

Liah: Oo nga po..
Nanay Emma: Lumakad kana Liah. Pasensya kana napakwento pako sayo.
Liah: Naku wala po yun. Nakakatuwa po talaga ang mga memories nung highschool.
Nanay Emma: Tama ka. Sana yung sayo din.
Liah: Opo Nanay Emma.
Nanay Emma: Oh sige lumakad kana
Liah: Sige po. Alis na po ako.

At ngumiti sakin si Nanay Emma.
Dumating ako sa meeting place namin ni Shena. Nakita ko syang kumakaway sakin. At lumapit ako doon.

Shena: Liah kamusta. Ang ganda mo talaga.
Liah: Ikaw talaga. Ikaw kaya yung maganda.
Shena: Naku hindi ah. Naaalala mo ba itsura natin nung highschool.
Liah: Haha oo nga. Cute ka naman non ah
Shena: Oo nga cute nga binubully naman tayo. Porket chubby ako. Tapos ikaw nerd daw.
Liah: Yaan mo na sila. Alam mo naman mga bata pa tayo non. Wala pa sila sa tamang isip.
Shena: Oo nga basta tayo walang ginagawa sa kanila.
Liah: Tama.. tayo na nga. Mag enjoy nalang tayo.
Shena: Sige..

Nakarating na kami sa school. Nakita namin ang iba naming classmate. Nagkwentuhan kami doon.
Maya maya ay nagtawag na ang School Administration. Nagpunta kami sa Hall at nag speech doon ang ilang dati naming mga teachers.
Habang nakikinig ako doon. May lalaking nakatingin sakin. Pinagmamasdan ako.
Matapos ang speech. Nag kanya kanya ng puntahan sa bawat room ang mga dating estudyante. Kami naman nila Shena ay nagpunta sa labas. Kasama ng 4 pa naming classmate. Nag ikot ikot kami sa paligid ng school. Napadaan kami sa lugar kung saan malapit yung punong pinagtatambayan ko.

Liah: Shena dito muna ko. May titingnan lang ako.
Shena: Oh sige. Nasa Science Lab lang kami ah.
Liah: Sige mag txt ako sayo pag papunta nako doon.
Shena: Sige wag ka lumayo ah.
Liah: Oo..

At iniwan nako nila Shena. Naglakad nako papunta sa lugar na iyon. Pag dating ko doon. Naroon pa din ang lamesa at upuan na malimit kong tulugan. Naroon din ang paborito kong puno. Lumapit ako doon. At humawak dito.

Liah: Lalo ka pang lumaki. Kamusta kana? Ngayon nalang ulit kita nakita. Namiss mo bako? Ako na miss kita.

Habang nakatayo ako doon. Nakatingin sakin ang lalaking yon.
Naupo ako sa kahoy na upuan. Humawak ako sa lamesa nito. Kahit na matibay ang kahoy nito. Lumuma na din ito. Sa pag lipas ng panahon. Nakakalungkot pero masaya din ako. Dahil narito pa din ito. Inihilig ko doon ang ulo ko patagilid. Kasama ng mga braso ko. At napapikit.
Humangin doon.

" Ang sarap ng hangin..

At nakaidlip ako.
Lumapit sakin ang lalaking yon. Nakatingin sya sakin. Maya maya ay inihilig din nito ang ulo nya. At natulog na nakaharap sakin ang mukha.
Lumipas ang minuto. Nagising ako. Nagulat ako ng makita sa harapan ko ang lalaking natutulog.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now